CHAPTER 52 VICTORIA POV DAPIT hapon nang makarating kami ni Gabriel sa hotel na pagmamay-ari niya at hindi ko pa rin nakakalimutan ang siyang paghaharap namin ni Jordan sa clinic ng nakilala kong tiyahin nito. Dahil kung alam ko lang na may ugnayan ito sa ginang na siyang pinagkakatiwalaan ko para sa pinagbubuntis ko hindi na sana ako bumalik pa roon para magpakonsulta. Nabaling ang tingin ko sa dahon ng pinto kong saan kalalabas lang ni Gabriel para bumili ng makakain namin gaya ng paalam nito sa akin. Hindi ko maiwasan ang siyang mapaisip dahil sa may nakakaalam na ng lihim namin na hindi lang si Jordan ang siyang may alam kundi pati si Doc Silva. EARLIER "J-JORDAN?" Napalunok ako ng makilala ko ang siyang nabungaran ko pag pasok ng clinic ni Doc ang ob-gyne na pareho namin napag

