Ilang minuto pa kaming nagtagal sa pwesto namin, hanggang sa tumayo na ako at nagbihis. “Baka biglang dumating ang parents mo” saad ko. “Parents ko?” pang uulit ni Keiran. “Hindi naman pwedeng parents ko right?” saad ko pa habang inaayos ang buhok ko. Maglalakad na sana ako palabas pero inunahan ako ni Keiran at agad niyang hinawakan ang doorknob. “What?” inis kong tanong. “Are you out of your mind Bela? what if may nakakita sayong palabas sa kuwarto ko?” inis nitong sabi, napatigil ako bahagya.. Tama nga naman siya, ano nalang ang iisipin ng makakakita sakin na lumabas mula sa kuwarto ni Keiran. Bumuntong hininga nalang ako at iniraoan siya. “Just wait for my signal.” ani Keiran, binuksan ang pinto at lumabas. Lumapit ako papunta sa pinto, isa hanggang dalawang minuto ay bahagyang

