Kabanata XVIII

2027 Words

Mabuti na lamang at walang nasaktan sa amin sa nangyaring pakikisagupa sa Manggagaway at sa mga kulto nito. Pagkatapos din kaming iwan ng diwata ng kalikasan na si Lualhati ay hindi na kami nag-aksaya ng oras at nagpasya na kaming magpatuloy na sa paglalakbay. Bumalik na si Niyebe sa aking kaliwang balikat nang sa tingin ko ay nabusog na siya, nauuna pa rin naman si Nox sa paglalakad habang nasa kanyang likod ang takuyan na may lamang mga pagkain. Nakasunod pa rin ako sa kanya at nasa aking likod si Siria. Iginala ko ang aking paningin sa aming mga nadaraanan at hindi ko maiwasang mapangiti. Kumpara sa parte ng gubat na nadaanan namin kanina kung saan malapit ang diwata ng kalikasan ay napakaganda naman ng parteng ito ng gubat. Maraming makukulay na mga bulaklak at kabute sa paligid, m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD