NAGKAROON NG pagdadalawang isip si Thunder matapos mapagtanto ang pangyayari sa kaniyang paligid. Ewan ba niya ngunit parang hindi siya makapagdesisyon kung susuko na ba siya sa pag-asang makakamit ang hustisya gayong ang kapantay nito ay ang kaniyang kawalan ng kalayaan o mananatiling magtago sa isang katauhan na malayong makilala ng kahit sino kasabay ang pagtalikod sa nakaraan? Datapwat nagtatalo ang kaniyang isip ay gumugulo naman sa kaniyang isipan ang pagtataka kung paano umaayon ngayon ang lahat sa kaniya kahit na wala sa piling niya si Angela. Ngunit, naisip niya rin na kahit hindi niya naman kasama si Angela ay hindi talaga ito nawala sa kaniyang tabi para siya'y gabayan. Sa kabila nito ay mas umusbong ang pagiging magkaibigan nila ni Bea. Hindi niya alam ngunit parang si Bea a

