GABRILE POV SOBRANG kaba ang siyang nararamdaman ko ngayon dahil nandito ako ulit sa silid ni Andrea, hinihintay ko siyang gumising dahil sa tulong ni Anthony--- nakalapit ako ulit sa dalaga. "Sa labas lang ako, ikaw na ang bahala rito. Bilisan mo lang, Gabriel at baka bumalik na ang mga magulang ni Andrea," bilin sa akin ni Anthony bago ito lumabas ng tuluyan ng silid ni Andrea. Hinawakan ko ang kamay nito, piping nananalangin na sana bumalik na ang malay-tao nito para makapag-usap kami bago man lang dumating ang mga magulang nito. Muling nagtaas-baba ang dibdib ko wala pa rin malay si Andrea-- sabi ni Anthony kagigising lang nito at nag-alangan siyang tawagin ako para makapag-usap kami dahil baka maabutan ako ng mga magulang nito at alam kong mas lalong lalaki ang siyang gulo. "A

