ISANG LINGGO na ang nakalilipas, maayos na ang pakiramdam ni Gianna. Ngunit nandoon pa rin ang masamang panaginip sa tuwing matutulog sya. Bumabalik ang mga ala-ala nang kidnapp-in sya ni Serenity. Naririnig nya ang boses, ang tawa nitong nakakatakot at kung minsan, kapag madilim, iba ang takot at lungkot na nararamdaman nya. "Anak, kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot mo," wika ng mommy nya habang binabalatan ang ponkan. "Babalik daw si Arisia mamayang ala-una. Inaayos lang nya yung ibang papeles sa shop." Lumingon sya sa ina. Wala kasi syang naririnig na balita tungkol kay Serenity maliban sa balitang patay na ito. Nag-aalala rin sya para kay Arisia. Alam nyang may masama ang pumatay at hindi nya gugustuhin na makulong ito dahil sa kanya. "Mommy, ano pong balita kay Serenity?" tanong ny

