PABLO POV Kasalukuyan kaming nasa bahay na nila Andrea at nasa veranda habang tinatanaw naming naglalaro sa hardin si Atasha. Kalalabas lang kahapon ni Andrea sa ospital at tulad ng usapan namin ng pamilya niya, magpapanggap ako bilang siyang kasintahan habang inaalagaan siya. Nakatitig ako sa maganda niyang mukha na hindi ko yata pagsasawaan kailanman. Natatakot din akong isang araw ay tuluyan nang mahulog ang loob ko sa kanya. Bukod sa awa, may damdaming umuusbong sa puso ko na hindi ko na kayang pangalanan. "Salamat sa lahat ng pag-aalaga mo sa amin, Pablo," nakangiting wika ni Andrea sa akin na ginantihan ko ng matamis ding ngiti. "Pasensiya ka na kung hindi ko maalala ang tungkol sa ating dalawa. Siguro isa sa mga araw na ito'y maaalala ko rin." "Huwag mong alalahanin yun, A

