[CHAPTER EIGHT: Brother] Dumeretso ako ng entertainment room nang makapagpalit at sinet-up ang X Box. Nagtungo ako ng kusina at tumingin ng makakain. Natigilan ako nang pumasok ang isang katulong. Si Ate Ada. Matatanda ang mga katulong namin dahil nung huli ay pinagalitan ako ni Kuya. Flinirt ko kasi yung halos kasing edad kong katulong. Wala na raw akong alam gawin kundi ang makipag-flirt sa kung sino-sinong nilalang. -Flashback- "I bet pati posteng binihisan ng palda, papatusin mo" ang komento ni Kuya. "Hermano, basta!(Brother, enough!)" ang pagpapatigil ko sa kanya. Medyo may alam ako sa Spanish language dahil kay Lolo. "Por favor...No me molestes(Please, leave me alone)" "No, Escúchame! (No, listen to me)" ang giit naman ni Kuya Santi. " Eres un estupido! Majadero! (You're stupid!

