Napuno ng tensyon sa paligid na kami lang ni Keiran ang nakakaramdam. Habang ang dalawa ay walang ideya sa kung ano na ang nasa isip namin ni Keiran, pero sa mga tingin namin ngayon sa isa’t isa, kaming dalawa lang nakakaintindi no’n.
“M-magkakilala na ba kayo?” tanong bigla ni mama kaya nakuha nito ang atensyon ko. Magsasalita na sana ako ng bigla namang tumikhim si Keiran.
“Yes, i met her 2 months ago..” biglang sagot nito kaya pinagmulagatan ko siya ng mata, pero nagtaas lang ito ng kilay at ngumisi, halatang nang aasar.
“Kevin invited me to his friends birthday, and we met there, right.. Bela?” litanya nito.
“Yes” sagot ko sabay irap sakaniya
“That's great! atleast di na kayo mahihirapang kilalanin ang isa’t isa. By the way, the breakfast is ready, let’s go.” ani Tito Kerv at naglakad sa kung saan man siya papunta.
Sumunod lang kami, ang gamit ko ay kinuha ng isa sa mga maids ihahatid raw sa kuwarto ko. Shalaaa! may kuwarto agad.
Nang marating namin ang i think, dining hall pero mukhang may event or wedding reception ang dating. Mas mahaba pa yung mesa kesa sa L3100 na sasakyan e.
“Sit beside me Bela.” ani mama at inayos ang upuan sa tabi niya, at umupo naman ako doon.
Tinignan ko rin ang kahabaan ng mesa kasi, pwede nman silang bumili ng maliit na mesa yung pang family of 3 di ko na isinali sarili ko, di ko naman sila kapamilya ganon rin ako sakanila.
“Dig in, hija” nakangiting sabi sakin ni Tito Kerv, nginitian ko rin ito at tumango ako.
“So how are you Bela, it's nice to see you again” sinamaan ko ng tingin si Keiran ng magsalita ito. Pangisingisi pa ang hayop!
“As you can see, i’m fine.” saad ko at inirapan ito.
"Woah, looks like I’ll have a hard time getting to know my stepsister, she’s got quite an attitude." nakangisi pa nitong sabi.
Nagtawanan naman si Tito Kerv at Mama, to lighten the tension siguro. "Don’t take your brother seriously, Bela, he’s really just playful." agad na sabi naman ni Tito Kerv.
“It’s okay Tito” nakangiti kong sabi at minatahan si Keiran.
“When you’re done eating, show your sister around the hacienda, Keiran, so she can enjoy herself and get familiar with the place.” Biglang sabi ni Tito Kerv, napayuko nalang ako at bahagyang napapikit.
“Yes, Dad, that’s exactly what I was planning, so my sister and I can get along faster.” sagot naman ni Keiran kaya nag angat ako ulit ng tingin at tinaasan siya ng kilay.
“Thank you, Keiran. Please take care of my Bela, okay? Your dad and I have a meeting to attend after breakfast.” saad naman ni mama
Wtf? means, kami lang ni Keiran maiiwan dito? i mean bukod sa mga maids, staff and all? kami lang?
“Okay, Mom. I’ll take good care of her.” sagot ulit ni Keiran habang umiinom sa tasa ng kape.
Nagpatuloy lang kami sa pag kain, at pagkatapos ay nagpahinga lang sina Mama at Tito Kerv tsaka na nagpaalam na aalis na.
Nandito ako ngayon sa kuwartong pinaghatiran sakin ng isa sa mga maids, nakaupo lang ako sa kama na may white and pink na bedding set na si Mama pa daw ang nag utos na ito ang ilagay.
Hindi man lang niya alam na i hate pink, because she likes pink.
Kinuha ko ang phone ko at idadial ko sana ang number ni Stacy ng bigla namang may kumatok.
Naglakad ako palapit sa pinto at ng buksan ko ito ay bumungad sakin ang nakangising si Keiran.
“What?” iritable kong tanong.
“Watawat? pft!” natatawa nitong sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin at akma na sanang isasara ang pinto ng pigilan niya ito.
“Ano ba?!” inis kong sabi.
“You forgot already?” tanong nito.
Natawa ako ng bahagya, gago ba siya?!
“You are the one who told me to forget about that night right?! so what do you expect me to do?” inis kong sabi.
Natulala nalang ako ng bigla siyang humagalpak ng tawa.
"Did you really forget about the night that happened between us? It doesn’t seem like it." natatawa parin nitong sabi
“Kanina ka pa ha! ano bang tinatawa tawa mo?!” tanong ko sakaniya at bahagya ng tumaas ang boses ko.
"What I was asking is if you already forgot what Dad said earlier. Why did you suddenly bring up that night from two months ago? So that means you really haven’t forgotten." saad nito.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, shet! nakakahiya!
“Linawin mo kase!” inis kong sabi.
“So kasalanan ko pa ngayon?” saad nito sakin. “Malamang! alangan namang kasalanan ko?!” irap ko sakaniya.
“Biglang sungit ah? may dalaw ka ba?” may pang aasar na tanong nito sakin.
“Oo bakit!” sigaw ko kahit wala naman.
“Oh, sayang naman.. tayo lang pa naman ngayon dito” panunukso nitong sabi
Hindi ako agad nakakibo dahil sa sinabi at tingin niya.
“Pero pwede na yan, hindi naman ako maarte e” saad pa nito at lumapit sakin kasabay ng pag sara ng pinto.
Oh God, please help me.