VICTORIA POV HINDI ako makapaniwalang sinadya pa n'ya ako dito. Itinaon pang pyesta! Ang dami daming tao na pwedeng makakita sa amin. At paano kung ang isa sa mga 'yon ay ang asawa ko. Diyos ko naman! Sinabi na sa 'yo Victoria, walang lihim na hindi nabubunyag. Nang tingnan ko si Jordan ay bakas ang inis na may kasamang panlulumo sa gwapo n'yang mukha. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at sinabi ko sa 'yo na hindi na tayo dapat pang magkita?!" Inis na inis ako sa kanya. "Gusto kitang makita, anong masama doon?" Napamulagat ako sa kanya. "Anong masama? Jordan naman! May asawa na akong tao," sabi ko sa kanya. Ano bang mahirap intidihin doon na pag-aari na ako ng iba. Oo, pag-aari ka ni Gabriel.. pero mahal ka ba n'ya? Pinakasalan n'ya ako. Pinakasalan ka n'ya pero mahal ka ba n'ya? A

