CHAPTER 19 CALLING CARD

2090 Words

"Buntis ka?" Bigla akong napalingon sa kanan at nakita ko doon si Weng na nakatayo, nakanganga at may paghihinalang nakatitig sa akin. "A-Anong sinasabi mo?" Muli na naman akong nakaramdam nang pagsusuka ngunit mahigpit ko na itong pinigilan. Ilang beses akong lumunok. Wala rin naman akong maisuka kundi tubig na ininom ko kanina. "Hoy, babae! Huwag mo akong pinaglololoko! Ganyan ang sintomas ng buntis! Kaya pala tumaba ka at gumanda ng bonggang bongga dahil naglilihi kang, babaysot ka!" Lumapit na siya sa akin at inalalayan akong tumayo. Hinang-hina ang aking pakiramdam at para akong nanlalata. "H-hindi nga ako buntis! Bakit naman ako mabubuntis, aber?" "Aba, ewan ko sa iyo! Ako ba ang nakipagchukchaka--uhmp!" Mabilis kong tinakpan ang kanyang walang prenong bibig dahil napakalakas at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD