Katniss POV NANG mapatos ang show at lahat ng activities sa loob ng ocean park ay lumabas na din kami dahil nagugutom nadin itong anak ko, napaismid na lamang ako habang nakatitig sa anak ko at kay mayor davi na sila lamang dalawa ang nagkakaintindihan at parang wala ako sa tabi nila. Kanina pa sila nag kekwentuhan simula ng matapos ang show sa loob, binabalikan nila ang mga moments na nagpapatawa sa kanilang dalawa, sa sea lion show lang naman kami nagkatabi ni Mayor Davi at wala siyang ibang ginawa kundi ang tumitig lang sa akin, kahit nakakailang na ang pinag gagawa niya ay pinilit ko paring hindi nalang ito pansinin. Pero hindi ko na din na enjoy ang show dahil nga hindi ako makapag focus sa ginagawa niya. At nang matapos nga angz show ay doon lang ako nakahinga nang maluwag, pero h

