KABANATA 5

1429 Words
Katniss POV Napabuntong hininga na lamang ako habang kaharap ko ang asawa ko sa phone, pinipigilan ko ang hindi mainis at para hindi kami mag away. Paulit ulit nalang kasi ang rason ng pag aaway namin. "Kahit man lang isang buwan Alfred, para sa anak mo nalang.." Sabi ko pa kahit halos gusto ko na siyang sigawan pero pinipigilan ko lang talaga. Nakita ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "Mahal ang ticket hon, kaya kailangan ko talagang pag ipunan para pag naka uwi na ako jan ay may malaki akong pera na dala..sisimulan na natin ang negosyo natin jan..ilang beses ko na bang inulit yan sayo?" Halata rin sa boses niya ang inis, palagi nalang bang ganito sa tuwing mag kausap kami? pag dating sa topic na gusto namin siyang pauwiin ay ito ang mangyayari? naiintindihan ko na naman siya, pero kahit man lang isang buwan para naman mapag bigyan niya si prince kahit sa family day lang nito. "At uulitin ko rin sayo Alfred na malapit kana jan mag 7 years.." "Alam mo naman na nakapag loan ako ng malaki rito dahil sa negosyo mo jan.." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, matagal na yun pero hindi parin siya tapos mag bayad nun? "Matagal na yun Alfred alam kong bayad mo na yun.." "Kumuha ako ng bagong sasakyan.." Napatanga ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala sa narinig ko. Nag isang linya na ngayon ang kilay ko habang napatingin sa kanya. "Ano? diba meron ka ng sasakyan? bakit ka pa kumuha ulit?" Inis na turan ko rito, bago palang yung sasakyan niya tapos ngayon kumuha na naman siya? is he serious right now? "Nasira kasi yung isa hon, kaya need ko kumuha ulit.." Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko, ayaw kong sumigaw ayaw kong mag away na naman kami. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung nakabili na siya? ni hindi man lang siya nag tanong muna sa akin bago niya bilhin? "Wala na akong magagawa dahil binili muna, pero sana naman hon sinabi mo man lang sa akin bago ka nag desisyon na bumili ng bagong sasakyan." Naging soft naman ang ekspresyon niya. "I'm sorry hon, it was a rush kaya hindi ko nasabi sayo agad.." Wala na rin akong nagawa pa at hinayaan ko nalang, minsan lang kami mag kausap ng maayos kaya ayaw ko na rin pahabain pa ang pag uugatan ng away namin. "Ok na hon, pasensiya kana medyo napagod lang ako kaka bake.." "I miss you hon.." Napangiti ako at nawala ang pagod ko kanina, namiss ko na rin ang asawa ko. "I miss you too.." Nakagat ko ang ibabang labi ko, namimiss ko rin ito lalo na ang init ng katawan nito pero wala akong magawa dahil malayo siya sa akin,Kaya labis talaga akong nangungulila sa kanya. "Sana hon, umuwi kana rito dahil miss na miss kana namin ng anak mo.." Ayaw kong mag isip ng kung ano-anu kahit pa may naririnig akong mga negative comments about sa asawa ko pero hindi ko nalang pinapansin ang mga ito dahil kilala ko ang asawa ko at alam kong hindi niya kayang mag loko sa akin, malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong mahal niya ako kaya yun ang pinanghahawakan ko sa kanya. Nag usap pa kami ng ilang oras hanggang sa naisipan ko na rin na matulog. KINABUKASAN ay maaga na naman akong gumising para mag prepare at makapasok ng maaga si prince, nang matapos na nga kami ay agad ko siyang hinatid sa school at buti nalang talaga maaga kaming dumating bago maabutan ng traffic. Papauwi na ako ng bigla namang namatay ang makina ng kotse ko. "Badrtrip! ba't ngayon pa?!" Dito pa talaga ako na siraan sa malayo na sa mga kabahayan, papunta pa sana ako ng sunshine home para tumulong roon dahil wala naman akong masyadong orders na natatanggap, kapag bakante kong oras ay pumupunta talaga ako ng sunshine home. Lumabas ako ng kotse at dahil sa inis ko ay sinipa ko pa ang gulong dahil flat ito. I groan in frustration! kinuha ko ang phone ko at tumawag ako ng tutulong sa akin. Nabaling ang tingin ko sa magarang sasakyan na tumigil, kaya binaba ko na ang phone ko. At hindi ko inaasahan ang taong lalabas sa kotse ay walang iba kundi si Mayor Davi. Anong ginagawa niya rito? "Miss Fuentabella..what happened?" lumapit ito sa akin sabay tanggal nito sa suot na itim na shades, naka polo lang ito ng navy blue at naka khaki short na brown at naka suot ng casual leather shoes. Fresh na fresh itong tingnan at sobrang gwapo, normal lang naman sa akin na mag describe sa isang gwapong tao katulad ni Mayor davi, dahil hindi naman talaga maipagkakaila iyon kahit kanino mo pa tanungin. Pero yun lang yon, walang ibang ibig sabihin. Ba't sa lahat ng pwedeng tumigil na sasakyan ngayon at siya pa talaga? "Na flat lang yung gulong." Casual kong sagot rito, agad niya namang tiningnan ang gulong ng sasakyan ko, then i heard he the click of his tounge. "Pero ok na po nakatawag na ako sa talyer.." "You're too formal katniss, just call me mayor davi or davi if you want, tayo lang naman dalawa." Naka ngiti niyang saad sa akin, at parang ayaw ko sa ngiti niyang ganun, ewan ko ba pero may something eh, o siguro nag oover think lang ako. Tango lang ang tugon ko sa sinabi niya. "Saan ba ang punta mo?" "Sa Sunshine home.." Sumilay naman ang malawak na ngiti nito. "What a coincidence, doon rin ang punta ko." Doon rin siya papunta? at bakit naman kaya? Ano naman sayo Katniss? malamang kakamustahin lang niya doon dahil malaki ang donasyon nito. lihim akong napatampal sa sarili ko. "Sumabay kana sa akin, sigurado akong mamaya pa yung service ng talyer..malayo layo narin to sa syudad.." Tama din naman siya, pero hindi ako sumasakay basta basta sa hindi ko pa kilala kahit mayor pa siya dito sa Valencia. "Salamat Mayor Davi, pero ok lang..maghihintay nalang ako ng trycle dito." Sabay tanaw ko sa magkabilang daan ng kalsada, pero bakit parang pinaglalaruan ako at wala man lang akong nakikitang trycle na dumadaan? "See? there's no trycle here, matatagalan ka pa bago makasakay dito.." tiningnan ko ito ng may pag aalinlangan kaya kumunot naman ang noo niya. "Hindi kasi ako basta sumasabay ng kung sino lang, Mayor Davi." Prangka kong sabi rito, dahil totoo naman at ayaw ko rin na mag sinungaling. Pero nagulat ako sa naging reaksyon niya, whe he looks amused? sumilay rin ang munting ngiti sa gilid ng labi niya. "Hindi naman ako ibang tao Katniss, Mayor ako dito sa Valencia at kilala ako nang lahat ng tao rito at kahit mag offer ako sa kanila na pasasakayin ko sila sa sasakyan ko ay sure naman ako na papayag sila..dahil may tiwala sila sa akin.." Pangungumbinsi nito sa akin, kaya medyo napahiya ako sa sinabi niya dahil may punto naman talaga siya. Ewan ko ba at parang awkward sa akin, eh kasi nga lalaki siya at babae ako. O dahil ba may nakikita ako sa mga mata niya na hindi ko ma explain kung anong klaseng titig ang pinupukol niya sa akin. "Hindi naman ako masamang tao Katniss..unless pinag iisipan mo ako ng masama?" Makahulugan nitong dugtong, bahagya kong nakagat ang ibabang labi ko dahilan ng pagtikhim niya kaya napatingin ako sa kanya na mataman na palang nakatitig sa akin--sa mukha ko. "Ok fine, sasabay na ako sa inyu.." Napangiti na ulit siya ng matamis. "Then let's go.." Tumalikod na siya at ako naman ay kinuha ko na ang bag ko sumunod na ako sa kanya, pinagbuksan niya naman ako sa front seat plano ko pa sanang sa likod sumakay pero dahil pinagbuksan niya na ako ay pumasok nalang din ako at sumunod narin siya sa driver seat. I try to fasten the seatbelt pero hindi ko alam kung paano e buckle ito dahil iba sa ordinaryong Seatbelt ang sa kanya, di gaya sa kotse ko na normal lang na seatbelt. "Let me.." Napa atras ako dahil sa biglang paglapit niya at amoy ko kaagad ang mamahalin niyang pabango. Nahigit ko pa ang hingina ko at hindi nakagalaw. What the heck! sobrang lapit niya. Natigilan naman siya at bumaling sa akin ng tingin kaya sobrang magkalapit na kami ngayon ng mukha, nag iba ang ekspresyon sa mga mata niya at hindi ko mawari kung ano ito. "You're so beautiful, Katniss.." Natigilan ako sa sinabi niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla nalang kumabog ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD