Bumungad sakin ang puting kisami at maliwanag na ilaw ng igalaw ko ang ulo ko ay tsaka ko lang napagtanto na nasa ospital ako kaya naman agad akong napaupo dahilan para maalarma ang nurse na nagbabantay. “Ay Ma’am, wag na muna po kayong kumilos.” saad nito at tila kusa naman akong nakinig sa sinabi niya dahil bigla na lang ako kumalma at nahiga pabalik. “Sino pong nagdala sakin dito?” tanong ko sa nurse. “Napadaan lang daw po sa bahay niyo at nakita daw po kayo sa labas na walang malay. Ang kaso umalis na po e.” sagot naman ng nurse kaya napuno ako ng kuryusedad kung sino ang nag dala sakin dito sa hospital. Ilang saglit pa ay may lumapit sakin na doktor at nakangiti pa itong humarap sakin habang tinitignan ang chart na hawak niya. “Miss Isabelle..” panimula nito “Anong naramdam mo

