“Mommy, kanina ka pa po tahimik, is there have a problem po?” tanong ni Isaac habang nagdadrive ako kaya naman nginitian ko siya. “No baby, nag fo-focus lang si mommy sa pagdadrive. Gusto mo mag mall tayo?” tanong ko sakaniya na agad naman niyang ikinangiti. Nang makarating kami sa mall ay nagpunta kami agad sa toy’s store, hinayaan ko lang siyang mamili habang kausap si Mama Espania sa phone, hanggang sa mawala sa paningin ko si Isaac kaya bigla akong kinabahan. “I’ll call you later, Ma” saad ko at ibinaba ang tawag. “Isaac?” tawag ko habang nililibot ang buong store, hanggang sa makita ko siya sa kabilang aisle, kung saan may kausap itong lalaki na nakaluhod sa harapan niya kaya naman agad akong lumapit at hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko. “B-bela?” gulat na sabi nito sa

