"Bilaaaaat!" dinig kong tawag ni Stacy mula sa labas ng pinto ng kuwarto namin ni Keiran kaya dali dali kaming nagbihis at nag ayos. Agad na tumayo si Keiran at naglakad papunta sa pinto, ng masiguro na namin na nakabihis na kami ay binuksan na ni Keiran ang pinto habang ako naman ay nagtulog-tulugan. "Woa, pinagod mo yata bestfriend ko kagabi ah?" panunukso ni Stacy, hindi ko alam kung anong itshura ngayon ni Keiran, basta ay hindi ko siya narinig na sumagot. Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko kaya napalunok ako ng wala sa oras. "Let's continue wala na si Stacy" bulong ni Keiran kaya napamulat ako ng mata at sinamaan agad siya ng tingin. "Gago! magshashower na ako!" inis kong sabi sakaniya at dali daling nagpunta sa banyo para maligo. Nang makapaghubad n

