ANDREA POV LIHIM kong tiningnan si Gabriel habang nakaupo ito sa tabi ni Andrea sa kaliwang bahagi ng upuan sa simbahan. Napayuko ako sa naisip na baka mag-isip ito ng mali tungkol sa kay Anthony na kasama ko sa araw na ito. "Are you okey?" tanong sa akin ng binatilyong katabi kong pinakilala sa akin ni mama at papa na anak ng kumpare nila--- kabilang sa tinitingalang angkan sa alta sociedad. "Ayos lang naman ako," matipid kong sagot dito. Ngumiti ito sa gawi ko, ginantihan ko ito ng pilit na ngiti. At muli kong binaling ang tingin ko kay Gabriel, may lungkot sa mga mata ko. Hinihiling na sana tumingin man lang sa gawi ko si Gabriel--para malaman din nito ang nararamdaman kong paninibugho habang nasa tabi nito si Victoria. "Sabi ni Tito Samuel mamaya na raw ang practice para sa cotill

