CHAPTER 27

2913 Words
Chapter 27: Live with him SA KALAGITNAAN nang dinner namin ay tinawag ako ng kalikasan—inidoro ang ibig kong sabihin. Balak kong magpasama sana kay Miko. Pero nahihiya akong magsabi. Baka isipin nila na inaabuso ko na ang pagiging mabait ng boyfriend ko or isipin din nila super clingy kong girlfriend. Magbabanyo lang naman ay kailangan pang samahan ng nobyo? But he’s my Miko. Malakas din ang pakiramdam niya. Natuto rin siya sa akin at sa ilang taon naming magkasama ay kilalang-kilala na niya ako. “Gusto mong samahan kita?” Kahit wala pa akong sinasabi ay alam na niya. Nanginginig kasi ang binti ko. “Where to, Miko?” tanong ni Hermerry. “Comfort room,” diretsong sambit ni Miko. “Tara, samahan kita, Jean. If you don’t mind na tawagin kitang sa second name mo.” “Okay lang. Donna Jean V. Lodivero ang buo kong pangalan,” I uttered my name. Kahit na kanina pa kami kumakain ay wala pa kaming pormal na introduction sa isa’t isa. “I’m Hermerry San Gorte, siya naman si Kuya Hermes San Gorte.” “Masaya akong makilala kayong dalawa,” ani ko at ngumiti pa sa kanila. “Same here, Jean. I like your bangs.” “Shut the fvck up, Hermes.” “Chill, parang iyon lang naman, dude,” natatawang saad ni Hermes. “Tara na?” pag-aaya ni Hermerry sa akin. “No need, Hermerry. Ako na lang.” “Hindi, stay ka na lang here, Miko. Kaya ko na,” pigil ko sa kanya at pinaupo ko ulit siya sa chair niya. “But baby...” “Sige na... Kaya ko na. May kasama naman na ako.” “Calm down your balls, dude. Hindi naman mawawala ang girlfriend mo. Over reaction na ’yan, ha.” “Tsk. Just be careful, Jean.” Tumango ako. Lumapit sa akin si Hermerry. Inangkla niya ang kamay niya sa braso ko at saka kami naglakad. Kahit may kasama na ako ay kinakabahan pa rin ako dahil baka magkamali na naman ako ngayon. Na mayroon na naman akong mababangga or something. May magagalit na naman sa akin kung nagkataon. “Ah, Jean. Mauna ka na pala sa comfort room, ha? May naiwan ako sa table natin.” Mabilis niya akong binitawan at mas nakaramdam lang ako ng kaba sa dibdib pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko. Napasinghap pa ako nang may humawak sa baywang ko at kasabay na hinawakan ang kaliwang balikat ko. “M-Miko?” “Sabi ko naman sa ’yo na sasamahan na kita dahil may balak yatang iwanan ka rito ni Hermerry ng mag-isa,” sabi niya. “Hindi naman siguro,” ani ko. “Psh.” Bumukas ang pintuan at pinapasok niya ako sa loob. Wala naman sigurong tao. Kaya pumasok din siya sa loob. “I’ll wait for you here, baby. Sige na.” “Doon ka na sa labas, Miko. Baka matakot sa ’yo ang mga tao at hindi na sila papasok pa.” “Pakialam ko sa kanila, Miss,” pambabara niya at napanguso na lamang ako. Nang matapos ako ay sinamahan pa niya ako na maghugas ng kamay. Sabay na kaming bumalik sa table namin. Akala ko ay magtatagal pa kami roon pero hindi na pala. “We’ll go ahead, Hermes.” “Pero hindi pa kayo tapos kumain, Miko,” sabi ni Hermes. “No, aalis na kami. Ihahatid ko pa ang girlfriend ko sa bahay ng kuya niya, and to answer what is messing with your mind, Hermerry. Yes, she is blind. You can ask us if my girlfriend is blind. Not what you thought of just leaving her behind para lang malaman mo ang totoo. Sorry, Hermes. But I’m so disappointed with your sister’s behavior. Hindi na niya nirespeto pa si Jean.” After saying those words ay basta na lamang ako inilayo roon ni Miko. Naririnig ko ang pagtatagis ng bagang niya. “Miko?” “Hindi naman ganoon dati si Hermerry. Paano na lang kung hindi ako sumunod agad sa inyo, Jean? Baka mapahamak ka na naman,” aniya. Hinaplos ko ang likuran niya. “Tama na. Wala namang nangyari sa akin,” ani ko. “Curious naman siguro si Hermerry pero tama ka. Nakaiinsulto ang ganoon. Mas mabuting magtanong ka na lang kaysa ang gumawa ka ng isang bagay na ikapahamak niya. Thank you for being my kind boyfriend, baby. Proud na proud din ako sa ’yo,” sabi ko at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Sinundot ko siya sa tagiliran niya. Wala siyang reaction noong una pero inulit ko iyon. “Yey... Kinikilig siya.” “Fvck! Stop that!” natatawang sita niya sabay hawak sa kamay ko para hindi ko na iyon gawin pa sa kanya. “Mahal na mahal kita, Miko.” “I love you more, baby...” “Huwag ka sanang magbago, ha? Sana ganyan ka palagi sa akin.” “Habangbuhay na ito, Miss,” aniya sabay halik sa pisngi ko. *** One month had passed, ang studio ko ay nasa flowershop na ni Ate Zedian dahil madalas na akong nandoon. Minsan ay nagbabantay at sino ang madalas naming customer? Si Hermes. Sa tuwing pumupunta siya at sumusunod sa kanya ang kaibigan niya, my boyfriend. Nagbabangayan silang dalawa. Na kesyo raw ako kaya madalas bumibili ng mga bulaklak. Hindi ko na nga rin alam kung saan niya ibinibigay ang bulaklak na binibili niya sa amin. Nakadalo rin naman kami sa kasal ng kuya niya at susunod na raw ang isa pa niyang kuya na may kakambal. Humingi na rin sa akin ng paumanhin si Hermerry dahil sa ginawa niya. Wala namang kaso iyon sa akin dahil hindi naman ako napahamak pa. Nagdala pa nga siya ng peace offering niya. Isa pala siyang wedding organizer at mas bata siya ng isang taon kaysa sa akin. Kanina ay hinanda na ni Ate Zedian ang mga gamit ko kahit sinabihan ko na siya na ako na lang ang mag-iimpake no’n. Tapos malalaman ko na lamang na buntis na naman siya. Siyempre natuwa na naman ang kuya ko. Kahit ganoon ay natapos niyang ayusin ang bagahe ko. Actually, bukas pa dapat ako lilipat pero na-excite ako kasi kapitbahay lang ni Miko ang mga kapatid niya. Nakilala ko na si Ate Theza, si Rea na matanda naman ako ng limang buwan. Tapos sina Ate May Ann at Ate Novy rin, ang girlfriend ni Kuya Michael na kagigising lamang niya from her coma. Madalas kasi ako sinusundo ng family driver ni Grandma Lorainne para lang makipag-bonding sa akin kasama na ang iba pa niyang mga apo. “Daizo, come in.” Nagkasundo ang daddy ni Miko at ang kuya ko. “Hinatid ko lang po ang kapatid ko, Tito. Gusto niya yatang i-surpresa ang anak ninyo,” sabi pa ni Kuya at ako naman ang nahiya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tita Jina. Alam na kasi nila na lilipat ako sa bahay ng anak sila. “Ang anak namin ay masyadong excited,” sabi ni Tita. Nasa mansion pala sila ni Miko. Pero nasaan kaya ang engineer na iyon at wala siya rito? “Si Miko po, Tita?” tanong ko. “Baka nasa bahay ng mga kapatid niya. Alam mo naman kapag Sunday ay roon siya pumupunta and actually kanina ka pa niya hinihintay. Alam niya rin na palagi kang sinusundo.” “Ah, opo. Ni Grandma. Puwede ko ho ba siyang puntahan, Tita?” “Okay, tara,” pag-aaya niya. “Kuya? Bumisita ka sa amin palagi, ha?” “Of course, baby girl.” Humalik pa sa noo ko si Kuya Hart at saka kami naglakad palabas ni Tita Jina. Nasa labas pa naman kami ng mansion nila ay alam na agad ng lola ni Miko ang pagdating namin. Tumili na agad siya na ikinatawa namin. Parang bata pa rin siya kapag nakikita kami. Palagi siyang excited. “Kanina ko pa hinihintay itong magiging apo ko in the near future.” “Maiwan ko na po kayo, Mommy. Babalikan ko pa ho ang panganay ninyo. Jean, dito ka na sa Grandma mo, ha?” “Sige po, Tita. Thank you po sa paghatid sa akin.” Hinaplos niya lang ang buhok ko saka siya umalis. Pagkaupo pa lamang namin sa couch ay nagpakuha agad siya ng maiinom para sa amin. Sa tuwing nakikipagkuwentuhan ako kay Grandpa ay palagi niyang tinititigan ang mukha ko. “Hija?” “Ano po iyon, Grandma?” I asked her. “Naniniwala ka ba sa akin na may kakayahan akong makita ang future ng isang tao?” Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. “Minsan na po akong natanong ng isang bata, Grandma. Wala pong mawawala sa akin kung maniniwala ako sa inyo.” “Pero hindi naman ako tumitingin sa palad ng isang tao,” sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko. “Saan po kung ganoon? May nakikita po ba kayo sa akin?” tanong ko. Handa naman akong malaman kung ano ang nakikita niyang kapalaran sa akin. Kahit na masyadong kabado kapag may nalalaman ako. “Hindi masyado dahil hindi ko matitigan ng diretso ang mga mata mo.” Oh, kung ganoon sa mga mata lang ay malalaman na niya agad. “Paanong hindi po masyado? So kung ganoon po ay may nakikita na kayo sa akin?” Naramdaman ko ang kanyang pagtango. “Natatakot ako para sa kinabukasan ninyo ng apo kong si Miko... Dahil...” “Dahil po?” “Dahil may isang lalaki pa ang darating sa buhay mo at magmamahal din sa ’yo na mapipilitan kang...bitawan ang apo ko, hija,” malungkot na sabi niya. “Grandma, mahal ko po ang apo ninyo at hindi ko po magagawa iyon sa kanya. Si Miko po—” “Gagawin mo ’yon alang-alang sa kaligtasan ng apo ko,” putol niya sa sasabihin ko sana at hindi na ako nakapagsalita pa. Ibang-iba ang nakikita niya sa mga mata ko at kay Lucca na nakita niya sa mga palad ko. “Pipilitin ko po na hindi iyan mangyayari,” sabi ko at humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. “Maging matatag ka sana, Jean... Huwag kang sumuko at palagi mong tandaan na nandito lamang kami. Maasahan ninyo ang pamilya namin.” “Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap, Grandma,” nakangiting saad ko. “You’re welcome, hija. Alam ko naman kasi na magiging parte ka ng pamilya namin.” “Nasaan po si Grandpa?” “Umalis kanina kasama ang Kuya Markus mo. Huwag na natin silang pag-usapan. Ikuwento mo na lang sa akin kung ano rin ang nakita sa ’yo ng batang babae.” “Paano ninyo naman po nalaman na may nakikita rin siya sa akin, Grandma?” “Hula ko lang din,” aniya. Nagsimula na akong magkuwento at mas tumagal pa nang may kinakain na kaming meryenda. Hindi pa yata alam ni Miko na nandito ako kaya nagawa pa akong ipahatid ni Grandma sa kabilang bahay at naghintay na lang ako sa sofa. Mabilis nga lang akong nainip kaya sinubukan kong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero naramdaman ko iyong tubig... Tama, nasa kaliwang bahagi ng mansion na tutuluyan namin ni Miko ay may swimming pool. Wala na akong nakakapitan pa pero sinigurado ko na hindi ako mahuhulog sa pool. Napangiti ako dahil ang round table na ang nahawakan ko at saka ako umupo sa sun lounge. Hinubad ko ang suot kong bestida at naiwan ang underwear ko. Maliligo lang naman ako at alam ko naman kung paanong lumangoy pero sa gilid lang naman ako. May nahawakan akong handle at alam kong hagdanan na ang maapakan ko. Umupo na ako para hindi ako madulas at sinubukan kong bumaba. Malamig pero maligamgam naman ang tubig sa pool. Una kong binasa ang balikat ko saka ako lumusong sa tubig. Nakaalis ako sa hagdanan pero hindi naman ako kinabahan na baka wala na akong mahahawakan pa kasi nasa side pa rin ako. Sa hindi kalayuan ay nakarinig ako nang yabag. Alam kong si Miko na iyon at sinusubukan na naman niyang gulatin ako. Sinadya kong lumubog sa ilalim ng tubig at napaka-peaceful talaga kapag nasa ganito kang sitwasyon. Umahon din ako at hahawak na sana sa pool side nang iba ang dumapo sa aking kamay. Malaki at mainit na palad. “Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka na, Miss? Hindi mo man lang ako tinawagan? Tapos maliligo ka sa pool ng hindi ako kasama?” Pinunasan niya ang mukha ko na ikinangiti ko. “Saan ka ba kasi nagpunta? Kanina pa ako naghihintay sa ’yo sa sofa at naisip ko na lang ang maglakad. Dito ako dinala ng mga paa ko.” “Mabuti na lang ay hindi ka nahulog. Dahil ipatatanggal ko ang swimming pool na ito,” saad niya. “May gusto ka bang kainin, baby? Magluluto ako ng dinner natin.” “Ikaw na ang bahala at dito na lang muna ako. Maliligo pa ako,” sabi ko at hinawakan niya ang baba ko para lang halikan ako sa mga labi ko. “Huwag kang masyadong magtagal, okay? And be careful,” paalala niya na ikinatango ko. Umalis din siya kaagad. Ilang minuto pa akong nandoon ay umalis na ako sa tubig. Tatlong hakbang lang ang ginawa ko at may mainit na tela agad ang bumalot sa akin na mula sa likuran ko. Pumuwesto siya sa harapan ko at may tinali siya sa bandang dibdib ko. Narinig ko ang kanyang pagtikhim. “Tapos ka na bang nagluto, Miko?” “Hindi. Kaya ko bang iwanan ang girlfriend ko sa pool ng mag-isa? May hinatid na dinner natin si Mommy kanina. Iyon ang kakainin natin.” Sabay kaming kumain ng dinner habang suot ko pa rin ang basang underwear ko at ang bathrobe. Nararamdaman ko ang panay na pagtikhim ni Miko. “May problema ka ba, Miko?” “Wala,” mabilis niyang sagot. “Eh, bakit panay tikhim ka, ha? At kanina ko pa nararamdaman na tingin ka nang tingin sa akin.” “Jean...” “Hmm?” Uminom na muna ako ng tubig. “Gusto mo bang... makakita na agad?” “Bakit? Bakit mo naitanong iyan sa akin?” “Naisip ko lang na ibigay sa ’yo ang mga mata ko, Jean.” “Break na tayo agad kapag ibinigay mo sa akin ang mga mata mo, Miko. I don’t like the words coming out of your mouth, Miko,” malamig na sabi ko. “I just want you to see—” “I don’t need your eyes If you’re the one to give me then ikaw ang mawawala sa akin kapalit nang makakita na ako!” sigaw ko sa kanya at agad akong tumayo. “Jean, teka lang naman.” “If you give me your eyes, you have to die, Miko! You think it’ll be funny to have my eyes are from you?! Hèll no!” “I’m just kidding! I know it’s forbidden to donate eyes kapag buhay pa ang donor! I’m sorry...” Maingat niyang hinawakan ang siko ko at hinila niya ako para lang yakapin. Hinalikan niya ang sentido ko at bayolente ang paghinga ko. “A-Ang sama mo... Ang sama-sama mo, Miko...” naiiyak na sabi ko. Halos mapunit ang longsleeve niya sa likod dahil sa higpit nang paghawak ko. “Sorry na...” “Mangako ka sa akin... na hindi mo ibibigay sa akin ang mga mata mo... Okay na ako sa ganito, Miko... Okay na ako basta kasama kita at hindi mo ako iiwan...” “Sorry na. Hindi ko na ’yon sasabihin pa. Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo. Grabe, nanginginig ka ba sa galit sa akin o sa takot na ibigay ko sa ’yo ang mga mata ko?” tanong niya sa akin. “Nanginginig ako sa lamig. Huwag kang assuming,” pagsisinungaling ko. “Panira ka naman, Miss. Alam kong pareho ang nararamdaman mo.” Isa lang ang puwedeng gawin ko para hindi totohanin ng boyfriend ko ang biro niyang iyon. “Miko...” “Hmm?” He caressed my hair down to my back. “Make love with me, please...” mahinang sambit ko at nanigas ang katawan niya. “S-Seryoso ka ba riyan, Jean?” Tumango ako. “Oo... Handa na ako... Handa na akong gawin iyon kasama ka at babaliin ko na ang paniniwala ko. Ang prinsipyo ko... Just for you, Miko...” “Donna Jean...” “I want it now...” seryosong sabi ko. “Jean, alam mo na kapag sinabi mo ay hindi na ako nag-b-back out pa.” “Seryoso ako, Miko.” Humiwalay ako sa kanya para lang hubarin ang bathrobe ko. Mabilis niya akong pinangko at naglakad na rin siya. Sinipa na naman niya ang pintuan at ibinaba niya ako sa kama. Hinintay ko siya sa gagawin niya at parang napapaso ako nang hawakan niya ang binti ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. “Jean...” sambit niya sa pangalan ko na namamaos ang boses niya. “Hmm?” “I love you...” diretsong sambit niya. “I love you too...” Mabilis siyang pumuwesto sa ibabaw ko at mariin niya akong siniil ng halik sa mga labi ko. Pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya at hinalikan siya pabalik para iparamdam din sa kanya ang pagmamahal ko na walang katulad ng kagaya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD