[CHAPTER FOUR: VERANDA]
"Is that something bad?" ang tanong niya.
"Of course not" ang tugon ko. "Just keeping the facts straight"
"Alam mo, ang cute mo" ang sunod niyang sinabi. Napatingin ako sa kanya at tumawa. Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Kahit na sa State University ako nag-aaral; wala pa rin akong pera" ang komento ko.
"Why would you even think about that?" ang rhetorical niyang tanong.
"Wow, English speaking. EOZ na pala ang buong Baguio" ang pagiging sarcastic ko. "Well, just like what I have said. I'm just keeping the facts straight"
"Nagsasabi ako ng totoo" ang depensa naman niya. "I really do find you attractive. Wala bang nagsasabi sa'yo na may itsura ka?"
"Except sa mahal kong nanay; wala na" ang tugon ko. "Teka, meron nga pala. Minsan may nakasumbatan ako. Sabi niya mukha raw akong unggoy mula sa zoo."
"Oh, come on! Kahit isa? Sa university niyo?"
"Doon? Well, sinanay nila ako sa salitang pangit" ang tugon ko. "Iba ang standards dun. I mean people are bound by culture. The more you look like them, the handsomer you are. Pag nagmumukha kang city boy or city girl; mapupuna ka
They are all about cowboys and country music."
"Oh" ang reaksyon niya.
"In the brighter side, natuto akong maging simple. Hindi mo pinoproblema kung anong itsura mo."
"It's like a Medieval university in the twenty first century" ang pagdedescribe niya na nagpatawa sa akin.
"Parang ganun na nga" ang komento ko. "Minsan nga pakiramdam ko, misfit ako. Nung first two years ko dun; mag-isa ko lang kumakain sa kung saan-saan every lunch. One time, may activity tapos nasa harapan kaming mga boys. A girl shouted "Si _______ lang ang gwapo!".
"Harsh"
"Truth is; not the people"
"Mag-aral ka na lang dito sa puso ko. Lahat ng sulok tanggap ka" ang sabi niya. Napangiti naman ako.
"Sira-ulo" ang komento ko.
"So, payag kang makipag-date sa akin?" ang deretsahan niyang tanong. Napakunot naman ako ng noo.
"Sorry, hindi ako nakikipagdate sa mga conio" ang tugon ko.
"Wow, ako rin" si Jeric. "At least we have something in common"
Hindi na ako umimik pa. Kaagad naman kaming pumasok ng restaubar at pumanhik sa second floor kung saan naghihintay ang iba pang mga kaibigan ni Vlad. Tahimik lang akong nakikinig sa kwentuhan nila. Mukhang close itong si Jared sa kanila. Na-out of place tuloy ako. Hays. Kaya nga hindi ako sumasama sa mga ganito. Napatingin ako kay Jeric. Gwapo naman pala ang loko. Lalo na ngayong nakangiti siyang nakikipagkwentuhan kung sa kung sino man.
I'm a misfit...
Natigilan si Jeric sa pakikipagkwentuhan nang maramdaman ang pagtitig ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at magiliw na ngumiti. Iniwas ko naman ang tingin ko at binaling ang atensyon sa baso ng ice tea. Nang may tissue paper na tumabi sa baso. Napatingin ako sa kamay na nagtulak ng tissue; si Jeric. Kinuha ko yun at binasa ang nakasulat.
"Veranda. Now" ang nakasulat dun. Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya at nagtungo ng veranda. Pupunta kaya ako? Tumayo na lang ako at pumunta rin ng veranda. Tumabi ako sa kanya. Walang umiimik. Wala naman akong masasabi at sasabihin eh.
"Bakit ang tahimik mo? Hindi naman sila mangangagat kung kakausapin mo" ang pagbasag niya sa katahimikan.
"Hindi ako magaling makihalubilo" ang paliwanag ko. "Ako yung tipong sasagot lang pag kinakausap mo."
"Alam mo-"
"Hindi pa" ang pagputol ko sa sasabihin niya. Napangiti lang siya.
"You're interesting" ang pagpapatuloy niya.
"Interesting na parang alien topic o parang palakang interesting na i-disect?" ang tanong ko.
"Interesting na gusto kita" ang sagot niya. "Baka nga love at first sight na to"
"Love at first sight na parang nakakita ng cute na aso sa pet shop o-"
"Love at first sight na parang si Jeric nang makita ang mahirap abutin na si Hesiod" ang kaagad niyang tugon.
"Ako? Mahirap abutin? Paano mo naman yan nasabi?" ang nagtataka kong tanong.
"Im trying to reach out to you; linalayo mo naman ang sarili mo" ang paliwanag niya.
"Paanong hindi? Two hours ago lang tayo nagkakilala, tapos may gusto ka na agad sa akin? Eh, ang labo mo naman palang kausap"
Tumawa naman siya sa mga sinabi ko.
"Since ayaw mo namang makipagdate sa akin. I assume na tayo na" ang sabi niya. "So, boyfriend mo na ako, right?"
"Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?" ang gulat kong tanong.
"Oo naman" ang tugon niya. Pinapasakit niya ang ulo ko.
"Hindi ganun yun, Jeric"
"Why not?" ang tanong niya.
"Hopeless romantic ako. At ayaw kong ganun-ganun lang ang first love ko" ang pagmamaktol ko.
"Wala ka pang naging girlfriend o boyfriend?" ang gulat niyang tanong. Halos mahalikan niya ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Babe, naunahan na tayo" ang komento ng isang tinig. Napalingon kaming dalawa. Si Vlad habang naka-akbay kay bespren Jared. Napathumbs-up naman si Jared.