Chapter 9

1286 Words
CHAPTER 9 GABRIEL POV MASAYA kaming naglalakad ni Andrea, binabaybay ang daan papunta sa munting barong namin. Pinili namin iwan si Whitey sa may bungad ng isla-- sapagkat hindi pweding may makakitang iba rito sa munting baryo namin. At pareho kaming nag-aalala na baka makarating sa mansyon na may kabayo sa rancho ang napadpad sa lugar namin. Nilingon ko si Andrea habang tahimik lang itong nakasunod sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin sabay na tumango. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito- alam kong may kabang nararamdaman ang dalaga. Tulad nga ng sabi niya sa akin, unang beses niya pa lang itong nakarating sa lugar ng isang kaibigan---lalo pa't kami ay hindi lang basta magkaibigan, dahil sa puso ko kami ni Andrea ay may ugnayan na sa isa't isa.  "Huwag kang mag-alala, mabait ang nanang at tatang ko," pagpapalubag loob ko sa kaniya. Malapit na kami sa bahay, ilang kanto na lang maipapakilala ko na si Andrea sa isa sa pinakamahalagang babae sa buhay ko maliban sa babaeng kasama ko ngayon. Muli kong binaba ang tingin ko sa kamay nito. Gustong gusto ko na itong hawakan, pero natatakot ako na baka may makakita sa amin na nakakakilala sa dalaga.  "Salamat, Andrea," aniya ko sa kaniya. Tinapik ako nito sa balikat natatawa. "Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin, masaya naman ako, Gabriel," sagot nito na nagbigay ng labis na tuwa sa puso ko. Ngayon sigurado na talaga ako na ang isa't isa ang siyang tinitibok ng puso namin.  Binuksan ko ang tarangkahan ng simpleng kawayang gate sa bahay namin. Hindi ko natanaw sa labas si nanang malamang nasa loob na ito ng bahay namin at oras na rin ng tanghalian. Naghahanda na siguro ito para sa makakain ni tatang galing sa pangingisda. Napansin kong inikot ni Andrea ang tingin sa paligid at natigil ito sa harap ng malawak na karagatan. Na kabilang bahagi ay ang pribadong resort na pagmamay-ari ng pamilya nito. "Hindi ko akalaing makakarating ako rito. Salamat, Gabriel," aniya nito sa akin. Lihim kong hinawakan ang kamay niya, pinagdaup palad ito.  "Palagi kitang dadalhin dito, Andrea. Makakasa ka." Liningon ako nitong may ngiti sa labi---napatingin sa kamay naming dalawa.  "Baka may makakita sa atin," sabi nitong muling inikot ang tingin sa paligid. Binuksan ko ng maluwag ang tarangkahan. Pinauna ko ito sa pagpasok hanggang sa makapasok kami sa loob ng simpleng bahay namin.  ANDREA POV MAY kaba pa rin sa puso ko ng makapasok na kami sa loob ng bahay nina Gabriel. Pakiramdam ko bago sa akin ang pangyayai na ito. Napangiti ako sa naisip--oo nga naman bago naman pala sa akin ito. Dahil si Gabriel, siya ang kauna-unahang katipan ko. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya, sabay na pinakawalan ang matamis na ngiti sa isa't isa. "Nang, nang, nandito na ako," narinig kong tawag nito sa nanang nito. Napalunok ako ng tuyong laway ko. Ang siyang paglabas ng isang ginang mula sa isang maliit na silid kong pagmamasdan mo. Nagpahid ito ng kamay sa isang tuwalyang maayos na nakasampay sa isang solong upuang kawayan. Pinalipat-lipat nito ang tingin sa amin ni Gabriel- muli akong napalunok nang tumigil ang tingin nito sa akin. "Señorita Andrea?" tanong nitong makikita mo ang pagtataka sa mga mata nito at muling tumingin kay Gabriel. Binitiwan ko ang kamay ni Gabriel nang dumapo ang tingin nito sa kamay namin na magkahawak. "Kasama mo pala si Señorita Andrea, Gabriel," aniya ng nanang nitong binalik ang tingin kay Gabriel. Dating katiwala ng pamilya namin ang magulang ni Gabriel kong kaya't hindi na ako magtataka na kilala rin ako nito. Ngumiti ako ng maluwag dito,  sabay mano rito. "Magandang araw ho," bati ko. Ngumiti rin ito sa akin. "Magandang araw naman, Señorita Andrea," ganting bati nito sa akin-- umiling-iling ako. "Andrea nalang ho, Nanang," aniya ko sa kaniya. Hindi ako sang-ayon na tawagin ako nitong señorita-- dahil bukod wala naman ako sa mansyon, ina ito ng lalaking mahal ko.  "Napakaganda mo pa ring bata,  Andrea," puri nito sa akin. Tumingin akong nakangiti kay Gabriel-- muling hinawakan ang kamay ko. "Magkasintahan na po kami, Nanang. Girlfriend ko na po si Andrea," pagpapakilala nito sa akin sa nanang nito. May gulat man sa mga mata ng ginang na kaharap ko masaya akong wala akong narinig na kahit na anupaman dito. "Malalaki na kayo, alam niyo na ang tama at mali. Mag-iingat lang kayo at lalo ka na,  Andrea.  Hindi magugustuhan ng pamilya mo ang anak ko," narinig kong sinabi nito sa akin. May pag-aalala sa mga matang nilingon ko si Gabriel. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito gusto kong makita ng nanang nito--na kahit na ano ang mangyari ipaglalaban ko si Gabriel. Ipaglalaban ko siya sa pamilya ko o kahit kanino man na gustong humadlang sa pag-iibigan namin. "Mahal ko po si, Gabriel. Iyon po ang maipapangako ko sa inyo," aniya kong nakangiti sa harap nito.  Gumanti ito ng ngiti sa akin. "Halika na kayo, pagsaluhan natin ang tanghalian na hinanda ko," aya nito sa amin ni Gabriel. Masaya kaming sumunod dito hanggang sa munting kusina nila sa simpleng bahay nila.  Lihim kong inikot ang tingin ko sa paligid-- payak ang pamamahay ng mga ito. Pero sa bawat bahagi ng kanilang tahanan kitang-kita mo kung gaano kalinis at kaayos ang loob ng bahay ng unang lalaking minahal ko. Nilingon ni Gabriel ang gawi ko habang tumutulong ito sa nanang nito sa paghahanda ng tanghalian namin. Kumindat ito sa gawi ko pinandilatan ko ito-- dahil baka isipin ng nanang nito na masyado na kaming malapit sa isa' isa. Pinaghila ako ng upuan ni Gabriel paharap sa nanang nito patabi sa kaniya. "Pasensiyahan mo na ang hinanda ko, Andrea," aniya ni nanang sa akin. Nakangiti akong nagsandok ng mainit na kanin at kumuha ng piniritong bangus--kung alam lang ng mga ito na paborito ko ang isdang itong nasa harapan namin ngayon. Ang ulam na hindi ko madalas makain sa mansyon at ayaw ng mga tao doon, bukod kasi sa matinik ito ang sabi ni Agatha malangsa raw ang isdang ito. Kaya labis ang sayang nararamdaman ko ngayon--bukod kasi sa kasama ko si Gabriel at ang nanang nito nakakain pa ako ng pagkaing matagal ko ng hangad. Isa yata ito sa unang beses na nakaramdam ako ng labis na saya, una ng malaman kong mahal ako ni Gabriel at ang pangalawa ang pagkakataong itong nagsalo-salo kami sa isang simpleng tanghalian.  Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang sabay-sabay kaming napatingin sa pinto sa bagong taong dumating sa bahay nila. "Magandang araw Gabriel. May bisita pala kayo," aniya nitong nakatingin sa akin. Huminto si Gabriel sa pagsubo napatingin sa akin--tumayo ito sinalubong ang bagong dating na kung titingnan ko lang hindi magkakaĺayo ang edad naming tatlo ni Gabo. "Victoria ikaw pala," narinig kong sabi ni Gabriel sa dalaga habang ang mga mata nito'y nakapako sa akin. "Si Andrea nga pala-- girlriend ko, Becky." Tumayo ako nang pinakilala ako ni Gabriel dito. Nilahad ang kamay ko sa alam kong kaibigan ni Gabriel na madalas din nito ikwento sa akin--lalo na ang pagpapahiram nito ng cellphone nito sa binata para makausap ako. "K-kailan pa?" tanong nitong nakatingin kay Gabriel, iniwasan ang kamay kong nilahad sa kamay nito. "Ang a-akala ko ako lang,  Gabriel. Nagkamali pala ako." Tanong nitong may nangingilid na luha sa mata, kasabay ang boses na nanginginig nang tanungin si Gabriel. Nabigla ako sa huling turan nito bago tumalikod iniwan kaming lahat. Tiningnan ko si Gabriel may pagtatanong sa mga mata kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Victoria. "Kaibigan mo lang ba siya, Gabriel?" mahinang mga salitang lumabas sa bibig ko ng makabawi kami pareho sa pagkabigla sa biglang pagtalikod ni Victoria mula sa aming lahat.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD