ISANG inspired na umaga ang bumungad kay Thunder pagkagising. Dahil nakahanda na ang kaniyang sarili na harapin ang mga suspek na pumatay sa pamilya niya. At aaminin niyang malaking tulong ang presensya ni Gia para palakasin ang kalooban niya. Subalit, hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang pagdududa tungkol sa pagkatao nito. Dahil bukod sa malabong mapaamin niya ang dalaga na ito nga si Angela, ay mailap din sa ngayon ang sitwasyon para sa kanilang dalawa. "Kailangan ko nang umalis, guys," pagpapaalam niya sa lahat matapos ang salu-salo sa umaga. At doo'y sinulyapan pa niya ng tingin si Gia na ngayo'y kunwari hindi batid ang kaniyang pagpapaalam dahil abala ito sa pagliligpit ng mga pinagkainan. "Gia," pagtawag niya rito na naging kumpulan naman ng tukso. Batid na kasi ng lahat ang

