GABRIEL POV NANDITO ako ngayon sa bayan ng San Dionesio hinihintay ko sa lilim ang pagdating ni Andrea. Dahil tulad ng pangako ko rito ipaparanas ko sa kaniya ang pyestang bayan na hindi pa nararanasan nito. Manaka-naka akong sumusulyap sa arko ng bayan---inaabot ng tanaw kung dumating na ba si Andrea kasama ang pinagkakatiwalaan nitong katiwalang bukod kay Aleng Bebeng na nanang ng kaibigan kong si Victoria. "Alam kong darating ka," aniya ko sa sarili ko. Ilang minuto na siyang huli sa usapan namin pero sanay na rin ako halos na lagi siyang nahuhuli dahil alam ko kung gaano kahirap sa kanila ang magpaalam sa mansyon. Hindi ko napigilan ang lungkot na sumilay sa labi ko sa isiping baka hindi ko maiparanas kay Andrea ang kapistahan ng San Dionesio. Proud na proud pa naman akong pinagmamal

