Chapter 1

1491 Words
CHAPTER 1 Gabriel POV "Gabriel!" sigaw ng kaibigan kong si Andrea sa may hindi kalayuan. Pinagmasdan ko s'ya nang palihim habang papalapit ito sa akin. Hangang-hanga ako sa napakasimpleng puting bestida na suot n'ya. Sa kabila ng simpleng kasuotan ng kaibigan ko ay litaw na litaw pa rin ang kanyang kagandahan. Ang mala-porselanang kutis at mamula-mulang pisngi ay sapat na para bumilis ang t***k ng aking puso. Walang duda na isa ngang Ezperanza ang kaibigan ko --- ang isa sa dalawang babaeng apo ni Don Ignacio at Doña Esmeralda. "Kanina ka pa ba nand'yan?" tanong ko sa kanya. Tumango tango s'ya at ngumiti sa akin. Tinapunan ng tingin ang mga bitbit kong santol. "Para sa akin ba 'yan," nasasabik na wika n'ya sa akin. Bukod sa avocado ay nangunguna sa listahan ng mga paborito n'ya ang santol. Nagtataka nga ako dahil bihira ang santol sa Italya at kung mayroon man ay siguradong ubod ng mahal. Sabagay, mayaman naman sila at kayang kayang bilhin ang kahit ano. Sinubukan ko s'yang biruin. "Hindi. Para kay Victoria sana ito." Umismid si Andrea. Kilala n'ya ang kaibigan kong si Victoria. Tulad ko ay isa s'yang anak ng mangingisda at malapit lang ang bahay nila sa amin. "Hindi bale na nga." "Nagbibiro lang ako. Nagseselos ka naman agad, Andrea. Alam mo naman na para sa iyo ang mga ito." Ngumiti si Andrea at lumitaw ang magkabilang biloy sa kanyang pisngi. Wala yatang kapintasan ang babaeng ito. Kahit ang ngipin ay ubod ng puti. Halata na alaga ng dentista habang ako ay madaming beses na magtoothbrush para kahit dalawang beses lang sa isang taon ako magpalini ng ngipin ay siguradong walang sira. Mahal ang bayad sa dentistat halos isang linggo na naming ulam ang halaga. "Aba! Dapat lang! Selosa ako. Ayaw ko na may ibang kaibigan ka." May himig ng pagtatampo sa boses n'ya. Katulad ng nakagawian namin, maghahabulan kami at magpapagulong gulong sa damuhan. Bukod dito ay magkukwentuhan kami ng mga pangarap namin at nais gawin sa hinaharap. Gusto kong magkaroon ng magandang trabaho bukod sa pangingisda para makaranas ng maalwan na buhay ang aking mga magulang. Naputol ang aking pag-iisip ng magsalita si Andrea. "Masaya ako Gabriel," ngumiti s'ya sa akin. Ito ang ngiti na bakas ang tunay na kasiyahan. "Ako rin. Masayang masaya ako, Andrea." Napatingin s'ya sa palad ko ng ilahad koi to sa kanya. "Pwede ba kitang maisayaw, aking prinsesa?" "Oo naman!" Buong galak na tinanggap ni Andrea ang kamay ko at nakipagsayaw sa akin. Inilagay ko ang kamay n'ya sa balikat ko at nagsimulang gumalaw ang aming katawan. Ang nakakatawa ay wala man lang kaming tugtog. Gusto kong isipin na sapat na ang t***k ng aming mga puso para magsilbing musika habang kami ay nagsasayaw. "Kung ako ang masusunod ay ayaw kong matapos ang araw na ito," hindi ko napigilang sabihin sa kanya. "Masaya rin ako Gabriel, tulad mo." Pawang huni ng mga ibon ang aming naririnig bukod sa masarap na dapyo ng hangin sa aming balat. Katulad ko ay nais n'ya rin na magtagal pa ang pagsasayaw naming. Ramdam ko ang init na nagmumula sa baywang n'ya at hindi ko matiyak kung ang t***k ng puso na naririnig ko ay sa kanya o mula sa akin. Natigil ang pagsasayaw namin ng mapatingin s'ya sa kanya relos at makita ang oras. "Kailangan ko ng umuwi!" Pasado alas-onse na ng umaga at kailangan na niyang makabalik sa mansyon. Malapit ng dumating ang kanyang lolo at lola mula sa Maynila. Siguradong hahanapin s'ya ng mga ito kapag hindi s'ya nakita. Baka nga mapagalitan pa at usisain kung saan nagpupunta "O sige, kunin mo na ito at umuwi ka na sa mansyon ninyo. Baka hinahanap ka na ng lolo at lola mo. Pagagalitan ka na naman ng mga 'yon at pati ng pinsan mong si Agatha." Inabot ko sa kanya ang tatlong pirasong santol. Lima ang pinitas ko kanina. Nagtira akong dalawa para sa aking ina. Mahilig rin s'ya sa santol. "Salamat Gabriel, alam mo talaga ang mga hilig ko." Tumango ako sa kanya. "Walang anuman. Sige na, Andrea. Umuwi ka na at baka makagalitan ka. Ayaw ko na mapahamak ka dahil sa akin. Pangako, ikukuha kita ng santol palagi." Nilingon n'ya ang kabayo sa may gilid. "Paalam Gabriel. Salamat ulit." Nagulat pa ako ng mabilis n'yang gawaran ng halik ang aking pisngi saka mabilis na tumakbo at sumampa sa kabayo n'ya. Kumaway s'ya sa akin bilang hudyat na aalis na s'ya. Hindi lang isang kamay – kundi dalawa. Hindi ko napigilang matawa dahil pati ang supot na may lamang santol ay winagayway n'ya. "Mag-iingat ka Andrea. Hihintayin kita ulit dito!" Tumango-tango si Andrea bago sumampa sa kabayo n'ya na si Whitey. Muli itong kumaway saka mabilis na pinatakbo ang kabayo pauwi ng mansyon. Hindi na ako muling nakabalik sa bahay nila dahil wala ng okasyon. Madaming bantay dito at kung hindi ka imbitado ay hindi ka pwedeng pumasok bilang panauhin. Iba talaga ang mga mayayaman. Madalas kong marinig sa pelikula ang linyang 'langit ka, lupa ako'. At pakiramdam ko ngayon ay nasa ganoong estado ako. Mayaman sina Andrea at mahirap abutin – parang langit. Samantalang ako ay isang simpleng mangingisda lamang at taga-isla. Kahit nga itong Isla Marikit kung saan nakatirik ang bahay namin ay pag-aari pa rin ng pamilya nina Andrea. Pero ganoon pa man, hindi naging mapangmata si Andrea. Ibang iba sa kanyang pamilya na puno ng ere sa katawan. Pinakamalala ang pinsan n'yang si Agatha, punong puno ito ng inggit sa katawan at sobrang mang-insulto sa kapwa. Sana naging simpleng tao ka na lang tulad namin, Andrea. Lihim kong nahiling na sana ay pareho ang antas ng aming pamumuhay. Alam kong tututol ang kanyang pamilya kapag nalaman nila ang damdamin ko sa kanya. Humiga ako sa papag at ipinahinga ang pagal kong katawan. Isasama ko ang araw na 'to sa alaala natin, Andrea. Sana ay hindi mo ito makalimutan, aking prinsesa. Andrea POV Tahimik akong nakarating sa mansyon bitbit ang santol na binigay sa akin ni Gabriel. Ayaw ko pa sanang umuwi pero talagang malilintikan ako kina Lola kapag hindi nila ako nadatnan dito sa bahay. Mahabang sermon ang aabutin ko. Bukod doon, baka hindi na nila ako payagang lumabas ng bahay. Mabuti na ang ganito, maiksi man ang pagkikita namin ni Gabriel ay madalas naman kaming magkasama. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng aking aso na si Chuckie. Hinipo ko ang kanyang ulo at parang wala ako sa sarili na kinausap s'ya. "Napakabait niya talaga sa akin, Chuckie. Sana katulad na lang namin siya para payagan nila akong makipagkaibigan at makisama sa kanila. Sumasakit na naman ang ulo ko Chuckie. Akyat na muna tayo para makapagpahinga ako habang wala pa si Lolo at Lola," kausap ko sa aking aso na parang sasagot s'ya sa akin. Hnila ko ang tali n'ya at binaybay ang pasilyo. Ang bahay na ito ay puno ng antique na kagamitan. Karamihan sa mga kagamitan dito ay galing pa sa Italya. Hindi ko namalayan ang pagdating ni Agatha -- ang aking pinsan. "And where have you been, princess?!" Bahagya pa akong nagitla sa pagdating n'ya. Ang pananalita n'ya ay bakas ang panunuya at inggit sa akin. Sinubukan ko s'yang huwag patulan. "Nagpahangin lang." Habang hila ko ang tali ni Chuckie ay nasa kabilang kamay ko naman ang supot ng santol. "Nagpahangin huh! Sino sa tingin mo ang maloloko mo, Andrea? Kung si grandpa at grandma ay naloloko mo -- pwes, ibahin mo ako," angil n'ya sa akin. Hindi pa s'ya nakuntento at pati ang dala kong santol ay pinuna. "At ano naman 'yang dala-dala mo, weirdo?!" Napangiti ako ng maalala si Gabriel sa halip na mainis sa presensya ng pinsan ko. "Ah, ito? Napulot ko ito sa daan. Nagandahan kasi ako kaya dinala ko na rito. Malay mo masarap at magustuhan ko. Gusto mo?" "No thanks, it looks cheap," may kasama pang ismid at pandidiri ang mukha n'ya ng alukin ko. "Nagbibiro lang, hindi naman kita bibigyan nito. Akin lang ito. Alam mo naman na madamot ako kapag para sa akin -- hindi ba, Agatha?" Hindi ko na napigilan na lagyan ng sarkasmo ang pananalita ko. Sobrang yabang ni Agatha at mapangmataas. Naningkit ang mga mata n'ya at alam kong napipikon na s'ya s akin kaya nagpaalaam na ako sa kanya. "Excuse me ha, aakyat na ako. Baka kasi maabutan tayo ni lolo rito. Mapagalitan ka na naman at inaaway mo ang paborito nilang apo," natatawang sabi ko sa kanya. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa at saka padabog na umalis sa harap ko. Napailing ako sa ginawi n'ya. Parang bata na napikon sa kalaro. Kulang na lang ay pumadyak ang paa sa inis. "Duwag!" Hindi ko alam kung narinig n'ya ang sinabi ko pero wala na akong pakialam. Isa s'yang malaking duwag. Mag-uumpisang mang-asar pero hindi naman pala kayang tapusin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi n'ya sa akin. Kahit noong mga bata kami ay ayaw n'ya akong kalaro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD