My Boyfriend's Secret End

2613 Words
Today is Carem's birthday. He decided na ipakilala na ako sa pamilya niya sa isang intimate dinner na hiniling niya sa kanyang ama. He said, he never wanted an extravagant party. Ang tanging gusto lang niya ay ang makilala na ako ng pamilya niya dahil ayon sa kanya, gagawin niya ang lahat para balang-araw ay maging bahagi ako nito. Our relationship was getting stronger as each passing time. Halos kalahating taon na ang relasyon naming dalawa na nagawa kong itago sa aking pamilya. We had our ups and downs lalo na at seloso si Carem. My cousin planned to tell it to my mom dahil siguro naiinis na rin siya sa sobrang possessiveness sa akin ng boyfriend ko but after their talk, hindi na nagbanggit tungkol doon si Cheska at napapansin ko na rin ang paglayo ng loob niya sa akin. Of course, I was hurt. Pero inisip ko na lang na against siya sa same s*x relationship. Nariyan naman si Carem na lagi kong kasa-kasama sa bawat oras. Wala naman akong halos mairereklamo sa kanya bukod sa pagiging seloso at possessive niya na iniisip kong dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Bukod doon, yung ginagawa niyang pag-angkin sa katawan ko ang malimit kong ireklamo. Madalas kasi ay rough play ang gusto niya. Nakakalat ang mga pasa sa katawan ko maging ang bakas ng mga ngipin niya. Minsan naiisip kong kaya lang niya ako ginawang boyfriend ay para may pagparausan siya pero kaagad kong inaalis iyon sa isipan ko dahil ramdam ko namang mahal niya ako sa mas maraming pagkakataon. "Are you excited?" tanong niya sa akin. Sakay kami ngayon ng kotse niya at papunta na sa bahay nila. Napahawak ako sa leeg ko kung saan nakasuot ang kuwitas na regalo niya noong first month namin. "I'm nervous." Itinawa ko ang nerbiyos na nararamdaman ko. Humawak ang isang kamay niya sa kamay ko at pinisil niya iyon. "You don't have to be, alam mo iyan. If they will go against this relationship then they can all go to hell," pagbibiro niya na ikinatawa ko ngunit alam kong biro man iyon nang sinabi niya, seryoso naman ang nagdaan na emosyon sa kanyang mga mata. "Hey, am I ruining the mood? I'm sorry," hingi ko ng paumanhin dahil tuluyan nang naalis ang ngiti sa mga labi niya. "No, Hans. Actually, hindi lang ikaw ang natatakot. Ako man ay natatakot rin. Pero ang maipapangako ko sa'yo ay ilalaban ko ito. Kahit na kanino, kahit na saan pa ito makarating. I will fight for us." Hindi ko mapigilan ang mapangiti. He truly loves me. Agad kaming pumasok sa loob ng bahay nang makarating kami. Hawak ni Carem ang kamay ko at humigpit iyon nang mapatingin ang mga nakaupo na sa dining table pagbungad na pagbungad namin. Walang kangiti-ngiti ang parents niya. Tanging ang kapatid niyang babae na nakilala ko na ang nakangiti sa amin. Wala sa mesa ang half-brother niyang si Prado or Oliver. Prado pala ang apelyido ng ina nito na dating nakarelasyon ng congressman. "Good evening po." Ako na ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin. I nervously smiled at them all. Tumango ang ina ni Carem bilang sagot sa pagbati ko ngunit nanatiling nakatitig sa kanya ang kanyang ama. "Everyone, I'd like you to meet my boyfriend, Hans Taylor Lopez Pierce," proud na sabi ni Carem sa kabila ng malamig na pagtanggap sa amin ng parents niya. "Come and sit down, anak," salo ng ina niya sa kanya. Tahimik na pinagsaluhan namin ang inihanda nilang pagkain habang manaka-naka akong sumasagot sa mga tanong ng mommy niya tungkol sa pamilya ko. Kaunti lang ang nakain ko kahit na maraming pagkain ang inilagay ni Carem sa plato ko. "Hans," napalingon ako sa congressman. Sa unang pagkakataon kasi ay in-acknowledge niya ako. "Maaari bang iwan mo muna kami ng pamilya? You can visit and have a look at my wife's garden. Sigurado akong magugustuhan mo roon. Mayroon lang kaming pag-uusapan. Carem will join you in a while." Sinagot ko ng ngiti ang magalang na utos ng ama ni Carem. "Of course po. I'll see you later," paalam ko kay Carem. Pinisil ko ang balikat niya dahil akmang tatanggi siya sa kagustuhan ng ama. Sumunod ako sa kasambahay nilang inutusan nitong ihatid ako sa garden. Magalang itong nagpaalam nang maihatid na ako roon. Ilang sandali ko pa lang na pinagmamasdan ang mga naggagandahang mga bulaklak nang makarinig ako ng sigaw at pagkabasag ng kung ano kaya napalingon ako sa pinangagalingan kong direksiyon. Akmang maglalakad ako pabalik nang may kamay na humawak sa siko ko na kinagulat ko at muntik na ikasigaw. "It's just me, Hans." Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Prado o Oliver pala iyon. "Nandito ka pala. Bakit hindi ka kasalo sa dinner?" bati ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako imbitado." Nakakaintindi akong tumango sa kanya. "I'm sorry to hear that." I feel sad for him even if Carem and him has a rift because of me. He lives here but he wasn't considered a part of the family. Nakakalungkot iyon at iyon marahil ang dahilan kaya hindi maayos ang relasyon nila ng boyfriend ko. "You don't have to. Ilang taon na rin naman na," tila balewala niyang sagot but I could still feel his bitterness. "Kumain ka na ba?" mahinahon kong tanong kaya napatingin siya sa akin at napangiti na ikinakunot-noo ko. "You're really an angel. Hindi bagay si Carem sa'yo," wala sa loob na sabi niya. "What exactly do you mean by that?" defensive kong tanong. Tumitig naman siya sa akin. "Maniniwala ka ba sa sasabihin ko? Hindi mo ako pinagkakatiwalaan, 'di ba?" "Try me," naghahamong sagot ko sa kanya. Tumitig ulit siya sa akin pagkatapos ay malalim na huminga. "Carem is evil, Hans." Natigalgal ako sa binitawan niyang mga salita patungkol sa kapatid niya. "Noong gabing iyon, it was him who asked one of my friends to put drugs sa alak na ipinainom sa'yo." "W--what...?" "Alam ko ang plano niya noong gabing iyon. He used to do it basta may nagugustuhan siyang lalaki. Pagkatapos niya sa kanila, ipinapasa niya ang mga ito sa amin." Nalunod ang boses ni Oliver sa alaalang nanumbalik sa isipan ko. "Akala ko ba tapos ka na? Hindi ba pwedeng ako naman?" "Ngayon, alam mo nang hindi pa ako tapos. Alam na alam mo rin kung ano ang mga ayaw ko kaya wag mo nang subukang gawin ang binabalak mo." "Nobody reported what he did to them. Nariyan si Papa para bayaran sila. Of course, Papa would tolerate him. Alam niya kung gaano kabaliw ang Carem na iyon," patuloy sa pagsasalita si Oliver na waring hindi niya nakikita kung gaano ako katigalgal sa mga pinagsasasabi niya. "Fine! Hindi naman kita hinahamon, eh. Kunsabagay, kanino ba napupunta ang mga pinagsasawaan mo kundi sa akin. That's what brothers are for hindi ba, Carem?" "I thought, ikaw na ang iba. He decided to start a relationship with you, right? But then I discovered the reason kung bakit ka niya niligawan at ipinakitang seryoso siya sa'yo." "A-ano ang reason na...na iyon?" "Dahil ang isang kuya mo ang ipinagpalit sa kanya ng baklang minahal niya nang totoo." Hindi ko namalayan ang isa-isang pagdaan ng mga luha sa aking mga mata habang patuloy na nakikinig sa mga isinisiwalat niya. "Ang baklang iyon pa rin ang mahal niya at hindi ikaw, Hans. Ang totoo ay ginagamit ka lang niya para makaganti sa kapatid mo. Ang kuwintas na ito?" Halos namamanhid na ang katawan ko na hindi ko na naramdaman ang paghaplos na ginawa niya sa kuwintas na nasa leeg ko. "Hindi niya ito binili para sa'yo. Binili niya ito para kay Alexis. Alam ko dahil gabi-gabi niyang hawak ang kuwintas na ito habang naninigarilyo siya sa terrace. Matagal na niya itong nabili bago ka pa man niya nakilala." Nang makita niyang tuluyan na akong umiiyak ay malungkot siyang ngumiti sa akin. "Alam kong nagagalit ka sa mga nalaman mo, Hans. Pero bago pa tuluyan na lumalim ang ugnayan ninyo, putulin mo na ang patuloy na panggagamit niya sa'yo. Bago pa niya maisagawa ang plano niya, lumayo ka na. Alam ko iyon dahil nagpapatulong siya sa akin. Saka lang naman siya mabait kapag kailangan niya ang tulong ko. I failed in saving you that night. Alam mo ba kung bakit kita hinalikan noon? That's to show Carem that I was the first to taste you. I was expecting him to be disappointed pero mukhang na-challenge pa siya kaya tuluyan na niyang inumpisahan ang plano niya." "A--anong plano?" "Ikaw kapalit ni Alexis. Iyon ang plano ni Carem." Napatakip ako sa aking bibig para hindi ako mapahagulgol ng iyak. Hinayaan naman ako ni Oliver na ilabas ang damdamin ko. "Calm down. Mamaya ay susundan ka na ni Carem dito. Mahahalata niyang alam mo na ang lahat kapag nakita ka niyang umiiyak." Tumango ako sa kanya at pilit na pinapahinahon ang sarili ko. I took several heavy breaths to calm my nerves pagkatapos ay tumitig ako kay Oliver. "Why are you helping me?" Nag-iwas siya ng tingin sa katanungan kong iyon. "Ayokong patuloy kang magpagamit sa kanya. Ayokong sa huli ay lumabas kang nakakaawa o ginamit lang ng isang demonyong nagkatawang tao. Bata ka pa, Hans. Marami ka pang pagkakataon na itama ang mga pagkakamali mo." Napayuko ako. Nang muli akong mag-angat ng mukha ay pinilit ko ang ngumiti sa kanya. "Thanks for the warning, Oliver. Utang ko iyon sa'yo." He answered me with a simple smile bago siya naglakad papalayo. Ilang minuto palang siyang nakakaalis nang dumating si Carem. Madilim na madilim ang kanyang mukha na nagdala ng kakaibang kilabot sa akin. "I'll bring you home." Tumango lang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko siya pinigilan nang kaagad siyang umalis pagkahatid niya sa akin. Instead, nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko, inimpake ang mga importante kong gamit, at dala ang mga iyon ay umalis ako sa unit ko. Kahit malapit nang maghating-gabi ay umuwi ako sa bahay namin. Gulat na gulat ang lahat sa biglaang pagdating ko. I cried inside my mom's embrace. Hindi nila ako mapatahan and it worried them a lot. Binalak pa nila akong itakbo sa ospital ngunit mariin akong tumanggi. I asked them to call my brothers kaya kahit magmamadaling araw na ay pinauwi nila sa bahay ang mga kuya ko. Sa harap nilang lahat ay inamin ko ang lahat ng naganap sa buhay ko simula nang um-attend ako sa party. My mom cried hard at nangangalit naman sa ngitngit sina Daddy at ang dalawang Kuya ko. They were planning to attack Carem right at that moment ngunit pinigilan sila ng Daddy ko. Umamin na rin ang Kuya Cholo ko tungkol kay Alexis. He told us that he was indeed using that gay for his s****l needs, admitting to us that he is indeed a bisexual. Kuya Gab punched him ngunit hindi siya gumanti. He also apologized to me dahil nadamay ako sa kalokohan niya. In just a span of two hours ay nakapagplano na nang mabilisan ang parents ko. Dahil American citizen kaming buong pamilya, madaling nakabili ng tickets si Dad para sa aming lahat. They were also threatened dahil congressman nga ang ama ni Carem. Maaaring may gawin si Carem na laban sa amin at lalo kaming mawalan ng laban. Three hours after ay naririto na kami ngayon sa airport at naghihintay na tawagin ang flight namin. I was thankful that Carem wasn't texting or calling me dahil tiyak ko na magdududa siya kapag narinig niya ang boses kong galing sa pag-iyak. Tumayo na kaming lahat when our flight was called. My brothers guarded me na tila anumang sandali ay may darating para agawin ako sa kanila. Ngunit habang naglalakad papasok ay nagawa ko pang hanapin ang f******k account ni Oliver at magpadala ng huling pasasalamat sa kanya. I'm leaving. Thank you again for saving me. Iyan ang huli kong mensahe sa kanya bago ko dineactivate ang lahat ng social media accounts ko. Nang hindi sinasadyang napahawak ako sa leeg ko. I held on the necklace that was given by Carem during out first month as a couple. Mapait ang ngiti na hinigt ko iyon kahit na magkasugat ako sa leeg. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din ang mga kapatid ko. Sabay-sabay kaming napatitig sa kuwintas na hawak ko. Lumingon ako sa paligid at nang makita ko ang hinahanap ko ay naglakad ako patungo roon. Nakamasid lang ang buong pamilya ko sa ginagawa ko. Isang huling tingin ang iginawad ko sa kuwintas bago ko ito ibinato sa basurahan. Pagtalikod ko rito ay isang pagpapaalam ang ginawa ko. Good bye, Carem. .... 5 Years later... Itinaas ko ang diplomang hawak ko as my family and special someone cheered for me. Naglakad ako patungo sa kanila. Each of them has that jubilant smile. They were all so proud of me. "Congratulations, bunso! You've finally made it," bati sa akin ni Mommy na pagkatapos akong yakapin ay pinanggigilan nito ng mga halik ang magkabilang pisngi ko. "Mom!" pagrereklamo ko sa kanya. Nagtawanan tuloy ang lahat sa tonong ginamit ko. My dad and my brothers gave me hugs, too. And then I walked towards the tall man smiling at me. "Hi," I shyly greeted him. "Hi," Sagot naman niya. His eyes were beaming of so much love na alam kong para sa akin. Iniangat niya ang mga braso niya at walang pagdadalawang-isip na pumasok ako roon payakap sa kanya. "I missed you," bulong niyang nagpangiti sa akin. Kaya imbes na sagutin siya ay tumingkayad ako para halikan ang mga labi niya. "I miss you so much... Oliver." Matamis ang naging pagngiti niya dahil sa malambing kong pagtawag sa kanyang pangalan. You guessed it right. Ang taong nagmamay-ari ng puso ko ay ang taong totoong nagligtas sa buhay ko. Siya ang tunay na hero ko. As we held hand while watching the other graduates receive their diploma, nanumbalik ang alaala ko sa nakaraan. Three days pa lang namin sa States nang mabalitaan naming ikinulong nila si Carem dahil sa pagtatangka nitong pagkidnap sa pinsan kong si Cheska. I understood why he did that. Iyon siguro ang naisip niyang dahilan para palabasin ako sa pinagtataguan ko. Three months later ay sa Mental institution naman siya ipinasok. Last time I heard ay magaling na siya sa tulong ni Alexis. Tanggap na rin ng parents niya ang relasyon nila. Iyon pala ang totoong rason kung bakit pumatol si Alexis sa kuya Cholo ko. Carem's family couldn't accept their relationship. Three years ago naman nang muli akong magbalik sa social media. I was so shocked when I received Oliver's message. According to him halos dalawang taon na hinanap niya ako sa lahat ng social media sites. Sa pamamagitan niyon ay lubos naming nakilala ang isa't isa. Ilang ulit na rin siyang dumadalaw sa akin dito sa States and last year, naging official na ang relasyon naming dalawa. I realized through those events that happened to me na totoo ang kasabihan. Lalabas at lalabas kung sino talaga ang totoong bayani sa buhay natin sa pagdating ng tamang panahon. I'm glad at natagpuan ko ang totoong hero ko noong gabing iyon. But don't get me wrong. Minahal ko si Oliver not because he was my real hero. Minahal ko siya sa hindi ko rin malamang dahilan. And that's how people love, 'di ba? Madalas, walang dahilan. Magigising ka na lang isang araw na mahal mo na 'yung taong dahilan ng pagngiti, pag-iyak at pagtawa mo. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Oliver and I smiled nang maramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Our love story didn't start as easy as it could be, but I'm just glad that it ended happily. -- The End --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD