Kabanata 1

1744 Words
Elora's POV Wala pa rin talagang tawag mula sa parents ko. Sanay naman na akong iniiwan nila lagi pero sa tingin ko sobra na ito. I texted them and the hilarious thing was my father just replied and congratulated me. Imbes na umiyak, wala ako sa sariling natawa. Nilibot ko na lang ang sarili dito sa malaking mansyon at inisip kung papaano ako mabubuhay dito at tatawagin itong tahanan ko. Inside was just as magnificent. Pinaghalong kulay puti, cream, at ginto ang buong kulay ng mansyon. Halata rin ang spanish decoration na ngayon ko lang di nasaksihan. May malaking staircase din sa sasalubong sa’yo sa hallway papunta sa walong bedrooms at pitong bathrooms. May gym, bar, game room, at higit sa lahat… sobrang laki ng kitchen. At sa tingin ko doon lang ako na-excite. Sobrang layo nito sa bahay namin sa probinsya. Mayaman ang magulang ko pero wala kaming ganitong bahay. Nasubukan ko rin namang tumira sa lungsod nung nag-aral ako sa kolehiyo pero isang maliit na apartment lang ang tinirahan ko kasama ko pa ang best friend ko. Maganda talaga ang lugar na ito pero sobrang tahimik ng bahay at walang kabuhay-buhay. May mga tauhan naman dito at nagpakilala na sila kanina. Si Loren, siya ang housemaid at cook, si Bruno, siya naman ang nag-o-operate ng gate at ang driver, at si Andrei, ang hardinero at katulong ni Loren. Pero sobrang daming bodyguard dito lalo na sa labas ng mansyon. Pero lahat sila sobrang tahimik at tila nasa anino lamang nagtatrabaho. Nandyan sila pero hindi ko sila maramdaman. They were not even care to talk to me. This feeling makes me feel worse. I was abandoned by my parents and married to a stranger. How great, right? Fvck me, I’m married. Tumulo ang luha ko at kahit na punasan ko ito ay may kasunod pa rin. Dismayado ako sa lahat ng bagay lalo na sa sarili ko. Bakit hinayaan ko ang parents ko na gawin nila ito sa akin? Ang alam ko kahapon kasama ko sila dahil sa pag-celebrate ng pagkapanalo ni Papa. Nagkaroon pa kami ng dinner kagabi at marami silang pinag-usapan pero itong tungkol sa kasal ko? Hindi man lang nila nabanggit kagabi?! Hindi ba mahalaga ang opinyon ko sa pagpapakasal nila sa akin?! Alam nilang hindi ako papayag kaya ba ginanito nila?! And that monster, Dustin agreed with this stupid marriage?! Alam kong huli na itong galit ko pero labis akong naiinis sa kanila na wala akong magawa kundi ang umiiyak na lang. Wala na akong tinanungan pa at pumili na lang ako ng isang kwarto sa taas na matatanaw mo ang pool sa labas at doon nilagay ang mga gamit ko na nakarating na rin pala dito kahapon. Talagang pinaghandaan na nila ito at ako lang ang walang alam. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng gamit nang biglang tumunog ang aking phone. Kaagad kong kinuha ito at sinagot. “Pa! Sabi niyo magsisimba lang pero bakit naman nagpakasal ako?!” bungad ko at nagpabalik-balik ng lakad sa aking kwarto. Matunog siyang bumuntong-hininga. [“Hija, you have to face your fate. Kailangan mo siyang pakasalan para sa kapakanan ng pamilya natin”] Tumingala ako para pigilan ang luha ko. “P-pero bakit hindi niyo sinabi?” gumaralgal ang boses ko. [“Kasi alam naman namin na papayag ka na rin lalo pa’t alam mong pwede akong makulong. You want that, hija?”] I sighed. “No.” Kaagad ding natapos ang usapan nang may narinig ako sa kabilang linya na pinapatawag na siya sa kanilang meeting. Dismayado pa rin ako kahit na nakausap ko na si Papa. He didn’t even apologize for selling me off to a monster. Hindi ba siya guilty? O sadyang sanay na lang talaga siyang abandonahin ako? Mahigit isang oras din akong nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro nang biglang marahas na bumukas ang pinto na nagbangon sa akin sa labis na gulat. Dustin stormed into the room. Nagkatinginan kaming dalawa at halos mapaso ako sa kanyang galit na tingin. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?!” galit niyang singhal sa akin. Nagkurap-kurap ako sa gulat. Napatingin ako sa buong kwarto na ginawa kong akin. Oh, crap! May nagmamay-ari ba sa kwartong ito? “I-I’m sorry… hindi ko alam na occupied na pala ang kwartong ito. Wala rin namang sinabi si Loren na may gumagamit nito…” kabado at utal kong tinig. Labis ang kunot ng kanyang noo. “Sa tingin mo ba dito ang master bedroom? This is fvcking guest room and you’re not supposed to be here but in our bed!” “Ano? Our bed?” “You’re my fvcking wife, and you should not be here but in our master suite,” patuloy ang galit niyang sambit nang lumapit siya sa akin. Nalaglag ang panga ko at tumayo para tapatan siya. Padabog kong hinagis sa kama ang librong binabasa ko bago ko maisip na ihampas ito sa kanyang ulo para matauhan. “Hindi porket asawa mo na ako ay tatabi na ako sa’yo. Kinasal nga tayo pero hanggang doon lang ‘yon, Mr. Suarez! At kung umaasa ka na may honeymoon stage tayo pwes, manigas ka pero hindi tayo