CHAPTER 32

2717 Words
Chapter 32: Pregnant & good news ONE month later “DJ Donna, mali po ba ang piliin ko ang pamilya ko kaysa sa nobya ko? Pakiramdam ko po kasi ay hindi ako enough para sa kanya. Ako po ang lalaki pero sa aming dalawa po ay siya ang palaging nag-e-effort. Siya po palagi ang nakaiintindi sa sitwasyon namin. Madalas po ay hindi ko na siya naaasikaso pa at wala na akong oras pa. Ang pamilya ko na lang po kasi ang palagi kong iniisip. Ayoko pong maabuso ang kabaitan niya. I feel like I am not deserving,” mahabang hinaing sa akin ng isa sa mga listener ko. Kasalukuyan akong naka-on air at sumasagot sa mga tawag nila. Nagbibigay ako ng advices at sa Sunday ay talagang tungkol sa love life ang mga problema nila. Nasasagot ko naman silang lahat at nabibigyan ng linaw at idea kung ano ang mga gagawin nila. “Ka-harty, wala namang masama kung pipiliin mo ang pamilya mo kasi inaalala mo ang kapakanan nila. Ang tungkol naman sa iyong nobya, kung kaya mong timbangin ang oras mo, hahatiin o kahit kaunting oras lang naman para sa kanya ay hindi mo naman maaabuso ang kabaitan niya. Hindi ka magkakaroon ng problema sa kanya. Alam mo, masuwerte ka dahil understanding ang girlfriend mo. Hindi mo kailangan na pahirapan ang sarili mo dahil lang hindi mo na siya nabibigyan pa ng oras. Kasi nag-focus ka na lang sa family mo. Ka-harty, mahal ka niya kaya hanggang ngayon ay patuloy ka pa rin niyang iniintindi. Kapag napagod na ang isang tao ay siya mismo ang kusang susuko pero sumuko nga ba siya? Hindi, ’di ba? Tayo lang talaga ang nag-iisip ng negatibo kahit hindi na kailangan pa. Huwag tayong gumawa ng desisyon ng hindi pa natin nalalaman ang magiging resulta nito. Dapat pag-isipan natin ng mabuti at kung kaya mo nga bang bitawan ang isang bagay. Alam naman natin na ang pagsisisi ay nasa huli, tama? Pero kung naisip mo talaga na bitawan siya dahil ayaw mong maging abusado ay sige, gawin mo ang gusto mo basta kaya mo siyang pakawalan ng hindi ka magsisisi,” mahabang saad ko naman. “Thank you, DJ Donna. Ngayon po ay alam ko na ang gagawin ko.” Napangiti ako sa narinig. Salamat naman at mabilis niyang naintindihan ang sinabi ko. “Ano nga ba ang pipiliin mo, ka-harty?” tanong ko na may interes sa aking boses. “Time management po, DJ Donna.” Nakuha ko na agad ang gusto niyang ipahiwatig. “Goodluck, ka-harty. Magpapatugtog ako ngayon at dedicated ito sa inyo ng nobya mo. I’m rooting for both of you.” Pumili ako ng kantang ipatugtog ko. Eksperto ang mga daliri ko rito kahit hindi ko nakikita. “Maraming salamat po ulit!” Tinanggal ko ang headphone ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil naduduwal na naman ako. Tumayo agad ako at dumiretso sa banyo. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong ma-out balance, mabuti na lamang ay nakabalanse agad ako sa pader. Katulad ng nangyari sa akin ilang linggo na ang nakararaan ay sumuka na naman ako. Madalas na rin ay nahihilo ako at masama ang pakiramdam sa umaga. Tinatamad din akong bumangon, palaging inaantok at pagod na pagod ang katawan ko pero active pa rin kami ni Miko sa gabi. Mas tumaas yata ang hormones ko. Masagana na rin akong kumain. Isinara ko ang inidoro at doon ko isinandal ang ulo ko. Just like this, parang ayoko na ring tumayo pa. Nakapikit na ang mga mata ko at masakit na nga ang dibdib ko. Ilang segundo lang akong ganoon ay napagdesisyunan ko na rin ang tumayo. Nasaan kaya ang boyfriend ko at mukhang wala siya rito sa bahay namin? Huwag niyang sabihin na nangangapit bahay na naman siya? Lumabas pa rin ako sa mansion namin. Hindi ako mahihirapan na pumunta rin sa kabilang bahay. Dahil naglagay sila ng isang daanan na may railings at may