AUTHOR’S NOTE

209 Words
AUTHOR’S NOTE Mahal kong mambabasa, Maraming, maraming salamat sa pagbukas ng Crown of Ash at pagpasok sa mundo nina Elena, Adrian, at Rafael. Hindi ako perpekto. Baguhan pa lang ako sa pagsusulat, at alam kong may mga pagkukulang ang story na ito — sa grammar, sa daloy, at sa ilang eksena. Pero isinulat ko ito nang buong puso, dahil gusto kong maramdaman mo ang bawat kaba, bawat pagpipigil, at bawat sakit na pinagdadaanan nila. Ang Crown of Ash ay hindi lang kwento ng isang kasal. Ito ay kwento ng pagpipili: sa pagitan ng tungkulin at pag-ibig, ng paggaling at pagkasira, ng pagbitaw at paghawak nang mahigpit. Dito mo makikita kung paano nagbabangga ang katapatan at pagnanasa, at kung gaano kalayo ang kayang gawin ng isang tao para sa taong mahal niya. Sana ay samahan mo sina Elena, Adrian, at Rafael hanggang sa huling kabanata. Sana maramdaman mo rin ang bigat ng kanilang desisyon, ang init ng kanilang pag-ibig, at ang katahimikan ng kanilang mga lihim. Kung nagustuhan mo ang mga unang kabanata, paki-heart, paki-comment, at paki-share na rin. Ang bawat suporta mo ay malaking lakas para sa akin bilang new writer. Maraming salamat sa pagtangkilik. Sana ay sabay tayong malunod at makalutang sa kwentong ito. — CheNad’s Story ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD