—sequel of the song Paraluman by Adie .
I'm Adie, a person who likes to be alone. Because I was sick, my parents didn't let me play outside very often. I became addicted to music, and it became my "safe place" when I was having a hard time.
“Anak, have you finished arranging your things? Balita ko start na ng klase rito bukas?” mahinahong tanong ng mama ko.
“Yes mom, ready na lahat. Don’t worry,” masayang sagot ko dahil sa wakas nakalipat na kami ulit ng bahay at makakasama ko na ulit sila mama at papa.
“Good, tulog na anak. I love you,” bati ni mama saka bumalik sa kwarto nila ni papa. Pagkatapos nito ay natulog na rin ako at maagang nagising upang maghanda sa unang araw ng klase.
“Good luck anak, take care,” huling sabi ni papa pagkatapos akong ihatid at agad nang pumunta sa kaniyang opisina. Pagpasok ko sa gate ay nabangga ako ng isang babae na nagmamadaling pumasok kaya naman nahulog ang mga bitbit nitong libro.
“Oh, I'm sorry,” agad na sabi nito tsaka pinulot na ang kaniyang mga gamit, agad naman akong tumulong at iniabot ito sa kaniya.
“Salamat and sorry talaga,” nakayukong sabi nito. Nginitian ko lamang siya at agad nang pumunta sa classroom namin.
Nanibago ako sa makulay na silid na siyang classroom namin ngayon mula sa purong puti na siya lamang kulay sa aking silid noon. Pumunta naman na ako sa isang bakanteng upuan upang doon mamalagi. Pumasok na ang aming professor at ramdam ang tensyon sa loob ng silid.
“Hi, I am Mr. Smith. But before we start, do introduce yourself,” seryosong banggit ng aming prof na siyang kinakaba ko dahil hindi ko pa naranasang gawin ito simula noong bata ako.
“Good morning everyone, I am Paraluman Tricia Cerilles, you can call me ‘Patricia’ for short and hoping to be friends with you guys, thank you,” rinig kong pagpapakilala ng isang babae sa aking gilid na siyang boses ng nakabangga sa akin kanina. Her voice is so angelic, it makes me remind of her.
Nakita ko siyang tumingin sa aking direksiyon sabay ngiti, agad naman akong umiwas dahil sa bilis nang t***k ng aking puso.
“Next,” sabi ng aming prof mula sa harapan. Nanginginig akong tumayo at kinakabahan sa pagsasalita.
“H-hi,” una kong banggit bago natahimik ang buong silid. Nakita ko ang aming prof na napatingin sa kaniyang relo na dahilan kung bakit ako nahiya lalo. Nakita ko si Patricia na tumingin saakin.
“Go,” bulong nito saka ngumiti.
“H-hi I'm Adriel Ramirez, but you can call me ‘Adie’, nice to meet you all,” pagpapakilala ko at agad nang umupo dahil sa labis na kaba.
Nakinig lamang ako buong oras at nakahinga nang maluwag pagkatapos ng unang subject namin.
“Are you an introvert?” tanong ng kung sino sa gilid na dahilan ng paglingon ko rito. Yeah, it's Patricia. Tumango lamang ako rito.
“Ako nga pala si Patricia, sorry kaninang umaga ah? Akala ko kase late na ako kaya ‘yon,” pagpapaliwanag nito.
“Don’t worry. Ayos lang,” sagot ko rito hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang aming pag-uusap.
We became close. She helped me get out of my comfort zone, and because of her, I felt like I was normal. There have been a lot of days, and I'm starting to think about the future with her. I'm telling myself that this is the girl I can't let go of. There was then a moment when I realized that I was starting to fall in love with her.
“Adie, tara sa shop bili pagkain,” aya nito sa akin na sinunod ko kaagad.
Habang naglalakad kami ay pinatugtog ko ang aking gitara na normal naman na sa kaniya kaya wala itong imik.
“Sa unang tingin, agad na nahumaling.
Sa nagniningning mong mga mata.
Ika’y isang bituin na nagmula sa langit,” mga linya ng kanta na binitawan ko habang nakatingin sa kaniya.
“Hoy kaninong kanta ‘yan? Ngayon ko lang narinig, ang ganda,” gulat na sabi nito sa‘kin na sinagutan ko lang ng ngiti.
“Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi,
Sadya namang nakakabighani,
‘Di maipaliwanag ang nararamdaman,” tuloy ko sa kanta habang patuloy ang pagtugtog sa gitara.
Nakita ko nag pamumula ni Patricia na ngayon ay medyo umiiwas na ng tingin dahil sa seryosong pagtitig ko sa kaniya.
“Namumukadkad ang aking ligaya,
Sa tuwing ika’y papalapit na.
Hawakan mo ang aking kamay,” huling sambit ko at agad na hinawakan ang kaniyang kamay at humarap sa kaniya.
“Paraluman Tricia Cerilles, “ I've been in love with you for a month. Patricia, I adore you. Are you willing to offer me the opportunity to be your boyfriend?” nakangiti at kinakabahang tanong ko rito.
“I wasn't expecting this, but it's true. Adie, I like you as well. I'll allow you to court me.” masayang banggit niya na dahilan kung bakit ako napayakap ng mahigpit sa kaniya.
Nothing changed; we remained close after confessing how much we loved each other.
“Adie, why did you like me?” seryosong tanong nito sa‘kin habang inaayos ko ang aking gitara.
“Because you are you, being true to yourself is the first thing I admire about you and the only thing that will make me fall for you even more,” seryosong sabi ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran.
“I love you, my boyfriend,” malambing na bulong ni Patricia sa‘kin na dahilan kung bakit ako napalingon.
“Wait, what? Boyfriend? Are you serious?” gulat kong tanong sa kaniya.
“Yes, sinasagot na kita,” masayang banggit niya sa mga salitang ‘yon na bumuo sa araw ko.
“I love you most, baby,” sambit ko sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
As with other lovers, we had disagreements and misunderstandings, but we never let each other sleep with hatred or anger, which I believe strengthens us as a relationship.
“Pat, can we meet at the shop? I have a problem, I need you,” tawag ko sa kaniya sa telepono.
“Wait, baby. I'm on the way, wait for me,” nagmamadaling sabi nito.
Pagpasok pa lang niya sa shop ay agad ko nang pinatugtog ang aking gitara at sinimulan nang umawit.
“Oh, Paraluman,
Ika‘y akin nang dadalhin sa,
‘Di mo inaasahang paraiso,” unang linya ng awiting sinulat ko para sa kaniya. Nakita ko ang ngiti ng aking mahal sa hindi kalayuan habang ito‘y inaawit ko.
“Palagi kitang aawitan ng Kundiman,
‘Di magsasawa, ‘di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan,” huling liriko na binanggit ko at ako‘y lumapit na sa kaniya at niyakap siyang mahigpit.
“Happy Anniversary, baby. I love you so much,” bati ko sa kaniya.
“Thank you, baby. Ang galing mo talaga, happy anniversary. I love you,” sagot nito sa‘kin.
She was the only woman who ever made me feel such joy in my entire life. I am so fortunate to have someone like her. And now, three years later, we are lovers.
“Baby, puwede ba kitang ihatid mamaya sainyo?” seryoso kong sabi rito.
“Sus, gusto mo lang ako makasama ng mas matagal pa eh. Crush na crush mo talaga ako,” pang-aasar niya sa akin.
“Oo na, basta ihahatid kita ah?” pamimilit ko.
“Fine,” pilit na sagot nito.
As we walked, we talked about our happy memories until we arrived to her house.
“Baby, kapag nawala man ako, magmamahal ka ba ng iba?” tanong ko sa kawalan.
“Of course not, hindi ko na kayang magmahal pa ng iba kung hindi iyon ikaw,” sagot nito sa‘kin na kinatunaw ng puso ko.
Maaga kaming nagligpit ng gamit at umalis sa bahay namin upang lumipat sa ibang lugar. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Patricia dahil sa kagipitan namin ng oras. Tinawagan ko na lamang siya saka sinabing lumipat na kami ng bahay at hindi muna ako papasok sa klase.
“I miss you, bakit hindi ka man lang nagpaalam nang maayos bago umalis? Nakakatampo ka,” matamlay na sabi niya.
“Balik din ako agad. Don‘t worry, baby. After nang gagawin namin dito babalik ako sa‘yo agad,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.
“Promise?” bulong nito.
“Yeah, promise.”
We rarely speak after that day. I began spending less time with her and eventually lost contact with her. And I'd prefer not to think about it this way, but I suppose we're finished?
I returned after a year. I heard numerous stories that she had already found a new boyfriend, but I refrained from believing them since I knew she still loved me. And I recall her saying that she'll never find anybody else but me. I rushed to our school to see her, but she was already there, being held by someone else.
“Adie?” hindi makapaniwalang sabi nito.
“Yes, it's me. I missed you,” naluluha kong sabi. Wala itong sinagot at tanging gulat na reaksyon lang ang nakita ko sa kaniya.
“Okay, hindi ako magtatagal dito. I just want to talk to you at the shop later, if it’s okay?” pagpapaliwanag ko na siyang tinanguan niya naman.
Walang nagbago at katulad noong unang pagpasok niya sa lugar na iyon ay nabibighani pa rin ako.
“Napakaganda ng binibini ko,” nakangiting bulong ko sa sarili ko.
“Hi?” pagbati nito sa akin.
“I'm sorry,” pilit na ngiti kong sabi.
“Adie, hinanap kita. Nawalan ako ng boyfriend at the same time nawala ‘yong sarili ko. Sorry, if iba ‘yong pumuna ng mga bagay na ginagawa mo noon. Hindi ko sinasadya,” naiiyak na sabi nito.
“Ayos lang, kasalanan ko rin naman kung bakit nawalan ako ng oras sa’yo, I'm sorry Pat,” umiiyak kong sabi.
“Wala eh, baka hindi lang talaga tayo para sa isa’t isa,” pilit na ngiting sabi nito.
“Before you leave, can you listen to this first? This is the last part of the song I wrote for you three years ago,” sabi ko sa kaniya at pinunasan ang aking luha at sinimulan nang umawit.
“Oh, Paraluman,
Ika‘y akin nang tatalikuran sa
Sa ating paboritong paraiso,
Palagi ka niyang aawitan ng Kundiman,
‘Di magsasawa, ‘di ka pababayaan
Isasayaw ka niya,
Mamahalin ka niya hanggang sa walang hanggan,” huling kanta na inawit ko at kanta na naghuhudyat na pinapalaya ko na siya.
Nakita ko ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. “Bago ako umuwi, may tanong sana ako sa’yo,” pakiusap niya na tinanguan ko lang.
“May iba ka na ba noon kaya mo ako iniwan at hindi nagparamdam ng kulang isang taon?” seryosong tanong niya.
“There is no third party involved, and I have never abandoned you. I will never do so. I recently underwent surgery for leukemia and required a bone marrow transplant. The doctor informed me that I only had a minimal chance of survival, and I didn't want you to be concerned about me,” naiiyak kong sabi sa kaniya na dahilan ng patuloy na pagtulo ng kaniyang luha.
“Yes, the transplantation procedure was successful, and I am presently here. However, you are the one I have lost. To be honest, you're my first love; you're the reason I learnt to laugh, and you're the person who taught me how to embrace what I used to despise about myself. Thus, I battled because you promised me you would love just me. However, I was incorrect. I'm only stating my position for the final time because you have a right to know the truth. However, please do not abandon him solely for my benefit. I'm delighted for you, even though I'm no longer the source of your joy. For the final time, I love you. Paalam, Paraluman ko,” mga salitang huli kong sinabi at agad nang umalis sa lugar kung saan kami nagsimulang bumuo ng mga masasayang alaala na siyang lugar na hindi ko inaasahang lilisanin ko rin pala.