bubong din. Sinadya ito na ipinagawa ni Grandpa para hindi raw ako mahirapan at hindi ako mababangga ng kahit na ano kapag ginusto kong dalawin sina Ate Theza at ang iba pa. For safety purposes daw ito pero kalaunan ay pati ang mga pamangkin ni Miko ay nakinabang na rin. Hindi lang ako kay Miko masuwerte. Sa mga pamilya niya ay tanggap talaga nila kung ano ako. Mga pinsan niya rin at sa tingin ko ay parehong-pareho ang ugali niya kay Daziel. Isa rin itong palabiro. Ang mansion nina Ate Novy at Kuya Michael ang mas malapit sa amin. Kaya roon ako pumunta pero naabutan ko silang nag-aaway. “Do you think bibigyan pa kita ng chance na tanggapin ka ulit sa buhay ko, ha? This is just because of your child! Nakita mo na ba, ’di ba?! Hindi na ako katulad pa ng dati! Ni hindi ko na magawang saluhin ang bola!” “You’re pregnant, Novy! Can’t you stop that?!” Napatutop ako sa bibig ko. Alam ko na palagi talaga silang nag-aaway, lalo na nabuntis niya agad si Novy kahit hindi pa maayos ang relasyon nila. “H-Hindi pa ako handa, Michael... Hindi pa ako handa na tanggapin ka ulit sa buhay ko!” Narinig ko na lang ang mabilis na yabag nito na may pagdadabog. Naglakad ako palapit kay Kuya Michael, alam kong nagpaiwan siya kasi naririnig ko na ang pagsinghot niya. “Kuya Michael?” “J-Jean, ikaw pala.” Hinawakan niya ang kamay ko kasi nakaupo nga siya. Tumabi ako sa kanya. “Ayos ka lang ba, Kuya?” tanong ko sa kanya. “Hindi na yata ako magiging maayos pa, Jean,” malungkot na sabi niya. “Dahil po ba ito sa relasyon niyo ni Ate Novy?” “Yeah,” tipid niyang sagot. “Ano po ba ang pinag-aawayan niyo? Halos araw-araw ay ganito kayo. Huwag niyo pong ipakita kay Lenoah ang pag-aaway niyo. Siya ang higit na masasaktan kapag nag-aaway ang Mommy at Daddy niya,” wika ko. “Kusa siyang lumalabas ng bahay namin kapag alam niyang nagagalit na naman ang Mommy niya. Parang alam na rin niya na mauuwi na iyon sa pag-aaway,” sambit niya. “Ano ba ang madalas niyong pag-awayan?” tanong ko na punong-puno ng kuryusidad. “Her pregnancy, tiwala at ang pagbigay niya sa akin ng chance na labag sa loob niya. Alam kong kasalanan ko naman ang lahat, Jean. Napagod lang ako dati kaya nagawa ko siyang bitawan at nakinig ako sa kuwento ng iba kaya nagalit ako lalo. Tapos ang problema namin ngayon ay pagbubuntis niya ng hindi pa niya gusto. Nagpapagaling pa nga siya, eh.” “Alam mo, Kuya. Normal na po sa atin ang mapagod sa isang tao. Base pa lang sa mga kuwento sa akin ni Miko ay ikaw na raw ang may pinakamahabang pasensiya. Ngayon ay alam ko na, bawat tao ay may limitasyon at umabot na rin yata sa sukdulan ay nag-give up ka na. Ganoon po talaga ang buhay, hindi po natin kontrolado at minsan pa ay nakagagawa tayo ng isang maling desisyon na sa huli ay pagsisisihan pa rin natin. Napagod ka hindi physically at hindi rin ang puso mo, napagod ka lang dahil sa tumatakbo sa isipan mo. Kahit gaano pa kahaba ang pasensiya mo ay kapag pinangunahan ka na ng negatibo sa isip mo ay iyon ang magiging dahilan at isusuko mo na lang ang isang bagay. Puwede naman po tayong magpahinga, pagod ka lang emotionally,” sambit ko at bumuntong-hininga siya. “I tried my best, Jean. Sinusubukan ko ulit na intindihin siya pero hindi ko na talaga nakaya pa. Kaya ang naisip ko sa mga oras na iyon ay ang hiwalayan siya. Kasi akala ko ay iyon ang makabubuti sa akin—sa aming dalawa pero mas naging komplikado lang pala ang lahat. Doon ko mas na-realize na hindi ko pala kaya, pero natabunan ng galit ang dibdib ko.” “I can’t blame you for that, Kuya. Si Ate Novy rin. Ngayon mo patunayan sa kanya na kaya mo ulit siyang intindihin. Mahabang pasensiya po ang kailangan para makuha mo ulit ang loob niya. Malaking sugat sa puso niya ang naibigay mo sa kanya. Mapagod ka na sa lahat ng bagay, Kuya. Huwag niyo lang pong sasabihin na napagod ka na sa pagmamahal mo sa kanya. She came from a broken family, sapat na po ang naranasan niyang sakit mula sa mga magulang niya pero kapag nasaktan siya ng isang taong mahalaga para sa kanya, pinagkatiwalaan niya, ibinigay ang lahat at minahal niya ng sobra-sobra. It feels like...nagawa mo na siyang patayin, Kuya Michael.” “A-Ano ang puwede kong gawin, Jean? Para maging karapatdapat ako sa kanya?” nagsusumamong tanong niya. “Ang bitawan siya, Kuya,” mabilis na sagot ko. “H-Hindi ko kaya... Hindi ko iyon kaya, Jean... Hindi ko kaya na mawala na naman siya sa akin... Paano ko...paano ko mapapatunayan sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya? Na hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko four years years ago?” umiiyak na tanong niya. Mahal niya talaga si Ate Novy. Hinawakan ko ang balikat niya at marahan kong tinapik iyon. “May trust issue na po si Ate Novy. Nawala ang tiwala niya sa ’yo. Noong binigyan ka niya ng pangalawang pagkakataon ay tinanggihan mo siya. Pero noong naging sincere ka na sa kanya ay saka siya natakot. Paano kung mauulit ang nakaraan? Paano kung mapapagod na naman ang mahal niya na intindihin siya? Paano kung sa pangalawang pagkakataon ay muli mo na naman siyang bitawan at i-give up?” Mas napahagulgol siya sa mga tanong ko at umaalog ang balikat niya. Ang mga kuya ni Miko ay mahirap mong makitaan ng emosyon, seryoso sila at matapang masyado pero pagdating sa mga babaeng mahal nila ay nagagawa nilang maging mahina. Nagagawa nilang umiyak na parang bata na nawalan ng nanay. Ganoon sila katakot na mawala sa kanila ang mga mahal nila sa buhay. “H-Hindi ko na gagawin iyon, Jean...” “Hindi po kayo fair, Kuya. Alam ko ang dahilan kung bakit mo siya binuntis agad. Kasi ayaw mong mawala pa siya. Blessing naman ang baby niyo pero magiging dahilan lang po iyan nang pag-aaway niyo palagi.” “D-Do... I need to let her go again?” I nodded. “Iyon lang ba ang paraan? W-Wala ng iba?” “Hayaan mo po siyang mapag-isa, hayaan mong hanapin niya ulit ang sarili niya at ibalik ang pagmamahal niya. Kuya, oras na para ikaw naman ang maghintay para sa kanya. Doon mo patunayan ang mahaba mong pasensiya, kung hanggang kailan ka maghihintay.” Pagkatapos nang pag-uusap namin ay si Ate Novy na naman ang pinuntahan ko. Baka raw nasa kuwarto nila at hinatid pa ako ni Kuya Michael. Napatikhim siya nang marinig namin pareho ang pag-iyak nito sa kanilang silid. Kumatok ako at nagsalita. Narinig ko ang sagot niya kaya binuksan ko na ito. Nilapitan na niya ako para alalayan ako. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito, Jean.” Umupo kami pareho sa kama nila. “Bawal po ang umiyak dahil buntis ka.” Hinawakan ko ang umbok ng tiyan niya, may kalakihan na iyon. Ang alam ko ay malapit ng mag-apat na buwan ang baby nila sa tummy niya. “I can’t help it. Emotional rin ang mga buntis,” sabi niya at natawa siya ng walang buhay. “Ano po ba ang gusto mong gawin, Ate?” “Honestly speaking... Gusto kong umalis. Gusto kong...mapag-isa. I was confused, Jean. Minsan ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado akong...nasaktan dahil sa nangyayari ngayon sa akin. Hindi ko matanggap ang naging kapalaran ko ngayon. Malapit na malapit na talaga akong s-sumuko...” Pumiyok pa ang boses niya. Alam kong nasa labas pa rin si Kuya Michael. Nararamdaman ko ang presensiya niya at nakikinig siya sa usapan namin. “Hindi ka puwedeng sumuko, Ate Novy. Alalahanin mong may sanggol kang dala-dala at nasa sinapupunan mo pa siya.” Marahan ko ulit hinaplos ang kanyang tiyan. “Kaya nga... Siya at ang Kuya Lenoah na lamang niya ang pinagkukuhan ko ng lakas.” “Eh, ang daddy nila?” “Stress lang ang ibinibigay niya sa akin.” Napanguso ako. “Paanong stress po, Ate?” “Sa lahat ng bagay,” mabilis na sagot niya. “Hindi mo ba siya kailangan?” “Maliban sa...” Humugot siya nang malalim na hininga. “Basta. Naiinis ako sa kanya, hindi ko nga kayang tingnan siya ng diretso sa eyes niya. Huwag na natin siyang pag-usapan pa dahil kumikirot na naman ang ulo ko.” Tumango na lamang ako at doon lang umalis si Kuya Michael. “Bakit pala nandito ka, Jean?” “Hinahanap ko po si Miko. May gusto pala akong i-share sa ’yo, Ate.” “Hmm, sure. Spill it.” “Ang sintomas ba ng pagbubuntis, Ate. Iyong may morning sickness ka? Nahihilo ka at nasusuka? Palagi kang gutom at inaantok, pero hindi rin naman ako maselan sa mga pagkain,” paliwanag ko. May hint na rin ako sa nararamdaman ko. Hindi lang ako sigurado. “Yes. Kung ganoon...may nabuo na kayo ng boyfriend mo?” gulat niyang tanong at hinawakan ang impis kong tiyan. “No wonder, mga Brilliantes sila. Ganoon sila katuso, Jean. Kapag ayaw na nilang pakawalan ang mga babaeng gusto nila ay gagawa talaga sila ng isang bagay para hindi ka umalis at pipiliin mo ang mag-stay sa tabi nila. Dahil may alas na sila,” malamig na saad niya. “But I’m not sure pa, Ate.” Naramdaman ko ang pagtayo niya at naglakad sa kung saan. “Para sureness nga. May pregnancy test pa ako rito na binili ng engineer na iyon.” Narinig ko ang pagbukas ng drawer niya at saka siya lumapit sa akin nang makuha na niya yata ang pregnancy test. “Tara, samahan kita sa CR.” Kinakabahan ako ngunit sumunod pa rin ako. Sinabi niya sa akin kung paano gamitin ang pregnancy test. Naalala ko na delay na ang monthly period ko. Siguro nga nagdadalang tao na ako. Naghintay pa kami sa resulta. Nakaupo na ulit ako sa kama nila at nakadaop ang mga palad ko. Nanlalamig na nga ito at halos manginig na ako sa kaba. “Oh my...God!” gulat na sambit niya. “Bakit po, Ate? Ano ang resulta?” kinakabahan kong tanong. “May new member na naman ang Brilliantes clan. Buntis ka nga, Jean,” sabi niya at parang mabibingi na ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko. “T-Totoo po?” “Yup. Dalawang linya. Congrats, Mommy ka na ng isang little Brilliantes.” Nagawa pa niyang akong yakapin at nararamdaman ko ang kasiyahan niya. Parang napako lang ako mula sa aking pagkakaupo at ang hirap i-process ang mga sinabi niya. “Jean?” Parang saglit na nabingi ako at naramdaman ko pa ang mahinang pag-alog niya sa balikat ko. “B-Buntis ako? May baby na ako?” tuwang-tuwang sabi ko at napahawak na ako sa aking tiyan. Kakaiba sa pakiramdam. Naghalo-halo ang emosyon ko at nag-init na ang sulok ng mga mata mata ko. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan pa. Tumulo na ang luha ko pero may ngiti sa labi ko. “Nauuna talaga ang baby kaysa sa kasal. Tss, mga Brilliantes nga naman.” “Nandito po ba si Jean, Kuya?!” narinig kong sigaw ng boyfriend ko. “Come on. Let’s surprise him,” she uttered at inalalayan niya ako. “Jean!” sigaw nito nang makita niya kami. Base pa lang sa boses niya ay parang may good news siya sa sobrang kasiyahan niya. “Be careful, Miko.” “Hi, Novy baby. May good new ako!” bulalas niya. “Ano iyon? Ang saya-saya mo, ah,” puna ko sa kanya. “Jean, makakakita ka na!” “Ha?” tanong ko na medyo nagulat na naman. “Bakit parang umiiyak ka?” “A-Ano ang ibig mong sabihin na makakakita na ako, Miko?” “Yeah, what is it, Miko?” “Nakahanap na kami ng donor niya. Inasikaso na iyon agad ni Daiz and as soon as possible ay ipapasok na sa operasyon si Jean para sa eye-transplant niya.” Natigilan ako sa dala niyang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD