KABANATA 7: Grocery

1361 Words
Katniss POV Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay naka uwi narin ako ng bahay, kanina sa sunshine home ay hindi na kami nakapag usap ni Mayor at pinagpapasalamat ko iyon buti na nga lang din ay nauna na siyang umalis dahil may emergency daw, nakahinga talaga ako ng maluwag dun dahil hindi na siya nag tanong pa ulit sa akin about sa dinner, at mabuti nadin iyon. Yung kotse ko naman ay ok na nakuha ko na sa talyer, kanina rin ay si Manang belen nalang din ang pinasundo ko kay prince. "Hi anak, how's your school?" Bungad ko sa anak ko na andito lang sa living room at nanonood ng tv, bumaling naman siya sa akin at lumapit ako sa kanya para mahalikan siya sa noo. "Ok lang po mommy.." Pero hindi naman siya mukhang ok. "May problema ba prinsipe ko?" Malambing kong tanong sa kanya, ang atensyon niya naman ay nasa tv lang pero kita ko sa mga mata niya ang lungkot, ilang beses ko na siyang nakikitang ganito. Alam ko naapektuhan siya sa hindi pag uwi ng papa niya, at ang hirap para sa akin na nakikitang ganito ang anak ko. Umiling iling naman siya pero halata ko parin na may problema siya kaya ako na mismo ang nanghula kung ano man ang iniisip niya. "May nambubully na naman ba sayo sa school? sabihin mo lang sa akin at pupuntahan ko agad.." Tumingala naman siya sa akin. "Wala naman mommy, malapit na po kasi ang family day.." Napabuntong hininga ako, ano bang dapat kong gawin, napakahirap kapag ganito ang hinihingi ng anak mo sayo, gusto niya lang naman na kumpleto kami na pumunta ng family day nila pero ilang family day na hindi parin ng nangyayari ang bagay na yun. Wala akong magawa. Simula ng nag abroad si alfred ay salo ko lahat ng gawain lalo na kapag kailangan ni prince ng ama o hinahanap niya ang kanyang papa, palagi kong pinapaintindi sa kanya na ginagawa ng papa niya ang lahat para future niya kaya hindi pa ito umuuwi. Pero paulit ulit ko iyong sinasabi at nakikita ko sa anak ko na unti unti narin siyang nawawalan ng gana kapag sinasabi ko iyon sa kanya, at hindi na siya naniniwala pa at umaasa kung kailan uuwi ang papa niya. "Don't worry anak ko, gagawa ng paraan si mommy ok..sige na matulog kana, dahil may klase ka pa bukas.." Agad naman itong tumalima at humalik sa pisngi ko hinalikan ko din siya sa noo. "Goodnight mom.." At agad na siyang umakyat sa itaas, napabuga ako ng hangin, ano ba ang gagawin ko pag dating ngayong family day? malayo naman kasi ang parents ko dito pati parents ni Alfred malayo rin, ang mga tito at tita niya malayo din, kaya mahirap kontakin ang mga iyon, hindi din kasi kami magka sundo ng mama ni Alfred dahil hindi ako gusto nito. Umakyat narin ako sa taas at chineck ko muna kung tapos na ba si prince sa kanyang night routine, at ng masiguro ko na tapos na siya ay natulog narin ito. Ako naman ay dumeretcho na ng kwarto, tiningnan ko ang phone ko at nakita ko na nag text si Alfred. Honey: hindi na ako makakatawag dahil busy kami sa mga bagong building plan for constructions bukas. Nag reply na lamang din ako na ok, halos naman ganito siya lagi, sa isang linggo tatlo o apat na beses lang kaming nag uusap, pero sige parin ang pag intindi ko sa kanya, mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Nag half bath nalang ako, pagkatapos ay humiga narin ako sa aking kama, maaga ako bukas dahil may mga order pa akong gagawin pagkatapos ay e dedeliver ko pa. KINABUKASAN nga maaga akong nagising nang matapos lahat ay hinatid ko na muna si prince sa school at deretcho ako sa mall para mag grocery dahil bibilhin ko rin ang mga kailangan ko sa pag ba-bake, andito na nga ako sa grocery at namimili ng mga kakailanganin ko ng may tumawag sa akin. "Katniss?" Napalingon naman ako, at sa dinami dami ng taong makikita ko ay si Mayor Davi pa talaga. "Mayor Davi.." Pilit ang ngiti ko sa kanya, bakit kung saan ako naroon din siya? o baka naman coincidence lang naman talaga. Malawak ang ngiti nito sa akin, may dala din siyang basket na may laman na grocery, lihim ko tuloy gustong sapakin ang sarili ko, malamang eh andito siya para mag grocery. Ka pansin pansin rin siya rito dahil halos lahat ng mga dumadaan ay napapatingin talaga sa kanya specially mga babae, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa kanya kahit simple lang ang suot niya ngayon malakas parin ang s*x appeal niya sa iba. Naka suot lang kasi ito ng dry fit short at plain black shirt at may suot na jacket may suot rin itong earbuds mukhang galing pala siyang gym dahil naka suot rin siya ng rubber shoes. Pero kahit ganito ang suot niya ay head turner parin siya. At parang wala lang sa kanya ang titig na pinupukol sa kanya ng mga tao, dahil siguro sanay narin siya. "What a small world, parang sinasadya talaga na magkita tayo.." Nakangising saad nito, at pilit lang akong ngumiti ulit. "Oo nga eh.." Tanging sagot ko. "Dahil siguro hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo kahapon.." Hindi parin pala niya nakalimutan iyon? mukhang wala din naman siyang balak tumigil at kapag palagi kaming magkikita nito ay wala siyang ibang sasabihin kundi ang tungkol sa binitawan kong salita at hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang sagot ko, at ayaw ko talaga sa makulit na tulad niya. "About that Mayor Davi, kailan mo ba gustong mag dinner tayong dalawa?" Casual kong sabi sa kanya, wala lang naman iyon sa akin, dahil gusto lang naman niyang bumawi kahit hindi naman kailangan pero dahil nakikita ko talaga sa kanya na siya ang klase ng tao na hindi basta basta sumusuko ay pag bibigyan ko para matahimik na siya. Nakita ko ang pagkislap sa asul niyang mga mata, na para bang sobrang saya niya na sinagot na siya ng magiging jowa niya, ganun ang nakikita ko sa kanya. "That's great, tommorow is perfect..i will just pm you..or i can go to your house para sunduin ka.." "No need for that mayor, you can tell me kung saan tayo na restaurant kakain at ako na mismo ang pupunta." Tumango tango naman ito, pero i hate the way he looks at me. Titig na titig lang siya sa mukha ko ni di man lang niya inaalis ang mga mata niya, kaya nga panay iwas ako ng tingin habang kausap siya kasi di ko matagalan ang mga titig niya sa akin. "Yeah, sure..kung saan ka kompartable.." Matamis niyang turan sa akin, And this time ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin o sa akin lang ba, para kasing may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi sabi at parang wala siyang balak na tapusin ang usapan namin dahil hindi pa siya umaalis sa harap ko. "May kailangan ka pa bang sabihin mayor?" Pero imbes na sagutin niya ako ay mas lumapit pa siya sa akin na ikina atras ko na, hanggang sa napasandal na ako sa stall na nasa likod ko, sobrang lapit niya na kaya napa iwas na ako ng tingin. "Ahm, kukuha lang ako nito.." Natulala ako sa sinabi niya, naamoy ko rin ang mabangong hininga niya ng magsalita siya pati ang pabango niya ay amoy na amoy ko kahit pawisan pa ito ay napaka bango parin. Pero nang ma realize ko ang sinabi niya at ang kinuha niya mula sa likod ko ay agad na umakyat ang dugo ko sa mukha at sobrang init na ng pisngi ko. Shit katniss! ang tanga mo! ano ba kasing pinag iisip mo?! Nakita ko pa ang pilyong ngiti sa labi niya at ang pagkagat labi niya. Hindi na ako maka tingin ng deretcho sa kanya dahil sa kahihiyan ko. "I love sardines.." Sabi pa niya na may pilyong mga ngiti sa labi. Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa ngayon! Oh God! sobrang nakakahiya!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD