SA PATULOY na pagtakbo ng mga araw ay mas lalong naguguluhan si Thunder sa desisyong bumabagabag sa kaniya. Lalo na't mahirap para sa kaniya ang pagtatago ng totoong katauhan. Matagal niya na sana itong gustong gawin kung hindi niya lang sana mahal ang kaniyang propesyon. Ngunit, naisip niya rin na kung iisipin niya lang din palagi ang kaniyang kaligtasan ay habang buhay naman niyang hindi mabibigyan ng hustisya ang kaniyang magulang at dalawang kapatid. At ang isipin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Angela sa kaniyang buhay, sa kadahilanang alam nitong hindi niya pa rin ginagawa ang tama para sa batas. Hinithit niya ang yosi hanggang sa iyon ay mangalahati. At doo'y nagisnan niya ang tinig nina Felix at Zander. "Nandito ka lang pala," wika ni Zander. "Hinahanap ka

