Chapter 1

2022 Words
Dimn POV Tumakas ako ngayon sa Academy. Well, hindi na to bago sa akin dahil madalas ko tong gawin. Nagtago ako sa shadow ng puno ng may maramdaman akong presence. May naligaw na naman bang mortal dito sa loob ng gubat? "Grrrrr..." Wolf? Blood? Mukang may nabiktima na naman ang hayop na to. Agad kong pinatay ang wolf bago niya tuluyang patayin ang babaeng duguang nakahiga sa lupa. She's so beautiful. Agad ko siyang nilapitan ng mapansing nahinga pa ito. Impressive, despite of her wounds she's still breathing. No ordinary mortal can do this. Omg! Sabi na. May power siya. I can feel it. Agad kong kinontrol ang shadow niya para dalhin sa Academy. Ipagpapaliban ko na lang muna ang pagtakas ko. Aiza POV (jas mom) "I said leave this place!!" Sigaw ko. Agad nanlambot ang tuhod ko pag kaalis niya. That's it. I made her cry. Its all for her own good. "Why do you need to protect her?" Agad nanlamig ang katawan ko ng marinig ko ang mala demonyong boses ng isang lalaki. "K-king..." Gulat kong sabi. "Don't worry.. she's safe." Agad nanlaki ang mata ko ng marinig yon. "What do you mean?" I ask. "Sapphire Academy." He answer. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya ngunit may pag dududa. Bakit naman ako magtitiwala sa pinagsasabi ng isang demonyo? "You won for now..." He said coldly "You ask me why do i keep on protecting her... Because she's the one who will end this and protecting her is my queens last order." I answer at agad na sinuntok siya ngunit agad niya din yong inilagan. "What can i expect from the loyal one?" He said smirking. Agad nanlabo ang paningin ko. Shit! He poisoned me. "Bring her.." he said and everything went black. Jas POV Nag mulat ako ng mata at unang bumungad sa akin ang puting kisame. Nasaan ako? Pumikit ulit ako at pinakiramdaman ang paligid. "Mabuti naman at gising ka na iha." Nagmulat ako ng mata at bumungad ang babaeng mukang nasa edad 30s na. "Nasa hospital ka ngayon ng academy. Mabuti nga at naagapan ka agad kung hindi..." Sabi nito. Akala ko patay na ko. Ang malas ko naman ata talaga? Yun na lang yung gusto kong mangyari pinagdamot pa. "Hindi ka enroll sa academy na to? Kailangan mong pumunta sa dean office para dito." Sabi ng nurse sa akin. Tinitigan ko lamang ang isang envelope at map na hawak niya. "Kailangan mo gawin to." She said smiling. Kinuha ko na lang ito at walang pasabing lumabas ng hospital. Is this really an academy? Wala akong edeya na may nag eexist na ganto kagandang skwelahan. Agad akong dumaretso sa deans office sa tulong ng mapa. Kumatok ako ng dalawang beses at agad pumasok sa loob. Mas malaki pa ang office niya kaysa sa kwarto ko. "Ohh.. hello.. sit down Ms." Tumingin ako sa babaeng nasa mukang mid 40s. Eto na ata yung dean. Naupo ako at inabot ang envelope sa kanya. Nakapangalan kasi ito sa dean kaya inabot ko. Binasa niya agad ang laman ng envelope bago tumingin sa akin. "Im glad your fine. By the way.. may i know your name?" She ask. "Why would i?" Tanong ko. Ngumiti siya at inayos ang kanyang salamin. "Of course you need to. We can't let a stranger enter here without their identity." She answer. She has a point. "Im Jammaica Ace Sy." I answer. Ngumiti siya at sinulat ito sa isang papel? "Great.. Ms. Padilla found you at the forest and she already reported to me. Do you know your power?" She ask again. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Power? What kind of power is she talking about? "Base on your expression. Hindi mo pa alam. Don't worry, some of the students here also experienced that. Mapag aaralan din natin yan." She answer. Hindi ako umimik at hinayaan siya magsalita. "But since you have power. You need to enroll here." She smiles at me at may inabot a susi. Dorm key? To start a new life huh? Di bale.. Kinuha ko ang susi at nagpaalam na. 'welcome and welcome back to sapphire academy!' 'welcome and welcome back to sapphire academy!' So first day pala ngayon? Teka ano pang araw na? Tiningnan ko ang phone ko, saturday. Nagdaretso na lang ako sa dorm na tutuluyan ko. Malaki ang dorm at mabuti na lamang at may mga bagong damit na nakalagay pati school uniform. Tinanggal ko ang palda at blouse ko kaya sando at short na lamang ang natira. Tuyo na ang dugo sa uniform ko. Maliligo na lang ako mamaya. Galing na din ang mga sugat ko. What do i expect from this school? Not ordinary place. Bigla kong naalala ang binigay ni Snow sa akin kaya hinanap ko yon sa bulsa ng palda ko. Mabuti naman at hindi yon nawala. Dear Jas, Im so sorry for leaving you without proper goodbye. Maybe because if i do, i won't be able to handle it. Your my bestfriend and i don't want to leave you but i have to. I have my own reason for leaving and i know you will never understand. But i hope we see each other again and by that time, i hope you still consider me as your bestfriend. Im really sorry and thank you! I love you bess! Sincerely, Snow flakes Agad bumagsak ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat na yon. Kinuha ko ang necklace sa box at pinagmasdan ito. Silver necklace na may pendant na Snow flakes. Nilagay ko yon ulit sa may box. Hindi ako makapaniwala. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa nangyari noong araw na yon. Meron pa pala. Iniwan ako ng boyfriend ko, pinalayas ako ng mommy ko at ngayon malalaman ko na iniwan din ako ng bestfriend ko. Sobrang sakit lang. Ayoko ng masaktan ulit. ~first day of school~ Maaga akong nagising kaya napagpasyahan kong libutin na lang muna ang Academy. Sobrang lawak ng school, tiyak na maliligaw ka. Madami na akong studyante na nakakasabay matapos kong uliin ang halos wala pang kalahating lugar ng academy. Iba't iba ang kulay ng uniform na suot namin. Binasa ko to sa manual kanina. Violet for beginners Green for low students Red for normal students Blue for High students Black for Special students Tss.. discrimination. Nakadepende sa points mo kung anong klaseng student ka at kung sa ang section ka mapapa bilang. As of now, Kulay violet ang uniform ko dahil bago pa lang ako. Malalaman ko lang kung saan ako mapapa bilang sa susunod na leveling.. Tiningnan ko ang relo ko. 7:15. Late na ko. Nag punta na ako sa classroom ko at walang pasabing pumasok. Napapikit ako ng mariin ng makitang may Teacher na sa unahan. "Why are you late?" He ask. "Tss.." nag daretso ako sa isang bakanteng upuan. Nakangagang tumingin sakin ang mga studyante at pati guro sa harap. "Hayy.. beginners." Sabi ng guro at hinayaan na lamang ako. "Introduction tayo." Sabi nito. "Sir walang tayo!" Sigaw ko para agawin ang atensiyon niya. Ayoko ng introduction,ang boring. Hinampas niya ng malakas ang lamesa sa harap at gulat na gulat ang mga studyante ng masira ito. Gusto ko sana humanga kaso wag na lang. "Follow me miss.." he said angrily. Mukang makakapag skip pa nga ng class.. Pumasok ako sa isang madilim na kwarto. Nanghihigop daw to ng enerhiya. Ewan ko lang. And yes! I choose to be bad. Ayoko ng magpatuloy pa sa pagiging mabait. Ako lang yung nasasaktan. ~after 2 hours~ Nagising ako ng marinig kong nagbukas na ang pintuan. "Pwede ka ng lumabas." Sagot ng isang studyanteng may kulay pulang uniform. Sakto namang break time kaya nag daretso ako sa Cafeteria. "Hey b***h!" Napaharap ako sa taong nag salita non. She's bullying someone. Naka kulay black siyang uniform at kulay green naman sa kanyang binubully. Tss.. kahit dito meron nito? And really unfair life.. kapag mataas ka malaya mong apak apakan yung mas mababa sayo. Ano bang mapapala nila dito? Tss. Wala man lang umaawat. "Hindi niyo man lang ba tutulungan kaibigan niyo?" Tanong ko sa dalawang babae na umiiyak. "Its no use." Saad ng isa. Tss.. anong klaseng kaibigan ka? Humakbang ako palapit sa nangyayari. "Wait, anong gagawin mo?" Saan ng isa. "Me? Get your friend out of this mess that you can't even do." Malamig kong sabi. "Hey!!" Malamig kong sabi sa babaeng naka black uniform. Humarap siya sa akin at mataray akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "New?" She ask. "Obviously" i said. Binitawan niya ang babae at lumapit sa akin. "Ang kapal ng muka. If you are planning to be a hero bakit hindi mo na lang kuhanin yung mga mission ng ibang student ng may silbi ka naman?" Mataray nitong sabi. Sarili ba niya pinapatamaan niya? "I heard students wearing black uniform are special? Paano ka naging special? Ahh.. wait.. instead of bullying why don't you help those student who are doing mission? Para naman mapatunayan mo na special ka talaga." I said. Masama niya akong tiningnan. She started to look into my eyes at ginaya ko lang din siya. Gusto niya makipag titigan? Game ako. "Impossible" she mumble. Tumaas ang kilay ko. "Are you done?" I ask. Lalapitan pa sana niya ako ng biglang may humila sa kanya palabas. They are also wearing black uniform. "We are really sorry about my friend. Don't worry, we will make sure to learn her lessons." A girl bow at me before running. Tss, muka namang may ilan sa kanila ang may desiplina. Lumapit ako sa babaeng binully at tinitigan ito. She's looking at me like she wanted to say something, before she could speak, hinila siya ng mga kaibigan niya para lumabas ng cafe. "Ugh.. ang tense." Rinig kong bulong ng isa. Nagpunta na lamang ako sa counter para bumili ng pagkain. Matapos ng klase ay nag punta ako sa dorm ko para magpahinga. Kahit anong pilit ko makatulog, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako makatulog. "Dear.." "Dear.." I open my eyes. Who? Naupo ako sa kama at hinanda ang sarili. "Dear.." a strong wind suddenly came. "Who are you?" I coldly say. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Nagmulat ako ng mata at na kita ko ang isang napaka gandang babae, ang puting gown at napakahabang kulay silver nitong buhok ay katamtamang tinatangay ng hangin kahit napakalakas ng hangin sa paligid, kakaiba din ang kanyang itsura at mas umaagaw pansin ang pag glow ng kanyang sarili. "Who are you?" I ask again. "Im sorry. I haven't introduce my self to you earlier. I am Alizeh, God of wind" she said smiling. Ngumiwi ako. Obviously, Alizeh means the wind in Persian origin. "Who named you that?" I ask. "No one." She answer. No one? Is she kidding me. Meron ba non, magkakapangalan ka ng walang nagbibigay sayo? . Isa pa ang corny ng name. "Im sorry.. but i can read your mind. Don't judge my name Jammaica Ace Sy. Names are just names. It doesn't affect who you truly are." She said. Well, she's right. May pangalan nga na bobet ang name sa mortal e tapos milyonaryo pala. Tapos yung isa Crystal abegail pangalan pero magnanakaw pala. Tss.. "But your name.. names are important because it is part of our identity. It gives us sense of who we are, and our place in the world." I said. She stop and her smile vanished. "Jammaica.. do you wanna learn magic?" She said after a minute. "Magic.? Yeah, of course." I answer. "If you wanna learn it.. do you trust me?" Huh? Ano bang pinasasabi niya? "Yes or no." Tinitigan ko siyang mabuti. She's smiling at me like she's telling me to trust her. Inabot niya ang kamay sa akin, hinihintay ang sagot ko. I sigh. I reach for her hand. "Yes" Then suddenly, the wind grow stronger and stronger, biglang lumiwanag na kinapikit ko. Para akong tinatangay ng tornado, yung nasa gitna ako. Ang putek! Feeling ko ito ikakamatay ko. "You can open your eyes." I heard Alizeh. I slowly open my eyes to adjust pero nanlaki ang mata ko kung nasaan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD