My Boyfriend's Secret 2

2022 Words
"What happened, Hans?" seryosong tanong sa akin ni Cheska. Nanlalamig pa rin ang buong katawan ko kahit na maraming bahagi ko ang namamaga at nanhahapdi. "I... Don't remember," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. They found me that morning sa isang silid sa mansiyon ng congressman. Hubad. Ginising nila ako at nang puwersahin nila akong patayuin, I fell on my knees. Halos masuka ako right there and then when I felt how sore my back part was. Cheska was panicking kaya tumulong na rin siya sa pagbibihis sa akin. My knees were trembling kaya tumulong na rin ang boyfriend niya para alalayan akong maglakad hanggang sa maipasok na nila ako sa sasakyan. At ngayon nga ay naririto na kami sa harap ng building kung nasaan ang condo ko. "You don't remember who you f****d last night?!" may halong gigil niyang tanong. Yumuko ako at umiling sa kanya. "No." "s**t!" sagot niya sa sinabi ko. "Baka bigla na lang may magpakitang buntis na babae sa bahay ninyo dahil sa kalokohan mo! Did you even use protection last night?" may halong paninisi niyang sabi. At dahil sa galit niya, hindi ko na nasabi pa ang hinala kong nangyari sa akin. When I woke up, Wala akong maalala mula sa nangyari sa akin kagabi. Ang huling naaalala ko ay nang magpunta ako sa cr. "Besides, I need to call Carem." Malakas siyang napabuntong-hininga. "Sinong Carem?" nangingimi kong tanong. "Well, si Carem lang naman iyong isang anak ni Congressman na inigawan mo ng kuwarto kagabi," sarkastikong sagot niya. "I'm sorry," nahihiya kong sabi. I heard her sigh once again. "I think I owe you an apology as well, Hans," mahinahon na niyang sabi kaya muli akong napatingin sa kanya. "Iniwan kita kagabi nang mahilo ako. Dinala ako ni Marvin sa isang kuwarto at nakatulog ako nang 'di sinasadya. Nang magising ako ay umaga na at ikaw ang unang hinanap ko." "Cheska, can we keep what happened as our secret? Ayokong malaman ng pamilya ko ang nangyari." Iyon ang isa pang ipinag-aalala ko. Baka hindi ko na magawang ilipat sa closet mula sa mga maleta ang mga damit ko dahil pauwiin ako agad ni Mommy kapag nalaman niya ang nangyari. "Of course. Alam kong sisisihin nila ako so bakit ko ipapaalam, 'di ba? Anyway, kaya mo na bang pumunta sa unit mo na mag-isa? It seems na hinang-hina ka. First time mo ba kagabi?" Sobrang namula at nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Yes," hiyang-hiya kong sabi na nginisihan niya. "If there's one good thing na nangyari kagabi, iyon ay ang pagkawala ng virginity mo!" Lalong tila nasusunog na ng init na bumabalot sa akin ang buong katawan ko dahil sa sinabi niyang iyon. "I sh--should go now." Kaagad ko nang binuksan ang pintuan ng kotse but as I moved my body, as if a lightning hit me hard. My whole body throbbed centering at my body's hidden spot. My heart palpitated. Nanuyo rin ang lalamunan ko. My body was telling me what happened last night but my mind refused to accept it. No way. There's no way that I've let someone f**k me in the... Ass. Kung kanina ay tila lalagnatin ako sa init ng buong katawan ko, ngayon naman ay tila may yelong gumagapang sa katawan ko. I swallowed hard and forced my self to stand up straight. Napahawak ako sa may bewang ko. There was a raw pain at my back side. Maingat akong naglakad papasok sa building. Napapatigil ako saglit sa tuwing nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad ako. Pinagpapawisan na ako nang malapot nang makarating ako sa loob ng elevator. Sumandal ako sa pader nito as it went up. Mabuti na lang at mag-isa lang ako sa loob nito. Halos sa pader na ng building ako kumakapit at kumukuha ng lakas habang naglalakad ako papunta sa unit ko. I scanned my finger and the door opened. I literally jumped inside na tila mapo-protektahan ako nito sa mga demonyong umaaligid sa akin. Kaagad akong nanghina when I was inside my safe place. Napaupo ako sa sahig ngunit kaagad kong iniangat ang pang-upo ko when it throbbed painfully. Ilang beses akong napalunok. Hindi maproseso at hindi matanggap ng isipan ko na may pumasok sa akin doon. And the biggest question is who did it to me? Nang kaya na ng katawan ko ay pinilit ko na ang tumayo. Pumasok ako sa kuwarto ko and took a shower. I hissed when the water hit my body. Napayuko ako sa sarili ko at muli akong pinanginigan ng mga tuhod nang makita ko ang kalat na kiss marks sa buong dibdib ko. Namumula ang mga iyon. Ang iba ay halatang kinagat at sinipsip. Damn! Was I... Raped? With that thought, my hand seemed to have a mind of its own. Pumunta iyon sa likuran ko and touched the part which was painfully throbbing. And I realized the truth no matter how much I deny it: I was thoroughly f****d in the ass. Tuluyang nanghina ang buong katawan ko at napasalampak ako sa sahig ng banyo habang patuloy na bumabagsak ang tubig mula sa shower. ... Magang-maga hindi na lang ang buong katawan ko kundi maging ang buong mukha ko. Kagagaling ko lang sa mahaba-habang pag-iyak kanina sa banyo. Tumigil lang ako nang dama ko na ang lubos kong panghihina. Ni hindi ko na nagawang magbihis pa. Basta na lang akong nahiga at muli na namang napaiyak hanggang sa makatulog ako. My blaring phone woke me up. Halos apat na oras pala akong nakatulog. I looked for my phone and saw that it was my mom who was calling. "Mommy," sagot ko sa tawag niya. "Bakit ganyan ang boses mo?" agad niyang tanong. Minamalat na kasi ako sa kaiiyak kanina. "I just woke up, Mom," apologetic kong sabi sa kanya. "Napuyat ka ba kagabi kaya kagigising mo lang?" may halong paninita niyang tanong. "Um, naninibago lang po ako sa lugar, Mommy." There's no way I'm gonna tell her that I went partying last night. "Oh, baby. You surely miss home kaya ganyan. Gusto mo bang ipakuha kita kay Richard o sa Kuya Gab mo?" tanong niya. Kuya Richard is our family driver and Kuya Gab is my eldest brother. "Wag na po, Mommy. Masasanay rin ako sa pagdaan ng mga araw." "O bueno, kumain ka na ba? Anong kinain mo? Puno 'yung ref mo at cupboard ng mga na-grocery natin last Tuesday," she informed me as if I didn't know. "Ako na po ang bahala. I can manage, Mom. Please, stop worrying." Nakonsensiya ako sa sinabi kong iyon. Bigla na lang na pumasok sa isipan ko na kung nasa bahay pa namin sana ako, hindi ako papayagang sumama kay Cheska sa party na iyon at hindi mangyayari ang isang bagay na never kong inisip na mangyayari sa akin. Pero narito na ako at nangyari na ang bagay na iyon sa akin. Kahit pagsisihan ko pa, hindi na niyon maibabalik ang nangyari na. After ng ilang bilin ni Mommy, nagpaalam na siya sa akin. Bumangon na rin ako at nagbihis. At kahit nananakit pa ang buong katawan ko at nagluto ako ng dinner ko. Habang kumakain ay inisip kong kalimutan na lang ang nangyari and just charge it to experience. Nothing will happen if I'll just torture my self with negative thoughts. Made-depress lang ako at mawawalan ng focus. Sigurado rin akong kung sino man ang lalaking gumawa sa akin niyon ay hindi ipapaalam kahit kanino ang nangyari sa aming dalawa. Mas mapapahiya siya kesa sa akin dahil una, pinagsamantalahan niya ang kalasingan at kahinaan ko at ikalawa, maraming lalaki ang ikahihiyang malaman ng iba na nakipag-s*x sila sa kapwa nila. Tama. Iyon ang pinakatama kong gawin. Kakalimutan ko na lang ang nangyari and move on with my life. Iisipin ko na lang na nabugbog ako at nanakawan. ... I parked the car given to me by my dad sa isang bakanteng espasyo. Inabot ko muna ang backpack ko at saka ako bumaba mula sa sasakyan. It's a good thing na kahit may masama akong pinagdaanan noong nakaraan, my mind is still focus on my studies. Pumasok ako sa mga klase ko as if nothing bad happened to me. I concentrated on my lessons and assignments. Medyo aloof din ako sa mga kaklase ko kaya wala akong naging kalapit agad. Isang hapon habang papalapit ako sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ko, naramdaman kong may mga matang naka-focus sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at napasulyap sa mga estudyanteng naroroon. I was trying to look for those burning eyes na nagpapadama sa akin ng kakaiba. A group of male students were looking at me. Napalunok ako when I saw some of them smirking na tila kilalang-kilala nila ako. Kaagad akong tumalikod sa kanila para lang maestatwa sa kinatatayuan ko. Napatingala ako hanggang sa magsalubong ang mga mata namin ng matangkad na lalaking nasa harapan ko. Bakit pakiramdam ko ay nangyari na ang eksenang ito sa aming dalawa? Yumuko siya sa akin at itinapat ang bibig niya sa may tenga ko. "Your lips were the sweetest lips that I've ever kissed." Nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan ko hindi dahil sa mainit na hininga niyang humaplos sa leeg ko kung hindi dahil sa sinabi niya. Nakangisi niyang pinapanuod ang panlalaki ng mga mata kong nakatitig sa kawalan. Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang umangat ang isang kamay niya para hawakan ang gilid ng mukha ko. His thumb carressed my face. "Would you like to continue what we've started? Nasa tagong bahagi ng campus ang kotse ko. Pwede tayo sa likod. All you have to do is bend your ass at ako na ang bahala." Prinoproseso pa rin ng utak ko ang sinabi niya nang walang anu-ano'y inakbayan niya ako at pilit na hinihila papunta sa ibang direksiyon. Saka lang ako nagising sa pagkatulala ko. "No!" sigaw ko sa kanya at saka ako nagpumiglas. Humigpit naman ang pagkakaakbay niya sa akin. "Bakit ka pa tumatanggi? 'Di ba at enjoy na enjoy ka sa paghahalikan natin noong gabing iyon? It's just disappointing na hindi ako 'yung..." "Prado!" Natigilan siya sa sinasabi niya nang marinig namin ang boses na iyon. Pareho kaming napatingin sa lalaking nakatayo na sa harapan namin. Kung matangkad ang lalaking nakaakbay sa akin, mas matangkad ang lalaking ito. Mas malaki rin ang kanyang katawan at mas nakakatakot ang kanyang mukha lalo na at tila galit ito at nagbabanta. Naramdaman kong pinakawalan ako ng lalaking Prado ang pangalan. Isang sulyap muna ang ginawa ko sa kanya bago ako humakbang palayo, palapit sa lalaking nagligtas sa akin mula sa kapahamakan. Nakita kong napakamot sa buhok niya si Prado habang puno ng panghihinayang ang kanyang mukha. "Akala ko ba tapos ka na? Hindi ba pwedeng ako naman?" tila iritado nitong tanong sa lalaking nasa tabi ko. "Ngayon, alam mo nang hindi pa ako tapos. Alam na alam mo rin kung ano ang mga ayaw ko kaya wag mo nang subukang gawin ang binabalak mo." Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila dahil hindi ko maintindihan ang mga mensaheng nais nilang iparating sa isa't isa. Muli akong napasulyap kay Prado nang muli itong magsalita. "Fine! Hindi naman kita hinahamon, eh. Kunsabagay, kanino ba napupunta ang mga pinagsasawaan mo kundi sa akin. That's what brothers are for hindi ba, Carem?" nanunuya nitong sabi bago nito ako tinapunan ng malagkit na tingin bago niya kami tuluyang tinalikuran. Nanlaki naman ang mga mata kong napatingin sa katabi ko dahil sa mga impormasyong nalaman ko. Magkapatid sila at ito si Carem! Siya 'yung sinasabi ni Cheska na inagawan ko ng kuwarto noong gabing... Noong gabing... At 'yung palitan nila ng usapan kanina. Ako ba ang tinutukoy nila? Napahawak ako sa noo ko as my body swayed. Maagap namang pumalibot sa katawan ko ang braso ng lalaki upang hindi ako tuluyang mapaupo sa semento. "Are you, okay?" Napatitig ako sa mukha niyang malapit na malapit sa akin. Pakiramdam ko ay may nananakal sa aking malamig na kamay. "Ikaw... Ikaw ba... Ang... ang lalaking...?" paputol-putol kong tanong. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay nang tumango siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD