PROLOGUE

491 Words
"B-buntis ako." "What?!" Halos mabingi ako dahil sa agaran niyang pagsigaw sa aking harapan habang nakatitig sa akin na tila hindi makapaniwala. "B-buntis ako, Charles a-at ikaw ang ama," pag-uulit ko habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib. "Are you crazy, woman? How do you get pregnant when I know I used f*****g condoms as protection before I f*****g used you?" mariin niyang sagot kasabay nang pagbaba ng kanyang paningin sa akin mula ulo hanggang paa. Ilang ulit akong napakurap sa kanyang sinabi. Ilang libong karayom ang bumaon sa aking dibdib ngunit kaagad ko itong pinalis. "H-hindi kita niloloko, Charles. B-buntis talaga ako. H-heto oh, ito ang resulta. Nanggaling ako sa doctor kanina at ito ang magpapatunay na buntis ako." Iniabot ko sa kanya ang papel na may kasamang ultrasound ngunit malakas niyang tinabig ang aking kamay kaya naman tumalsik ito sa sahig. "Don't tryna' f*****g fool me, b***h. I f*****g saw you, hindi lang dalawang beses kundi lima. Limang beses kitang nakitang may kasamang iba't ibang mukha ng matatandang lalaki sa kung saan-saan!" Nanigas ako mula sa aking kinatatayuan at hindi nakasagot. "Is this your f*****g trick?" "C-Charles.." "Besides being a good player, you're also a good pretender and exploitative." "Sa iyo ko lang ibinigay ang p********e ko, Charles! Alam mo 'yan! Ikaw ang nauna sa akin!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Dahil iyon ang gusto mong palabasin! Sa akin mo unang ibinigay ang sarili mo tapos nakipag-kalantari ka sa iba't ibang matatandang lalaki na mayayaman d'yan sa labas para sa pera! Tell me, April? Pera ko lang ba ang kailangan mo?" mariin niyang tanong sa aking mukha habang nagliliyab sa galit ang kanyang mga mata. "C-charles.." Hindi ko magawang dipensahan ang sarili ko dahil alam kong iyon ang totoo. "You betrayed me, April. Never f*****g show me again. I can't accept that child because THAT is not my child!" Mabilis na niya akong tinalikuran at naiwan ako sa gitna ng palengke habang napapaligiran ng mga matang mapanghusga. "Halika na, uno," bulong sa akin ni Weng kasabay nang pag-alalay niya sa akin at paghila paalis sa lugar. Alam kong mahihirapang maniwala si Charles dahil totoo ang sinabi niyang gumamit siya ng proteksyon sa isang gabi naming pagtatalik. Hindi niya ako gusto, alam ko 'yon. Pinilit ko lang siya na subukan ako dahil sa paghahanap niya ng isang simpleng babae na kagaya ng kanyang ina. Ginawa ko ang lahat ng paraan upang may mangyari sa amin. Desperada na akong makuha siya para maiahon ko sa hirap ang aking pamilya. Sinamantala ko ang pagkakataon nang makatulog siya noong gabing iyon. Dinampot ko ang condom na puno ng kanyang semilya at ipinasok kong muli sa loob ko at ngayon ay nagtagumpay ako. Ngunit paano? Paano ko siya papaniwalaing anak niya ang dinadala ko? Ngayong may hinuha na siya sa totoo kong pakay. Mas lalo ko lang inilubog ang sarili ko sa putikan. Mas lalo lang niya akong pinandirihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD