Katniss POV Kailan ko nang umalis ngayon din, pati sarili ko ay di ko na kilala, hindi dapat ako na aapektuhan sa lalaking ito. Durog pa ako ngayon, may pinag dadaanan pa ako pero nai singit ko pa ang ganitong hindi pamilyar na nararamdaman ko. Alam kong mali ito kaya mabuti pang umalis na lamang ako. "Hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo Mayor, andito ako para mag deliver ng cake..pero kung ayaw mong ibigay sa akin ang bayad, pwes sayo na yan..hindi na kita sisingilin.." Galit kong wika sa kanya, akma na sana akong aalis nang bigla niya akong hilahin at itulak sa mahabang sofa niya bahagya pa ngang lumundag ang katawan ko, gulat ang rumehistro sa mukha ko at napa nganga ako sa ginawa niya. Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya ay agad niya akong kinorner sa pamamagitan ng pag samp

