Katniss POV Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya, at agad na umusbong ang inis ko sa kanya. Kaya agad ko siyang tinulak dahilan para makawala ako sa pag korner niya sa akin. "What the hell did you say?!" Galit kong turan sa kanya, at hindi narin maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanya. Pero imbes na magalit siya sa sinabi ko ay napangiti lamang siya na para bang naaliw pa sa naging reaksyon ko. May saltik na ba sa ulo ang lalaking to? Naturingan pa naman siyang mayor pero ganito pala ang mga karakas niya?! "Alam kong narinig mo katniss.." Nakangiti niyang sabi, na mas lalo ko lamang kinainis. "Nababaliw kana ba, Mayor Davi? nasisiraan kana ba?!" Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ko dahil galit ako sa kanya, mas dapat lang naman na magalit ako

