CHAPTER 6

2088 Words
NAKAYUKO SI GIANNA habang nasa waiting area ng Emergency Room. Nanginginig ang katawan nya sa labis na takot para sa kaibigan. Iba ang takot na gumapang sa kaniya kanina nang mawalan ito nang malay lalo na nag may makita syang dugo sa hita at binti nito. May ideya sya na baka sa lakas ng pagkakasaldak nito kaya ito dinugo pero sa ngayon, isa ang pinagdadasal nya, na sana ay walang masamang mangyari sa kaibigan nya at sa dinadala nito. Yabag ng mga tumatakbong kung sino ang nang-agaw ng atensyon nya at agad syang napatayo nang makitang si Arisia iyon. Naksuot ito ng white croptop na pinatungan ng black leather jacket habang naka-high waist pants ito. Nakaboots din ito dahilan upang magmukhang modelo ito ng maganda brand ng damit. “Stop looking at me like that. Where is my cousin?” tanong nito sa lang nito sa kanya habang malamig ang tingin na pinukol sa kanya. Natataranta naman syang sumagot ditto. “N-nasa emergency room pa at tinitingnan ng doctor—“ “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at bakit sinama mo pa sya sa pag-party mo sa club?! Alam mo naman na bawal sya sa mga gano'n dahil buntis siya, Gianna!” Medyo malakas ang boses nito at halata nyang galit ito. Tila may kumurot sa puso nya sa dahilang siya pa mismo ang sinisisi nito sa nangyari sa kaibigan. “Hindi ko ginusto ang nangyari, Arisia.” Muli pa sana itong magsasalita pero kaagad na nagsalita si Selena. “Arisia, tama na. Walang may gusto ng nangyari kay Candy,” anito na noon ay nasa gilid ni Arisia. Lumingon ito kay Gianna saka ngumiti. Lumapit si Arisia sa mahabang bench saka doon naupo at sinandal ang ulo at saka pumikit. Tila ang laki ng problema nito pero ayaw nyang magtanong. Badtrip na badtrip ito sa kanya. Kahit paano ay nakakaramdam sya ng guilt dahil pumayag pa syang pumunta sila sa party. Dapat pala ay nagmatigas na lamang sya para hindi na napahamak ang mag-ina. “Salamat sa pagdala kay Candy dito. Pasensya ka na rin kay Arisia. Galing kasi kami sa shop tapos—“ Hindi na nito natapos ang sasabihin nang sumabat si Arisia. “Selena, tawagan mo si Tito Jaime,”ani Arisia habang nakapikit. “Nasa iyo ang phone ko, `di ba?” “Okay. Bibili lang din ako ng tubig mo. Excuse me lang, Gianna.” Sumunod naman ito sa iniutos ng kaibigan. Naiwang nakatayo si Gianna habang nakatingin lamang sya kung saan. Lihim nyang sinisisis ang sarili. Sana nagmatigas na lamang sya at sana hindi na lang sya talaga pumayag na magpunta sa birthday party ni Mitos. Napabuntong-hininga na lamang siya saka muling hinawi ang buhoj na halos gulo na. Lumingon sya kay Arisia na noon ay nakapikit na naman. Naupo sya sa kabilang dulo ng bench saka sumandal din at pumikit. “Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita pero hindi naman pala,” ani Arisia gamit ang malamig na boses. Bakas sa tinig nito ang pagkadismaya. Hinawi pa nito pataas ang buhok nitong nakalugay pero nananatiling nakapikit. “A-anong sabi mo?” tanong ni Gianna. Pinilit nyang huwag ipakita rito ang sakit na dulot ng sinasabi nito sa kanya. Dumilat si Arisia at kaagad na sinalubong ang tingin nya. Ang abuhing mga mata nito ay malamig ang paraan ng pagkakatitig sa kanya. Halos manlata sya dahil wala syang ibang mabasa sa mga iyon. “I think hindi ko dapat pinagkatiwala ang pinsan ko sa iyo.” “A-arisia…” Iyon lang ang nasabi nya dahil kaagad na bumukas ang pinto ng emergebcy room at inluwa ang doctor nan aka-assign kay Candy. “Sino ang kamag-anak ng pasyente?” tanong nito. Mabilis namang tumayo si Arisia at nagpakilala rito. Nag-usap ang dalawa pero si Gianna, tila nanigas lang sa kinauupuan. Iba ang kirot ng mga salita ni Arisia sa kanya. Sa tanang-buhay niya, ngayon lamang sya nakatanggap ng ganoong salita. May kung ano sa puso nya ang sobrang nasasaktan. Gusto nya ito sumbatan dahil dalawang linggo itong walang paramdam sa kanya. Alam nya naman kasing wloang syang karapatan at baka pagtawanan lamang sya nito. Huminga sya nang malalim saka pilit na kinalma ang sarili. Maya-maya pa, makaupo na ulit si Aeisia sa dating pwesto nito, Hindi na sya naglakas ng loob na tingnan poa ito, lalo lang syang masasaktan kapag nakita na naman nya ang mga nitong galit ang paraan syang titingnan. Doon nag-ring ang cellphone nya at agad nyang sinagot ang tawag. “Geoff, nandito pa kami sa ospital. Oo, ako na ang bahala kay Candy. Lock the door, okay,” aniya saka binaba ang tawag. “Umuwi ka na,” biglang wika ni Arisia dahilan upnag lingunin nya ito, Nakangisi lamang ito habang ang mga mata, kakikitaan pa rin ng pagkainis. “Dito lang ako,” matigas nyang wika. Hindi sya papatalo sa magandang babe na ito. “Umuwi ka na at mukhang may naghihintay sa iyo sa condo ninyo.” “It’s okay. Geoffrey can wait.” “So, Geoffrey pala ang pangalan ng boyfriend mo.” “What?” Kumunot ang noo nya. 'My God! Ano bang iniisip ng babaeng `to?' “Nothing.” Muli pa sana syang magsasalita pero biglang dumating si Selena. Bahagyang umatras si Gianna para makapag-usap nang maayos ang magkaibigan. “Ayaw sagutin ni Tito Jaime ang call ko.” “Ang tanda na pero ang taas pa rin ng pride ng matandang iyon. Nakakainis!” ani Arisia bago sya lingunin nito. “Ako na ang bahala sa pinsan ko.” Umayos si Gianna ng upo saka tinaasan lang ng kilay si Arisia. Hindi sya papayag na basta na lamang sya tarayan nito. Kahit may kakaiba syang nararamdaman para dito, hindi pa rin sya magpapatalo. "No. Dito lang ako. Babantayan ko ang kaibigan ko." “MABUTI NA LAMANG at walang masamang nangyari sa inyo ng baby mo, Candy,” aniya sa kabigan nanag mailipat ito sa private ward na kinuha ni Arisia para dito. Sila lamang dalawa ang nandito dahil may kinausap si Arisia sa labas. Nanghihina man, pili na ngumiti si Candy at hinawakan ang kamay nya. “Thank you, Gianna at hindi mo ako pinabayaan. Baka kung ano na nangyari sa amin ng baby ko kung hindi mo ako nakita noon sa rest room.” “Ano ba kasing sinasabi mo kay Bryle? Don’t tell me nagpupumilit ka pa rin sa lalaking iyon?” tanong nya habang nakaupo sa gilid ng kama. “Ang kapal ng lalaki na iyon.” “Napakawalanghiya nya. Wala syang awa. Hindi ko akalain na ganoon pala sya kawalang puso," ani Candy habang namumuo na naman ang luha sa mga mata. "Huwag ka na umiyak. Ang mabuti pa, huwag na muna natin sya isipin. Magpagaling ka. Iwas ka na dapat sa mga stressful na bagay at tao." Pinagdiinan pa nya ang huling salita rito. "Pasensya ka na at naabala pa kita." "Parang tanga ko. Magkaibigan tayo. Saka kasalanan ko kung bakit ka napunta sa ganitong sitwasyon." "Ikaw ang parang tanga, Gianna. Paanong naging ikaw? Ayaw mo nga na pumunta tayo sa party ni Mitos, di ba? Ikaw ang may ayaw tapos pinilit ka lang namin. Sorry talaga. Huwag ka ma-guilty sa nangyari. Wala kang kasalanan," ani Candy. Umiling sya pero mas umiling ito saka ngumuso. Natawa na lang sya dahil sa inaasal ng kaibigan. Kahit 26 years old na ito, baby pa rin minsan kung umasta. "Ano iyang dala mo?" tanong ni Candya kaya agad na napalingon si Gianna sa likod nya. Ganoon na lang gulat nya dahil nasa likod na pala nya si Arisia na may dalang basket ng mga prutas. Hindi man lang nya naramdaman ang pagbukas ng pinto kahit ang yabag ng mga paa nito. Umalis sya sa pagkakaupo sa kama saka inayos ang sariling damit. "Padala ni Tito James ang mga ito." "T-talaga? Nasaan si Papa?" tanong ni Candy. Umaasa sa positibong sagot mula sa kaibigan. "Nasa mansyon ninyo. Asa ka namang pupuntahan ka noon dito," ani Arisia. Ilang sandali pa lumipad ang tingin nito sa kanya. "Kumain ka na. Sabayan mo si Candy." Noon lang nya naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Hindi sya nagpahalatang gutom at nag-iwas na lang ng tingin. "Thanks. Mamaya na lang ako kakain." Sa totoo lang, hindi nya maintindihan ang sarili. May gusto syang gawin nito sa kanya sa isang sulok ng puso nya pero hindi nya alam kung ano. Mabigat at masama ang loob nya rito pero pilit nyang iwinawaksi iyon. Hindi rin kasi sya sigurado sa nararamdaman kaya mas mabuti na lang na huwag pansinin. Alam naman nya kasing mali ito. Mali ang nararamdaman nyang ito. Saka hindi naman sya sigurado kung talagang may kinalaman ito sa kasarian nya. Baka nalilito lamang sya. Baka nagkakamali lamang sya at labis lang na humahanga sa dalaga. Tumikhim sya makalipas ang ilang sandali. Napunta sa kanya ang atensyon ng magpinsan at naghihintay pareho sa sasabihin nya. "May bibilhin lang ako," aniya at pumayag agad si Candy. Hindi na nya hinintay pa ang sasabihin ni Arisia. Baka mamaya, sumabog na sya at hindi na makapagpigil. Ayaw nyang mapahiya rito. Ayaw nya rin na magmukhang tanga. Habang nasa canteen sya ng ospital, maraming tumatakbo sa isip ni Gianna. Bakit sa dinami-dami ng taong magugustuhan niya, bakit sa isang gaya pa nyang babae. Bakit abnormal ang puso nya at ang tanga kasi hindi pumili ng tama. Oo at galit sya sa mga kalalakihan pero hindi na minsan naisip na sa kapwa nya babae sya mahuhulog. Hindi nya maintindihan ang sarili. Sumasakit na ang ulo nya kaiisip. 'Bakit? Tama ba ang pagpili sa lalaking mga sakit ng ulo?' tanong bigla ng isip nya. Halos sumakit na ang ulo nya dahil sa kakaisip kung ano ba ang mabuting gawin. Dapat ba nyang iwasan ang nararamdaman na ito o hayaan? Pero kung hahayaan nya, handa ba syang harapin ang mga consequences? Saka kung sakaling sundin nya ang puso, may makukuha kaya syang tugon mula kay Arisia? Doon biglang kumirot ang puso nya. Baka mamaya hindi naman gaya nya ang tipo nito. Baka hindi sya nito matanggap. Hindi nya namalayang nanlalabo na pala ang mga mata nya dahil sa luha. May kung anong lungkot at kirot sa puso nya sa ideyang maaring hindi sya nito tanggapin. "Kanina ka pa hinihintay ni Candy." Halos mapatalon sya sa gulat nang marinig ang boses ni Arisia na noon ay nasa gilid na nya. "God! Pwede bang huwag mo ko ginugulat nang ganoon?" aniya saka inis na siniringan ng tingin ang dalaga. Wala kasi syang naramdaman na kilos sa paligid nyang kakaiba. Hindi man lang nya naramdaman ang presensya nito kagaya kanina sa loob ng kwarto ni Candy. Narinig nyang tumawa ito pero sandali lang. Muling bumalik ang seryosong mukha nito. Mayamaya lang, nagsalita ito. "I'm sorry." Gulat syang lumingon dito. "H-huh?" "Narinig ko yung sinabi ni Candy. Hindi mo kasalanan na nagpunta kayo sa party dahil siya ang nagpumilit," anito. Noon napatitig si Gianna sa kung saan. Tila may mga karayom na kumukurot sa puso nya. Gusto nyanga umiyak dahil sa labis na sama ng loob. "Pasensya ka na. Akala ko kasi talaga bad influence ka sa pinsan ko." Natawa sya kahit na nakatulala pa rin kung saan pero nakita nya sa gilid ng mga mata nya lumingon si Arisia sa gawi nya. Huminga sya nang malalim saka lakas-loob na sinalubong ang mga abuhing mata nito. "Ganoon ba ako kasama sa paningin mo, Arisia?" tanong nya na kahit ang hirap bigkasin, pinilit nyang itanong dito. Nag-iwas ito ng tingin. "Pasensya ka na kung hinusgahan kita," wika nito. "Sobrang stress na rin kasi ako sa trabaho ko tapos malalaman ko na pa may nangyaring masama sa pinsan ko. Hindi ko na alam ang mga nasasabi at nagagawa ko." Tumango lang sya. May kung anong awa syang naramdaman para dito pero pilit nyang binalewala iyon. "Gianna," ani Arisia kaya lumingon sya rito. "Bakit?" "I wish you could give me a chance." Naramdaman ni Gianna na bumilis ang t***k ng puso nya. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman pero nasasabik syang malaman kung ano pa ang mga susunod na sasabihin nito sa kanya. "C-chance?" tanong nya. Yumuko ito saka umayos ng pwesto. Nilahad nito ang kamay sa harapan nya saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Let's start again. I hope we can be friends. I'm Arisia," anito saka kumindat. Sandali nyang tinitigan ang magandang mukha ni Arisia. Hindi nya alam pero iba ang saya na nararamdaman nya ngayon. Tila nawalang parang bula ang lahat ng sama ng loob at hinanakit nya para dito. Lahat iyon, napalitan ng pagkasabik para sa babaeng kaharap. Huminga sya nang malalim bago umayos rin ng pwesto saka tinanggap ang kamay ni Arisia. "Alright. Arisia, I am Gianna," nakangiti nyang wika saka sila sabay na natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD