Kabanata 1
“MAY pi-pickup sa iyong tao, nakasakay sa van na itim, magpapakilala na si Timoteo. Tandaan mo na bayad ka. Tandaan mo na kilala ka namin at ang tatay mo. In two week's time, you have to gain Fabien's trust, his love and everything. After that, you're free to go.”
Tulala siya sa pagkakaalala sa mga salitang iyon habang naghihintay ng sinasabing sasakyan na itim. Hindi sa kanya sinabi ang dahilan kung bakit kailangan niyang makuha ang loob ni Fabien. Kung sino man si Fabien ay ‘yon na ‘yon.
Ano ba itong pinasok niya? Hindi niya akalain na ganito ang magiging kapalit ng kulang-kulang two hundred thousand na iyon na binayaran sa ospital. Bonus na raw ang kumpletong mga gamot at kailangan ng tatay niya sa loob ng dalawang linggo.
Dalawang linggo?
Napapiksi si Catie at kumamot sa ulo. Siya ba si Cleopatra para makapagpaibig ng lalaki sa ganoon kaikling panahon? She was rehearsed. She was trained to seduce a stranger. She was trained for a night.
“Mapapatay kita kuya sa oras na umuwi ka!” Gigil na sambit niya dahil sa matinding galit sa kapatid.
Dalawa na nga lang sila ay pinabayaan pa siya ng kuya niya na saluhin ang problema na ito. Iyon naman ang itinaguyod ng tatay niya para nga makapagpulis at siya ay nagsakripisyo ng dalawang taon na hindi mag-aral. Ngayon, paano pa siya makakapag-aral kung ganito ang sitwasyon niya? Anong naghihintay sa kanyang bukas?
Tumingin siya sa kalsada. Ang tagal naman. Nilalamok na siya ay wala pa ang sinasabing kukuha sa kanya.
Maya-maya ay natanaw niya ang isang itim na sasakyan pero hindi iyon van. Isa iyong kotse na humaharurot at biglang tumigil sa kanyang harapan. Napanganga si Catie. Bumukas ang pinto ng kotse tapos ay bumaba ang isang lalaki. Agad siyang napalunok ng laway.
She was not expecting Timoteo to look this good. Mali. Hindi lang good. Very good.
“Catie?” Malalim na sabi nito kaya tumayo siya nang tuwid.
“C-Code poison ivy 2…2…naletse na nakalimutan ko. 269!”
He smirked. Ang pogi. He May hikaw ito sa tainga, tatlong maliliit na piraso. Ang buhok nitong medyo mahaba sa normal na buhok ng isang lalaki ay abot sa batok. He has bangs. Nakakagwapo pala ang bangs. Ang ilong nitong napakatangos ay parang kayang bumuhat ng ekonomiya ng Pilipinas. Parang tutulo ang laway niya sa gandang lalaki nito. He is so tall. Halos tingalain niya ito habang nakaawang ang mga labi.
“T-Timoteo?” Kandautal siya.
“No…”
No? Napakunot-noo siya. May pangalan na bang No? Anong apelyido nito? Body? No Body?
Binuksan nito ang passenger's side saka siya nilingon, “Hop in.”
Napakurap si Katie dahil hindi naman ito ang sinasabi na kukuha sa kanya. Hindi siya rito basta pwedeng sumama. Her mission is Fabien de Ravelo. Kung sino man ang hudas na iyon ay wala siyang alam. Ni litrato nga ay hindi sa kanya ipinakita ng mga taong namamahala sa isang club na iyon kung saan siya dinala.
“H—” nawala sa isip niya ang sasabihin nang bigla na lang may sumulpot na sasakyan mula sa kaliwa at may lalaking lumabas sa bubungan, hawak ang isang armalite.
“Dapa! Dapa! Dumapa ka, ‘king ina!” Agad niyang tili at kahit na ang taas ng takong ng kanyang sapatos ay nagawa niyang tumakbo palalapit sa sasakyan.
Nakabibinging putukan ang kanyang narinig kaya parang sumasabay ang katawan niyang nanginginig. Pakiramdam niya ay katapusan na niya, lalo na nang bumunot ng baril ang lalaking katabi niyang nakatago sa gilid ng kotse.
Napangiwi ito at nagpaputok din ng baril, nakipag. Kulay ginto ang baril nito at ang nasa isip kaagad niya ay kung pwede iyong ibenta. Ginto siguro iyon na totoo.
Kahit na takot na takot si Katie ay tumingin siya sa sasakyan na papalayo. Ang pagkagimbal niya ay sobra-sobra dahil umikot iyon at muling babalik.
Nakarinig siya ng pagdaing kaya tumingin siya sa lalaki. Nakahawak iyon sa tagiliran at nakangiwi.
“H-Hoy! May tama ka!” Bulalas niya nang mukha itong tutumba. Agad siyang kumilos at sinalo ito. Kamuntik siyang matumba pero pinilit niyang balansehin ang sariling katawan.
“Run!” Singhal nito sa kanya pero hindi siya nakinig.
Isinalya niya sa loob ng kotse ang lalaking kasimbigat ng mundo sa pakiramdam niya tapos ay isinalya niya rin ang mga sapatos na may takong.
Ang palda niya na iisang dangkal ay parang umangat na ang laylayan pero wala siyang pakialam. What matters is her life, their lives.
“Susi!” Mabilis niyang isinara ang pinto habang nasa backseat ang lalaki.
Naroon pa ang susi, nakakabit sa susian kaya agad niyang inistart ang makina ng sasakyan. Papalapit na ang kotse ng armadong mga lalaki kaya wala siyang sinayang na oras. Pinaikot lang niya ang kotse at kahit na sa una ay gegewang-gewang ang takbo nila ay natuwid na lang nang bagtasin niya ang kahabaan ng daan na iyon.
“Ano iyon? Bakit ka nila pinapatay?!” Daldal niya.
Pasalamat siya at tinuruan siya ng kuya niyang magmaneho magmula nang maging pulis iyon.
“D-Do you have a d-driver's license?” Paisa-isa ang hininga ng lalaki. He has an accent. Sosyalin si Timoteo.
“Mamamatay ka na pero lisensya pa ang iniisip mo. Magdasal ka na nakatakas tayo!”
Ano ito? Ang taong nasa bingit, sa lisensya kumakapit? Siya nga, hindi niya iniisip na nagmamaneho lang naman siya ngayon ng isang luxury car. Napaka-smooth ng manibela nito kaya yata sila sumasayaw sa gitna ng kalsada dahil kaunting kabig lang niya ay tuluyang sumasama, hindi tulad ng mga sasakyan na nahawakan niya. Sa halip na ang manibela ang umikot ay mga braso niya ang umiikot dahil sa sobrang tigas kabigin.
Sinulyapan niya ang lalaki at matindi ang pagpipigil nito ng sakit. Ang mukha nito ay pawis na pawis, pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan na taglay.
“Saan kita dadalhin? Please huwag kang mamatay,” pakiusap niya.
“H-Hindi ako mamamatay. Just keep on driving.”
Ganoon ang kanyang ginawa. Hindi man niya gamay ang sasakyan ay nagmaneho siya nang mabilis at kung saan-saan sumusuot. Sa monitor ay wala siyang nakikita na mga sasakyan sa mga kalsada, iyon ang kanyang pinipili na ruta.
This car is so high-tech. Nakikita rin niya ang sasakyan na humahabol sa kanila sa likuran kanina pero ngayon ay wala na siyang nakita.
“Press the blue button on the monitor,” utos ng lalaki sa kanya.
Ginawa niya iyon.
“Route to de Ravelo mansion,” anito.
De Ravelo mansion? Doon ang kanyang punta.
Lumabas ang bagong ruta sa monitor at may guide sa kalsada.
“Please follow the route to de Ravelo mansion. The estimated time is thirty-five minutes at 60kph. At 100, the estimated time is…”
“Makakaabot ka ba roon ng buhay?”
“I will,” anito at pumikit.
Nalaglag ang hawak nitong cellphone kaya matinding kaba ang bumalot kay Catie.
Is this man already dead?
“Hoy! Sabi mo walang patay! Mabuhay ka kung hindi papatayin kita!”
“Buhay pa ako. Sinong mamamatay sa ingay mo?”
Aba, letseng lalaki ito. Pinintasan pa ang bibig niya pero kung kailangan niya itong daldalan hanggang sa makarating sila sa mansyon ay gagawin niya, basta huwag lang itong matulog at mamatay.
“Kakantahan kita basta magising ka lang habambuhay! Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon…”
“Jesus…” mahina nitong sambit.
“Hoy! Nakikita mo na ba si Hesus? Huwag, please. Marami pa akong pangarap. Hindi ako pwedeng masangkot sa kamatayan mo. Saka ka na lang mamatay kapag wala na ako sa tabi mo.”
Narinig niyang ikinasa nito ang baril kaya tumahimik siya. Baka barilin nito ang kanyang bunganga ay mahirap na.