magsi-s*x. I don’t like you for pete sake!” Tumawa siya, iyong tawa na peke at alam mong mapangalait. “We’re on the same page, Mrs. Suarez,” mariin niyang tawag sa akin na lalo kong kinainis. “Asawa kita at pwede bang tumigil ka sa pag-arte na parang bata,” dugtong pa niya. “I’m not acting like a child. Baka ikaw? Ikaw itong-” “Kung s*x lang ang habol ko kayang-kaya ko ‘yong makuha sa iba. And you don’t have to like someone for s*x, do you? Kung sa tingin mo makukuha mo at masusunod ang lahat ng gusto mo porket iyon ang nakasanayan mo, dito ibahin mo. I am the boss here and your husband. You now belong to my possession and you will listen to me. And as for s*x, hindi ko ipipilit ‘yon sa’yo kung hindi mo gusto. Hindi ko rin ipipilit ang sarili ko at hindi ko iyon kailanman babalakin na simulan. There are plenty of women who can spread their legs for me, willingly.” Nagtiim-bagang ako. This guy is much worse than I thought he would be. Hindi ko nagawang magsalita nang humakbang siya papalapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng aming katawan. Mas lalong nangatog ang katawan ko sa matindi niyang galit pero hindi ako umiwas ng tingin. Pinatuloy kong tiningala siya para mag-abot ang tingin naming dalawa. He towered over me but I won’t let him belittle me. “Asawa kita at matutulog ka sa kwarto natin. Lucky you, hindi ako matutulog ngayon dito sa bahay at baka bukas pa ako makauwi. I think that will be my wedding gift for you. Enjoy yourself while I’m not around, Mrs. Suarez.” “Pwede bang huwag mo akong tawagin na Mrs. Suarez.” “Bakit hindi mo ba gusto?” “As far as you’re concern, Mr. Suarez, hindi ko gusto na dalhin ang apelyido mo. Hindi mo rin kailangan na ipamukha sa akin na simula na ang miserable kong buhay. Just call me Elora,” luckily, hindi ako nautal. He nodded his head. “Sure. Gusto ko ring tawagin mo akong Dustin. O kahit anong gusto mong endearment like love, honey, babe, baby..." pangungutya niya. I rolled my eyes at him, smirking. “Okay… Dustin,” I pressed. His name sounds cool pero pinapainit niya ang ulo ko. Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi ko alam kung tatawa ba siya o ano. “Gusto ko bukas pag-uwi ko nakalipat na lahat ng gamit mo sa kwarto natin. Ayokong makarinig mula sa mga tauhan ko na pinag-uusapan nilang magkahiwalay tayo gayung bagong kasal tayo. Wala silang alam sa arrangement na ito at ayokong makalabas ang balitang iyon. Naiintindihan mo ba?” he snarled at me. Tila isa siyang galit na aso na handa akong kagatin kapag gumalaw ako. Pero alam kong hindi simpleng pagkagat ang gagawin niya, dudurugin niya ang pagkatao ko. Napalunok ako kasabay ng marahang pagtango. “Okay…” mahina kong sambit. Naningkit ang kayang mga kayumangging mata at ramdam ko talaga ang intensidad ng kanyang titig na parang binabasa kung anong iniisip ko. Kung mabasa man niya, sana malaman niyang kinaiinisan at kinamumuhian ko siya - ang buong pagkatao niya sobrang nakakainit ulo. Huminga ako ng malalim sa aking ilong at kaagad kong pinagsisihan iyon dahil nalanghap ko ang kanyang mabangong amoy na kaagad naglaro sa aking sistema. Kung may magugustuhan man ako sa kanya, malamang iyong pabango niya. "Good, Princess," he said in a low, husky voice. Tila may bara sa aking lalamunan na nagpahirap sa aking huminga at nang tumikhim ako para alisin ito, gumawa ako ng ingay na tila nabulunan. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang epekto niya sa akin. He’s cruel enough that he has been enjoying my fear towards him. Mukhang satisfy siya sa nakikita niya dahil hindi na nawala ang mala-demonyo niyang ngiti. Tinalikuran niya ako at pabagsak na sinarado ang pintuan sa pagitan naming dalawa. Iniwan niya akong miserable at takot. Nang alam kong wala na siya ay kusang nanghina ang katawan ko at bumagsak sa sahig. Nakahawak ako sa aking dibdib habang naghahabol ng hininga. I blinked back the tears as I thought about my old life in the province and my life when I lived in the city with my best friend, Dani. Bigla kong na-miss ang grandparents ko, ang mga kapitbahay namin sa apartment pati na rin ang alaga nitong aso. Miss ko rin pati ang mga lugar na pinupunta ko na mukhang malabo ko na ulit mapuntahan gayong nakakulong ako. I missed them so much. I missed my old life. Malaking pagkakamali ang kasal na ito at pagsisisihan ko ito sa buong buhay ko. Ano bang nagawa ko para iparanas itong lahat sa akin? Paano ako makakaalis sa bwisit na lalaking iyon? Tumunog ang phone ko at kaagad itong tiningnan. Nagulat ako na may text mula sa kanya kahit bagong magkausap pa lang kami. Dustin: Happy marriage to us, my wife. I rolled my eyes. Ito na ata ang pinaka-sarcastic na text na natanggap ko sa tanang buhay ko. Pero pinilit ko ang sarili ko na magreply sa kanya. Ako: Thank you for a free pass to hell, my husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD