Katniss POV Nagpabaling baling ako ng higa sa kama ko, hindi parin ako makatulog kahit anong gawin kong pagpikit, sa tuwing naipipikit ko ang mga mata ko ay agad kong nakikita ang nangyari sa amin ni mayor davi sa comfort room. Kanina ko pa kinakastigo ang sarili ko dahil sa kabaliwan ko, hindi pwede ang ganito. Dapat ay hindi ko na iniisip pa ang bagay na yun dahil napakalaking kasalanan ang ginawa ko, hangga't maari ay hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko pagdating ng panahon, ayaw kong baliktarin ni Alfred, kahit naman may ebidensya na ako sa kanya ay ayaw ko paring makarinig sa kanya ng kahit ano. Marahas na lamang akong bumangon sa aking kama at lumabas ng aking kwarto, naisip ko na uminom nalang muna, may wine naman akong tinago. Bumibili ako ng wine pero hindi ko naman in

