NANG DAHIL sa nangyari kay Thunder ay isang desisyon ang ginawa ni Gia. Ang taimtim na kausapin si bathala mula sq kalangitan upang hingin ang ang isang kahilingan. "Panginoon, malugod po akong humihiling sa'yo na ibalik mo na ako sa aking katawan bilang si Angela." "Hindi ganoon kadali ang hinihiling mong mangyari, Gia.." Doon siya napalingon sa kung saan dahil hindi niya sukat akalain na maririnig niya ang tinig ni bathala. "Alalahanin mong nagdadalang tao ka at kapag lumipat kang muli sa katawan mo ay tiyak na hindi mo maisisilang ang inyong magiging anak ng mortal dahil mamamatay ang katauhan mo bilang si Gia." Doon siya napailing. "Kung ganoon ay hindi po labag sa'yo ang aking pagdadalang tao?" "Wala naman akong magagawa sa pinili mong desisyon, Gia. Ano pa ngayon at nahihirapan k

