SIMULA

1142 Words
Katniss POV Nagising ako ng maaga gaya ng nakagawian ko,dahil narin ay maaga ang pasok ng anak kong si Prince nasa grade 4 na siya ngayon. Ginawa ko muna ang morning routine, nakaligo na ako at nakapag bihis na rin ng fitted pants at simpleng white longsleeve tops na nilagyan ko ng isang denim jacket sa may shoulders ko,at ng matapos na ako ay bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Manang belen na nasa kusina na nagsasaing na ito ng kanin sa rice cooker. Ako naman ang magluluto ng ulam para kay prince, syempre gusto ko ang magluluto ng babaunin niya para ma feel niya ang care at love ko sa kanya. Kahit naman andito si manang belen ay ako parin talaga ang nag aalalaga kay prince, sa mga gawaing bahay si manang belen na kasi busy rin ako sa aking online business,nag babake ako at online kong binebenta although meron naman din personal talagang pumupunta rito para bumili at may nagpapadeliver na din, at Nagtatrabaho din ako Sunshine Home isang bahay ampunan dito sa Valencia City. "Manang nalabas niyo na po ba ang manok sa ref?" "Opo ma'am, andiyan na po sa may lababo." Agad naman akong nagtungo ron at kumilos na nga ako.Niluto ko ang paborito ng anak ko na adobong manok na may pinya. Nang matapos ako ay tinungo ko na ang kwarto ni prince at natutulog pa ito kaya nilapitan ko ito at tinitigan, napangiti ako ng matamis. "Prinsipe ko, gising na..baka malate ka pa sa school mo.." Agad naman itong gumalaw at nagmulat ng mata, kapag sinabi ko kasi na baka malate siya sa school niya ay agad itong bumabangon. ayaw kasi nito na nalalate sa school niya, napaka focus nito pagdating sa studies nito. Nagmana rin sa akin. Ilang sandali pa ay naligo narin ito at ako naman ay inihanda na ang mga gamit niya at uniform. At nang matapos na siya at nakapag bihis na ay kumain narin kami. "Mommy kailan po uuwi si papa? meron po kasi kaming family day na magaganap kailangan daw po ang parents.." Natigil ako sa pagkain, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. "Hindi ko pa alam anak eh, don't worry tatawagan ko ang papa mo para sabihan siya at tanungin kung kailan siya uuwi." Napangit ako ng mapait, kahit naman alam ko na walang sigurado kung kailan uuwi si Alfred halos mag pi-pitong taon na hindi parin siya umuuwi rito sa pilipinas. Nasa new Zealand ito at construction worker ang trabaho doon. 3 years old palang si prince ng umalis siya at makipag sapalaran doon. Tatlong taon palang din kaming kasal nun at simula nun hindi parin siya nakakauwi. "Don't worry anak, kahit wala ang papa mo andito naman ako. Pupunta ako sa family day niyo.." Nakita ko naman kung paano lumungkot ang mukha ng anak ko. "But i want you and dad to come, ilang family day na, hindi nakapunta si dad at hindi umuwi." Ramdam ko ang lungkot sa anak ko at bilang ina ay naapektuhan ako, ilang beses ko narin pinilit si alfred na umuwi na muna kahit ilang buwan lang pero palagi niyang sinasabi na nag iipon pa siya ng pera, dahil kapag naka uwi na siya rito ay may malaking ipon na siya at hindi na babalik pa sa abroad. At yun ang lagi kong pinanghahawakan sa kanya. Kahit madalas narin kaming mag away dahil dun. Inabot ko naman ang kamay ng anak ko at pinisil iyon. "My prince, mommy is always here..nag iipon pa ang papa mo dahil kapag naka ipon na siya ng malaking pera ay uuwi na siya at hindi na babalik pa sa abroad." Kahit alam ko sa sarili ko na hindi sigurado, sa halos pitong taon na ang lumipas ay palagi kaming nag aaway ni alfred dahil sinasabi ko sa kanya palagi na sapat na ang apat na taon para makapag ipon.Pero hindi sapat iyon para sa kanya. Gusto niyang mag tayo kami ng malaking negosyo kapag naka uwi na siya kaya kailangan daw ng malaking pera para mapatayo ang negosyong gusto niya. At sa huli ay wala na naman akong magawa at hayaan nalang siya, iniisip lang din naman niya ang magiging future ng anak niya. At masaya na din ako sa ganoon. Nang matapos na kami sa pagkain ay mabilis ang kilos ko at agad ko ng isinuot ang sapatos ko, binitbit ko na din ang bag ni prince at sumakay na kami ng sasakyan. Tiningnan ko pa ang relong pambisig ko at 7:30 am na kailangan ko ng magmadali at baka maabutan pa kami ng traffic dahil alas otso ang klase ni prince at 8:30 am mag start ang program sa Sunshine Home. At hindi nga ako nagkamali dahil ma traffic nga kaya natagalan pa kami at saktong 7:45 ay nakarating din kami sa school ni prince buti nalang at may 5 minutes pa at hindi pa siya late. "Prince.." Tawag ko sa kanya, at agad naman itong napalingon. Nakasimangot ang mukha nito, kaya napangiti narin ako ang gwapo kasi ng anak ko. "Where is my kiss?" Sabay nguso ko pa, para naman siyang napilitan at napalingon pa sa bawat side niya at walang choice na lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay tumalikod na ito sa akin. Nahihiya na kasi siya kapag za public ako humihingi ng kiss kasi nga ay nine years old na siya at malaki na daw siya. Nang tuluyan ng nakapasok si prince ay agad akong sumakay ulit sa kotse at dali daling pinaandar ang sasakyan at ganun parin sa daan dahil traffic parin tiningnan ko ulit ang relo ko ang 8:20 am na, sigurado ako na nagsimula na ang program. Andun kasi ang bagong mayor nitong Valencia City at nag donate daw ito ng malaking halaga kaya nag pa welcome party ang sunshine home at bilang pasasalamat din sa mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakawala sa matinding traffic at mas binilisan ko nalang ang pagmamaneho. Ilang minuto pa nga ay nakarating na din ako sa wakas pinark ko muna ang sasakyan at lumabas na. Napatigil ako sa paglalakad ng makuha ang atensyon ko sa isang napakagarang sasakyan na isang maroon na range rover. Di ko tuloy mapigilang mamangha dahil sa kintab at ganda nito, at naisip ko rin ang presyo nito. Napapailing nalang ako ng maalala ko ang presyo ng ganitong sasakyan. Sobrang mahal talaga, katabi lang din ito ng sasakyan ko ngayon. Walang wala sa itsura ng luma kong sasakyan na katabi nito. Kanino naman kaya ito? Oh tama! naalala ko na sobrang yaman daw ng bagong mayor ngayon, binata ito at isang bilyonaro. Naisip ko nga bakit pa siya nag mayor kung isang bilyonaro naman rin pala ito. Pero di naman natin alam kung anong rason niya, at wala naman akong interest na alamin yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD