Chapter 3

1152 Words
CHAPTER 3 Gabriel POV Nakaramdam ako ng labis na kaba ng marinig ko ang kalabog mula sa kabilang linya. Lalo na at si Andrea ay hindi na sumagot kahit anong tawag ang gawin ko sa pangalan n'ya. Ilang ulit ko s'yang tinawagan pero hindi talaga sumasagot. Anong nangyari sa 'yo, mahal ko? Nahuli kaya siya ng lolo at lola niya? O baka ng tito at tita niya? Labis n'ya akong pinag-aalala. Napasulyap ako sa gawi ni Victoria na papalapit sa akin. Malamang ay kukunin na n'ya ang pinahiram n'yang cellphone sa akin. "Heto na ang cellphone mo. Salamat." Napansin n'ya ang aking hitsura. "O, bakit parang namumutla ka?" "S-salamat nga pala. Ah, wala 'yon. Huwag mong intindihin, may iniisip lang ako." Halos hindi ko masagot ang tanong n'ya. Talagang nag-aalala ako kay Andrea pero hindi ko naman alam kung paano ko s'ya kakausapin. Kung pupuntahan ko naman s'ya sa mansyon ay siguradong paaalisin lamang ako. Mas lalo lang makakagulo. "Nag-away kayo ng puting kausap mo?" tanong ni Victoria sa kaniya. "Hindi." "Eh bakit ganyan ang mukha mo?" Napilitan na akong sabihin dahil ayaw n'yang tumigil sa pagtatanong. "Nagtataka lang ako kung bakit bigla na lang namatay ang tawag niya. Hindi naman siya gan'on. Madalas naman siyang nagpapaalam sa akin kung may kailangan siyang gawin, o kung gusto niya nang patayin ang pag-uusap namin." Napataas kilay ito at inikot ang paningin sa kawalan. "Ang sabihin mo, dumiskarte ka na. Pero sa kasamaang palad, na-basted ka!" Hindi ko pinansin ang biro n'ya pero nagpatuloy s'ya sa pagsasalita. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha at parang may gustong ipahiwatig ang mga sunod n'yang kataga. "Bakit kasi hindi ka na lang tumingin sa paligid mo, Gabriel? Bakit panay pa ang lingon at hanap mo sa iba?" "Hindi ko siya hinanap, kusa siyang dumating, Victoria." Makaraan ang ilang araw.. Tanghaling tapat na pero wala pa ring Andrea ang dumadating sa madalas naming pagtagpuan. Ilang oras na akong naghihintay at dala-dala ko ang tatlong malalaking pirasong santol. Sinadya ko pang kunin mula sa mataas na punong kahoy ang mga ito. Nasaan ka na, Andrea? Tinatanaw ko pa rin ang madalas n'yang daanan pero kahit anino ng kabayo n'ya ay wala.Sana ay nasa maayos ka lang, pinag-aalala mo ako. Hindi na ako mapalagay sa nangyayari sa'yo pagkatapos natin mag-usap. Hinintay ko pa s'ya ng kung ilang oras at kung hindi talaga s'ya darating ay gagawa ako ng paraan para makapasok sa mansyon. Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin masiguro ko lang na ligtas s'ya. Sa dami ng beses na nagkikita kami ay ngayon lang s'ya hindi dumating sa tamang oras. Andrea POV Maghahating-gabi na ng magising ako. Kaunti na lang ang sakit ng ulo ko at kung iinom ako ng gamot ngayon ay tuluyan na itong mawawala. Kaagad kong hinanap ang cellphone ko sa kama. . Madaming missed call si Gabriel. "Mabuti gising ka na," sabi ni Yaya. "Ano'ng nangyari, Yaya?" Wala akong masyadong matandaan kanina bago ako nagdilim ang aking paningin. Ang natatandaan ko lang ay kausap ko si Gabriel. Ni hindi ko maalala kung ano ang huli naming topic. "Pagpasok ko rito sa silid mo para sana madalhan kita ng makakakin mo, nakita kong tulog na tulog ka.Napansin kong hindi ka bumababa kanina. Ang telepono mo ay nasa lapag na, kaya pinulot ko na lang. Hindi na rin kita ginising para makapagpahinga ka, Andrea." "Talaga po?" Tumango ito. "Hindi naman kita maiwan-iwan hangga't hindi ka nagigising at kumakain. Baka magutom ka, kaya dinalhan kita ng makakain mo." Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy n'ya. Isang tray na puno ng pagkain sa study table ko ang namataan ko. Kumalam ang sikmura ko. Ngayon ko nararamdaman ang gutom kaya tumayo ako at dumampot ng prutas. May kanin din at chicken nuggets na madalas kong request kapag dinner. "Lumamig na 'yang gatas mo at kanina pang naghihintay sa'yong magising ka," sabi n'ya sa akin. "Okay lang po, Yaya. Hindi ko nga alam ang nangyari. Wala akong matandaan. Siguro dala ng pagod kaya ako nakatulog nang mahimbing. Bahagya ngang sumasakit ang ulo ko kanina." Dinampot ko ang kulay ginto na kubyertos at nagsimulang kumain. Nang makaramdam ako ng uhaw ay sinimsim ko ang hindi na kalamigang tubig sa harap ko. "Maayos na ba ng pakiramdam mo?" Tumango ako. "Medyo po. Pasensya na po kayo. Nang dahil sa akin ay napuyat ka pa." "Ikaw na bata ka, kung ano anong sinasabi mo pa. Kumain ka na lang." "Pwede na ho kayong magpahinga, Ya. Okay na ho ako. Ako na lang ang bahalang magligpit sa pinagkainan ko. Ilalabas ko na lang ng silid ko para sa umaga ay mahugasan ni Manang Bebeng at Manang Shirly." "Wala ka na bang kailangan? Sigurado kang maayos na ang pakiramdam mo?" Napakamapagmahal talaga ni Yaya sa akin. "Okay na ho ako, Yaya. Wala ka na pong dapat ipag-aalala sa akin. Malaki na po ako at kaya ko na po ang sarili ko. Magpahinga na po kayo. Marami hong salamat sa hinanda n'yo para sa akin, na-appreciate ko po." Ngumiti s'ya sa akin at lumabas na rin ng kwarto. Ipinagpatuloy ko ang pagkain at ng mapatingin ako sa cellphone ay pilit kong inaalala kung ano ang huling nangyari. Bakit wala akong maalala? Makaraan ang ilang araw... Tinanghali ako ng gising sa kaiisip ng mga nangyari. Huli na ng maalala ko na may usapan nga pala kami ni Gabriel na magkikita ngayon. Siguradong naghihintay s'ya sa akin sa burol. Malayo ito sa mansyon kaya madalas ay dala ko ang kabayo papunta roon. Nakalimot na naman ako! Napapitlag ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Numero lang ang nakarehistro. Kaagad ko itong sinagot. Si Gabriel pala. "Andeng?" "Gabo?" "Hinintay kita sa burol, pero hindi ka dumating. Ayos ka lang ba?" "O-okey lang ako Gabo. Pasensiya ka na. Tinanghali ako ng gising.Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakaalis para puntahan ka." "Walang problema, ang importante ay nasa maayos kang lagay. Pinag-alala mo ako, Andrea." Ramdam ko na napanatag na s'ya dahil nag-iba na ang tono n'ya. Kanina ay halos pangapusan ito ng hininga sa pagtatanong sa akin kung maayos lang ako. Muli s'yang nagsalita. "May dala akong santol para sa 'yo kanina. Huwag ka mag-alala, ikukuha kita ulit bukas. Sana dumating ka, at may mahalaga akong sasabihin sa 'yo." Napakunot-noo siya sa huling sinabi n'ya. Ano naman ang sasabihin n'ya sa akin? "Tungkol saan?" Bahagya s'yang tumikhim. "Tungkol sa babaeng tinatangi ko." Bigla akong natahimik. Pinaghalong excitement at kaba ang naramdaman ko. Sana ay ako ang tinutukoy n'ya. Pero paano kung ibang babae pala? Parang hindi ko kakayanin ang sakit kung hindi ako ang babaeng 'yon. Ang totoo ay mahal ko na si Gabriel. Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. "Na-miss kita, Andrea." "Na-miss din kita, Gabriel." Hindi na ako akahintay na magkita kami at marinig ang sasabihin n'ya. Lalakasan ko na lang ang loob ko at magdadasal na sana.. ako ang minamahal n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD