Chapter 4: Best Actress

1453 Words
NANATILI ANG pagpapanggap ng tatlong magkakaibigan na sina Thunder, Zander at Felix subalit wala silang kamalay-malay na may mas magaling pa sa kanilang magpanggap at iyon ay ang kanilang among si Angela. Lingid kasi sa kanilang kaalaman na may kakayahan itong hindi pangkaraniwan. Para bang kahit maglihim ka pa rito ay mahuhulaan niya pa rin ang tumatakbo sa isipan mo. Tanghali pa lang ay si Thunder na ang nagpasyang maghanda ng tanghalian para sa kanilang tatlo. Pero itong si Felix, mukhang hindi pa rin maka-get over sa nangyari. "Nakakakaba ang nangyari kagabi, 'no? Akalain ni'yo 'yon? Nakalusot pa tayo!" tatawa-tawa pang sabi nito. "Kaya nga ngayon ay mas dapat tayong mag-ingat," ani Thunder na sinang-ayunan naman ng dalawa. "Mas galingan pa nating umarte!" dagdag pa ni Zander. At dahil nga kina-career nila ang pagpapanggap ay kahit sa bodegang tinutuluyan nila ay nagsusuot pa rin sila ng pormang pang-bakla. Nakabale kasi sila kay Angela ng mga kakailanganing suotin sa club para naman hindi sila magmukhang walang maisuot at wash and wear lang. Sumapit ang hapon at naghanda na silang mag-ayos sa may dressing room. Kitang-kita sa kanila kung paano sila nag-improve sa pananalita at kilos, mahirap na kasing maputol pa ang bawat sandali ng kanilang pagbabagong buhay. Kahit pa ang ilegal na gawain ang sumalba sa kanila sa loob ng ilang taon. Kasalukuyan silang nagtatawanan nang biglang sumilip sa dressing room si Angela. "O, mukhang pusturang-pustura ang dating ninyo ngayon, hah! Anyway.. maghanda na kayo dahil mayroon tayong early customers ngayon." Agad na namilog ang kanilang mga mata. "O, siya.. sige po, madam!" masayang wika ni Thunder at kakaibang tingin ang ibinigay ni Angela sa kaniya, para bang nagpapaalala ito na hindi niya maintindihan pero sa halip na pansinin iyon ng binata ay isinawalang-bahala niya na lamang iyon. Inasikaso nga nila ang mga maagang customers na dumating ang kaso ay habang naka-table sila sa tabi ng customers ay agad naman sumenyas sa kanila si Angela. Lumapit naman si Thunder at hinila siya malapit sa may counter. "Thanya, may problema kasi tayo," ani Angela. Napakunot ang noo ni Thunder at sandaling natawa. "Madam naman.. ang ganda namang balita niyan-- e, teka.. ano bang problema?" "This is really serious, Thanya. Hindi kasi makakarating ang performer ngayong gabi.. so, maaari ka bang kumanta? Don't worry, babayaran ko naman ang talent fee mo, e.." "Kaloka ka, madam! Wala akong talent diyan," natatawang wika niya habang hinahaplos-haplos ang kaniyang wig. "Alam kong marunong ka, kaya please.. do it, Thanya!" Sandali siyang nagtaka, batid niya sa sariling may kakayahan siya sa pagkanta pero paano nalaman ng babaeng ito ang kaniyang talento? Pero para wala nang pagdududa ay nagawa niya pa ring i-segway ang usapan, "Madam, paano ka naman nakasisiguro? Negative tayo sa singing portio-- e, kung sa pagpapatawa na lang kaya? Push pa ako!" aniya. Sandaling natawa si Angela. "Ano ka ba, sa speaking voice mo pa nga lang ay maganda na, e.. paano pa kapag kumanta? Kaya sige na. Wala kang ibang choice kung 'di ang sundin ang kahilingan ko." Hindi maintindihan ni Thunder kung bakit pakiwari niya ay kilala siya ni Angela para magtiwala ito sa kakayahan niya. "O, sige na nga, madam! Bahala na, basta 'yong talent fee ko, hah?" buwelta pa niya bago pa man siya tumalikod at sa pagtalikod niya ay kakaibang tingin ang ipinukaw ni Angela sa kaniya nang hindi niya alam. - Nagsimula na nga siyang mag-perform habang unti-unting dumarami ang pumapasok na tao sa club. Pakiramdam ni Thunder, ay hindi niya ginagawa iyon para sa mga tao kundi dahil inspirasyon niya ang kaniyang mga lumisang pamilya habang nilalapatan niya ng liriko ang musika. ? "Kung maibabalik ko lang.. Ang dati mong pagmamahal.. Paka-iingatan ko at aalagaan.." Habang kinakanta iyon ni Thunder ay sariwang bumabalik sa kanyang alaala ang nakaraan.. noong kumpleto at masaya pa silang pamilya.. noong paglalaro lang ang kaniyang problema. Noong tinrato siya ng hindi maganda ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Sobrang sakit noon sa kaniya kaya simula nang tumuntong siya ng dose anyos ay mag-isa na lamang siya at pilit umaahon sa hirap ng buhay-- dahil na rin sa pagtakas sa pamilyang hindi naman siya itinuring na pamilya. Doo'y naging laman siya ng kalye at sa murang edad ay natutong makasanayan ang mga maling gawain kagaya nang pagnanakaw at panghoholdap na siyang bumuhay sa kaniya-- hanggang sa tumuntong siya ng desi-otso ay nakatagpo naman siya mga kaibigan na naging sandigan niya sa kabila ng mga ilegal na gawain at itinuring niya na ring pamilya. Umulan ng palakpakan sa kabuuan ng club habang nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. "Ang galing mo, baks!" sigaw pa nila Zander. Habang wala siyang kamalay-malay na unti-unting nahahabag ang kalooban ni Angela sa kantang pamilyar sa kaniya. Hindi maitatanggi kung paano niya hindi nakalimutan ang kababatang si Thunder na walang kamalay-malay noon na isa na siyang hindi mortal--kundi isang anghel. At kung ang pagpapanggap lang ang nakikita niyang paraan para mailigtas ito sa kahit na anong kapahamakan ay mas gagalingan pa niya ang pagpapanggap para hindi siya nito makilala. Napapikit pa siya dahil kung ihahalintulad siya sa kaniyang dating pagkataong si Annie ay bata lamang iyon na wala pang kakayahang ipagtanggol ngayon ang isang Thunder. Pero paano niya kaya mapapaamin si Thunder sa totoong pagkatao nito gayong hindi lang siya ang dahilan nang pagtatago nito ng katauhan kundi mismo ang batas? Matapos ang gabing iyon ay kaniya-kaniya nang pahinga ang tatlo at doon na nila napagpasyahang magpalipas ng gabi. "Grabe ka, baks! May itinatago ka pa lang talento, hah!" wika ni Felix na kariringgan pa rin ng tonong bakla. "Pero bakit naging emosyonal ka yata kanina?" tanong ni Zander. Doon siya napayuko at naging seryoso. Sandaling kinalimutan ang rason kung bakit sila naroroon sa club na iyon. Saka hindi niya namalayang magiging emosyonal siya sa mga katagang kaniyang bibitawan, "Minsan ko na ring nai-k'wento ito sa inyo, 'di ba? At simula nang maging parte ako ng grupo na 'to ay isa lang ang hinangad ko. Ang makuha ang hustisya ng pamilya ko. Ang makulong ang mga taong walang pusong kinitil ang buhay ng mga mahal ko sa buhay.." Doon na siya naluha. At to the rescue naman sina Felix at Zander para akapin siya. "Bro, nandito lang kami. At kung may magagawa lang sana kami para madaling mahanap ang mga taong pumaslang sa pamilya mo ay gagawin namin, e. Ang kaso-- wanted din tayo sa batas," ani Zander. At sa kalagitnaan ng pag-uusap na 'yon ay tila nabigyan ng pag-asa si Thunder sa isang bagay na kaniyang naisip gawin. "May naisip ako." Doo'y nagkatinginan naman sina Felix at Zander sa sinabi niya. Habang si Angela ay patuloy pa rin sa kaniyang isinasagawang plano. Hindi maitatangging nakaramdam siya ng atraksyon sa binata sa kabila nang makakapal na make up na bumabalot sa mukha nito. Kaya naman bago siya magpahinga ay sandali niyang sinilip sa guest room ang tatlo. "Pasensiya na.. nakaistorbo yata ako.." aniya. "Ah.. hindi naman po, madam," sagot ni Felix na mukhang tipo pa si Angela. "Nais ko sanang makausap kayo isa-isa bago magpahinga.. ayos lang ba?" Nagkatinginan silang tatlo at nauna na nga si Thunder para kausapin ni Angela sa kaniyang munting opisina. "Una sa lahat, I would like to congratulate you for your wonderful performance," nakangiting saad niya. "Salamat, madam.." ani Thunder na sandaling nakalimutan ang tonong pang-bakla kaya naman mabilis siyang napaubo upang magpalusot. "May bumara yata sa lalamunan ko, madam," pilyong aniya na ikinatawa lang ni Angela. Sa paraang iyon ay gumaan ang pakiramdam niya na hindi siya nito mabubuking subalit isang balita ang nakapagpabigat muli sa kaniyang kalooban. "About pala sa mga police na nagpunta rito last night, nakausap ko sila at sinabi nila sa aking malaki ang kasalanan ng tatlong lalaking iyon na nasa litrato," panimula nito. Hindi alam ni Thunder kung paano makakapagsalita sa narinig nang hindi mahahalatang isa siya sa mga 'yon. "At gusto ko lang malaman, kung.. may dapat pa ba akong malaman tungkol sa pagkatao ninyong tatlo?" Napalunok si Thunder ng ilang beses. "I mean.. baka lang kasi.. makatulong ako." Napaisip si Thunder na baka naman talaga makatulong si Angela sa kanilang magkakaibigan pero naisip niya rin na baka pain lang iyon ng dalaga para maisumbong sila sa mga pulis. "Wala naman, madam. Totoong may dedikasyon kami sa trabahong pinasok namin," mariing pagkakasabi niya. Napataas ng kilay si Angela. "Well, let's see. Gusto ko lang naman makatulong, kung sakali man. Okay, thank you, Thanya. Pakitawag na lang si Zandra." Napatango siya at sa pagtalikod niya ay hindi niya akalaing magkakaroon siya ng mga haka-haka sa kaniyang isipan. Na baka nga may nalalaman itong si Angela pero para makasiguro ay handa siyang mas galingan pa ang pagpapanggap para kilalanin nang husto ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD