(Kinabukasan)
Habang Nasa Taxi Ako At Pauwi na, Hayy kanina pa ako kinakabahan Eh Bakit Kaya.
At Maya Maya pa ay nakarating na ako sa Bahay.
Lara: Manong ito na pong Bayad.
Driver: Salamat po Ma'am.
At Bumaba na Ako ng taxi at naglakad na papuntang Bahay
At kumatok na ako sa Pinto.
"Ma Nandito na po ako Mama.
Sambit ko Habang kumakatok ako ng Pinto.
Teka Bat Walang Sumagot Wala kaya Dito si Mama pero Hindi naman Yun Umaalis ng bahay ng Ganito ka Aga, Hayy Buti nalang Dala ko yung Duplicate na Susi ng Bahay kaya binuksan ko na Ang pinto at Nung pagbukas ko.
Ay...Nakita ko si Mama na Nakahiga sa sahig.
Lara: Maaa mama.
At tumakbo ako papunta Kay Mama at ginigising Sya.
Lara: Ma Gising Gumising po kayo please Ma.
Sambit ko at Naiiyak na Habang walang Malay na naka higa sa sahig si Mama.
Lara: Mga kapitbahay Tulungan nyo Po ako Si Mama.
At Maya Maya pa dumating na Sila at tinulungan akong dalhin si Mama sa Hospital.
At Nandito ako Ngayon naka Upo sa Waiting Area Habang si Mama ay Nasa E.R.
Lara: Lord Please Tulungan nyo Po si Mama Wag nyo po munang kunin sya sakin Sya nalang po ang Meron ako at Hindi ko po kakayaning pati sya mawala pa sakin.
Mahina kung dasal
At Maya Maya pa ay dumating na Si Jean na tinawagan ko para Papuntahin Dito.
Jean: Ohh Day ok ka lang ba Kumusta na si tita?
Sabi ni Jean at yinakap ako
Lara: Jean Si Mama Nasa E.R kanina Kasi Pag.uwi ko ng Bahay Wala na syang Malay at Nakahiga sa sahig. Jean Hindi ko alam kung anong gagawin ko si Mama.
Jean: Relax kalang okay
Nandito lang ako para Sayo ipagdasal nalang natin na bumuti na Ang lagay ni Tita Lisa.
Lara: Hinihintay ko pa kung anong sabi ng doctor Hindi pa lumalabas.
Jean: Oh Sige Dito lang Muna Tayo ah wag kanang umiyak Day Magiging okay din si tita tatagan mo lang Ang loob mo.
At Maya Maya pa ay dumating na Ang Doctor.
Lara: Ahm Doc kumusta na po Ang Mama ko?
Sabi ko at lumapit sa doctor
Doctor: Ahm Ms.Lara I'm sorry to Say this pero Malala na Ang Sakit Ng mother mo Meron Kaming Nakitang kidney Stones sa kanya at kailangan na itung maOperahan sa lalong madaling panahon.
Lara: Po!
Parang madudurog Ang Puso ko sa narinig ko.
Doctor: At May Barado naring Ugat sa Puso nya kaya baka Mahirap na Sya.
Lara: Aano Po, Nagbibiro lang po kayo Diba Hindi po eh Malakas pa yung mama ko kagabi pag Alis ko ng Bahay.
Doctor: Pasensya na pero kailangan na syang ma Operahan kung Hindi baka Hindi na sya Magtagal pa.
Nanghina ako sa narinig ko
Lara: Gawin nyo po ang lahat Ng makakaya nyo para po gamotin Si mama please po Operahan nyo na po sya.
Jean: Ahm Doctor Magkano po ba aabutin sa gastos ng operation ni Tita?
Doctor: Aabutin Ng Isang Million.
"Aano???
Sabay Naming sabi ni Jean.
Jean: Doc Ang laki namn po yata nun.
Doctor: Ganon po talaga Wala na po tayong magagawa, kailangan ng maOperahan si Mrs Lisa sa lalong madaling panahon.