Chapter 6 - Nice to meet you

1875 Words
Chapter 6 - Nice to meet you   Kalina’s POV “Anong mayroon?” tanong ko kay mama nang madatnan kong maraming tao sa loob ng mansyon. Sinalubong niya ako ng ngiti at saka niya ako hinila papalapit sa babaeng kausap niya kanina. “Kalina, siya si Lopez—ang mag-aayos ng debut mo.” Nakipagkamay sa akin ‘yung babae at nginitian ko naman siya. “Oh, nice to meet you, Kalina. Ang ganda mo naman pala,” bati pa niya kaya natuwa ako. “Thank you po,” sagot ko. Hinayaan ko na muna silang mag-usap ni mama dahil mag-aalmusal muna ako. Today is saturday kaya walang pasok. Ang gusto ko lang gawin maghapon ay humiga sa kama ko o kung 'di naman ay mamalagi lang sa aming hardin. Simula kasi nang tumira kami dito ay gustong-gusto ko nang pumupunta sa hardin namin. ‘Yun na ang pinakapaborito kong place dito sa mansyon namin. Ang pamamahinga na inaasam ko ay kabaliktaran pala nang gusto kong mangyari ngayong araw. Pagod kasi ang inabot ko sa sari-saring tao na kumakausap sa akin para sa plano sa darating kong birthday. Sinukatan nila ako ng mga gown, inayos ang mga invitation at kung anu-ano pa na dapat ayusin. Maghapon ‘yun kaya tumba agad ako pagsapit ng gabi. Linggo ng umaga ay maaga akong gumising. Nag-jogging ako dahil nasa mood akong mag-exercise ngayong araw. Puro stress ang inabot ko noong nakaraan linggo kaya gusto kong magpa-fresh para makabawi naman ako sa katawan ko. Ang sarap ng simoy ng hangin ng umagang ‘yun. Amoy na amoy ko ang mga bulaklak na umaalingasaw sa buong paligid. Ang sarap din sa pakiramdam ng tahimik at walang ingay sa paligid. Ang saya lang talaga at malayo ang mansyon namin sa kumpulan ng bahay dito sa bayan ng Chestara. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ako napapagod kahit malayo na ang narating ko. Ang saya sa pakiramdam na pinagpapawisan ka, pero dahil malakas ang simoy ng hangin ay agad itong natutuyo kaya hindi ako naiirita. Ang good mood na dala-dala ko nang umagang ‘yun ay nawala bigla nang matanaw ko sa ilalim ng malaking puno si Clement Dadonza. Nakasandal ‘to sa puno habang nakapamewang na tila ba inaabangan talaga ako. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Pinaramdam ko sa kanya na tila wala akong nakita. Diba’t ‘yun naman ang gusto niya. Ang tahimik at walang gumugulo sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niya akong hinarang. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano ba?!” inis kong bungad sa kanya. “Bakit ba ang sungit-sungit mo?” asik niya. Inirapan ko siya at akmang lalayasan ko na sana ulit nang bigla niya akong dinala sa tuktok ng punong kinatatayuan namin kaya napasigaw ako dahil nalula ako ng bongga. “What the hell?!” sigaw ko habang buhat-buhat ako ng isang malaking sanga na alam kong kagagawan ng kapangyarihan niya. “Bakit ba ginagamit mo ang pagka-witch mo para manggulo ng tao.” Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Nadulas ako. Patay! Hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yun. Ang buong alam niya nga pala ay nabura niya sa isip ko ang mga binulgar niyang sikreto sa akin. Nag-iba bigla ang timpla ng mukha niya. “P-paano mo nalaman ang tungkol diyan?” gulat na gulat niyang tanong. Ngayon ay seryoso na siya. Dahil nasabi ko rin naman na ay wala na akong dapat na itago pa. Siguro, oras na para malaman naman niya ang tungkol sa akin. “Kilala mo ba si Eldridge Flower?” tanong ko sa kanya. “Oo, kaibigan ko siya. Teka, siya ba ang nagsabi sa ‘yo?” inis niyang tanong na tila nagalit pa ata sa kuya ko. “Hindi. Makinig ka muna kasi,” sabi ko. “Okay.” Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalitang muli. “Kapatid ko siya. So, ibig sabihin ay hindi tatalab sa akin ang pagbura mo ng alaala ko sa mga sikretong binulgar mo sa akin ang isang araw. Hindi ako basta tao lamang, may kapangyarihan din ako. Pero sa ngayon ay wala pa.” Halos napanganga siya sa mga sinabi ko. Tila nawala ang mapang-asar niyang mukha at talaga namang natameme siya. Okay na rin siguro na nangyari 'to para hindi na siya mambuska pa. “K-kapatid ka niya?” Hindi siya makapaniwala sa akin. “Yes!” agad kong sagot. Bigla niya akong ibinaba sa lupa nang sabihin ko 'yun. Doon ay normal na siyang nakipag-usap sa akin. “I’m sorry for everything. Hindi ko naman inaakala na isa ka palang Flower. Kaya naman pala madalas ka rito ay dahil diyan lang kayo nakatira. Anyway, I hope na hindi mo ilabas sa iba ang sikreto ko,” seryoso niyang sabi kaya medyo nawala na ang inis ko. Oras na siguro para ako naman ang mambuska. “Sure, basta huwag mo lang akong bu-buwisitin dahil sa isang iglap lang ay ipapasabog ko ang sikreto mo!” Ngayon ay ako naman ang natatawa. “Fine!” maikli niyang sagot pero ramdam ko ang inis niya. Naupo siya bigla sa ilalim ng puno at saka kumunot ang noo. Impyernes, mas lalo siyang guwapo sa ganoong asta. Nawala na talaga ang angas niya. “May tanong ako,” saad ko at saka ako tumabi sa kaniya. “Ano?” Tumingin siya ng seryoso sa akin. Medyo nailang tuloy ako. “Gaano ba kasama ang mga black witch?” Ngayon ay parehas na kaming seryoso. Walang asaran, walang tawanan at normal na ang tono nang mga pananalita namin. “Sobrang sama! Marami silang kasalanan sa amin. Napakadami na nilang pinaslang at ilan na roon ang miyembro ng pamilya ko,” sagot niya na sa tono nang pananalita ay ramdam ko ang galit sa mga ito. Tama nga si Kuya Eldridge, ka away din nila ang mga black witch. Sa tingin ko ay kailangan kong makipag-kaibigan kay Clement, dahil balang-araw ay mukhang makakatulong siya para mailigtas ko sina lolo at lola. “Sila ang dahilan kung bakit nawala ang lolo at lola ko,” sambit ko sa kanya ngunit hindi na siya nagulat. Marahil ay nabanggit na siguro sa kaniya ‘yun ni Kuya Eldridge. “Nasabi na ‘yan ng kuya mo sa akin,” sagot niya. “So, kung Flower ka, anong kapangyarihan mo?” bigla niyang tanong. “Wala pa, pero sa susunod na linggo ay lalabas na iyon,” sagot ko. Tumayo ako at saka humarap sa kanya. Ngayon ay seryoso na akong makikipag-kilala sa kaniya para good na good na talaga kaming dalawa. Humarap ako nang maayos sa kanya. “Gusto kong makipag kilala nang maayos sa’yo. Yung walang halong biro,” saad ko. “I’m Kalina Flower! Nice to meet you, Clement Dadonza,” saad ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Hihinga-hinga ako. Sana hindi ako mapahiya sa kanya. Sana tanggapin niya ang kamay ko. Bigla siyang tumayo kaya nagulat ako. Tinanggap niya ang kamay ko kaya natuwa na rin ako. “Nice to meet you rin, Kalina,” saad niya at for the first time ay nginitian niya ako. Inaamin ko, sobrang guwapo nga niya. Lalo na sa malapitan. “Mas okay pala kapag seryoso tayo e,” saad ko kaya natawa siya. “Sana all seryoso,” biro pa niya kaya ako naman ang natawa. Buwisit talaga ‘tong si Clement e, hindi na nawala ang pagpapatawa niya. “Bakit? Wala ka bang jowa at nasabi mo ‘yan?” nabigla ako. Bakit ba ‘yun ang natanong ko. Baka mamaya niyan ay iba ang maisip niya. “Bakit mo tinatanong? Interesado ka ba?” Sabi na eh. Ito na naman tuloy kami sa dating gawi. Asaran na naman. “Ang kapal ng mukha mo! Diyan ka na nga at tumitirik na ang araw. Uuwi na ako at umiinit na rito.” Nilayasan ko na siya para matigil na siya at baka masura na naman ako sa kanya. “For you information, NGSB ako!” sigaw niya kaya natawa na naman ako. Seryoso ba siya? No girlfriend since birth siya sa lagay na ‘yon? Sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya ay wala manlang siyang nagiging kasintahan? Kawawa. Pag uwi ko sa mansyon ay nakasalubong ko si papa. Seryoso ang tingin niya sa akin na para bang may kasalanan ako. Bigla akong kinabahan. May mali ba akong nagawa? Pilit kong iniisip ang maling nagawa ko, pero wala akong maalala. “M-may problema po ba?” natatakot kong tanong sa kanya. “Wala naman. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nililihim mo pa rin sa amin ang kulay ng mata mo? Please, sabihin mo na, kalina,” ani papa kaya bigla akong nag-ihit sa kakatawa sa kanya. Akala ko kung ano na e. Excited na talaga sila. “Odin, hayaan mo na si Kalina. Ang mahalaga ay may kulay na. Hayaan na lang natin na sa mismong birthday niya sa atin ‘yun sabihin,” saway ni pama kaya sumibangot si Papa. “Ilang araw na lang naman po, papa, kalma lang po kayo at malalaman niyo na rin naman, soon,” sagot ko habang umiinom ng tubig na inabot ni mama sa akin. “Excited na talaga ako sa magiging powers mo, Ate Kalina,” wika ni Guzman na yumakap pa sa akin. Napaka-sweet na bata. “Ako rin, baby,” sagot ko sa kanya at saka ko siya hinalikan sa magkabila niyang pisngi. Mayamaya ay biglang dumating si Kuya Eldridge. “Nag-usap kayo ni Clement?”  Agad naman ata niyang naiparating kay kuya ang napag-usapan namin. Ang daldal din ni Clement. “Oo, nakita ko siya kanina habang nagjo-jogging ako. Inamin ko na sa kanya ang lahat. Hindi naman siya nagalit dahil kapatid naman daw kita. Marami siyang sinabi sa akin ng tungkol sainyo kaya alam niyang safe rin daw sa aking ang sikreto niya. Pero, dont worry, good naman na kami. Maayos na akong nakipag kilala sa kanya kanina,” mahaba kong sabi pero mukhang may mali kay Kuya. Hindi manlang kasi siya nangiti sa sinabi ko. Tila ayaw niya ata na nakikipag kaibigan ako sa mga kaibigan niya. “Lumayo ka muna sa kanya,” bigla niyang sabi. Sabi na eh. Ang selfish ni kuya sa part na ‘yun. “Anak, hindi ka pa nagbi-birthday. Huwag ka muna sana maglalapit sa mga lalaki. Natatakot kami na mapurnada ang kapangyarihan mo,” sambit ni mama. Kaya naman pala hindi natuwa si Kuya. “Hindi naman po. Hindi ko naman siya type! Alam ko naman po ang tama at mali. Malaki na ako kaya alam ko na ang mga ginagawa ko,” saad ko. “Saka, opo, hindi po ako iibig sa kahit na kaninong lalaki. Hindi ko kayo bibiguin, promise ko po ‘yan, paulit-ulit kong sasabihin sainyo, hindi ko kayo bibiguin.” Dahil doon ay ngumiti na si kuya. Pero alam kong pilit na ngiti lang ‘yun. Medyo hindi ko nagustuhan ang part na ‘yun ni Kuya Eldridge. Pakiramdam ko tuloy ay wala siyang tiwala sa akin. Masakit iyon sa damdamin ko. First time kong nakaramdam ng inis kay Kuya Eldridge. Kasalanan ito ni Clement. Dapat hindi na lang muna niya sinabi kay Kuya na nag-usap kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD