CHAPTER 4

2362 Words
NAKANGITING KINUHA ni Candy ang carrot cake na hawak ni Gianna. Matamis itong ngumiti sa kanya at kay Arisia. Paborito kasi nito iyon at iyon ang kinikilala nitong comfort food. "Salamat sa inyo!" anito saka sila iniwan sa sala. Dumiretso si Gianna sa harap ng laptop nyang nasa center table. Sumalampak sya sa sahig na may carpet at saka hinarap ang ini-edit na manuscript kanina bago utusan ng kaibigan. "Maupo ka muna, Arisia," aniya nang hindi ito tinitiningnan. "Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin? Or inumin?" sunod-sunod nyang tanong. Hindi nya gusto maging tunog concern pero base kasi sa mga nakita nyang tao sa shop, mukhang wala pa itong tulog. At sigurado rin sya na baka hindi pa ito kumakain. Pilit man nyang baliwalain, nag-aalala pa rin sya. Nang wala syang makitang sagot dito, agad nya itong nilingon. Ganoon na lang ang pagkailang nya nang makitang nakatingin ito sa kanya. Wala na naman itong emosyon sa mukha. Kahit subukan nya basahin iyon, wala syang mahagilap na sagot. Hindi nya alam kung paano nito nagagawang magtago ng nararamdaman dahil sya mismo, hirap gawin iyon. Tila sya nahipnotismo ng mga kulay abuhing mata nito. Kitang-kita nya kung paano sya nito titigan sa mukha kahit nakatingala sya rito. Tanging mga mata lamang nito ang gumagalaw at mukhang pinag-aaralan ang mukha nya. May tumikhim at doon lang sila naghiwalay ng mga tingin. Nang sumulyap sya sa bukana ng kusina, nandoon si Candy na nakangisi habang iiling-iling na nakatingin kay Arisia. "Cous, alalay lang sa tingin. Baka matunaw 'yang kaibigan ko," anito. Humagikgik pa ito nang irapan ni Arisia. Kumunot ang noo nya sa sinabi ng kaibigan. Lumingon sya kay Arisia na ngayon, nakaupo at nakasandal na pala sa sofa, sa likod mismo ng pwesto nya. Nakahawak ang kamay nito sa baba, habang ang hinlalaking daliri nito ay nasa sariling ibabang labi at tila kinakamot. Nakita nyang huminga ito nang malalim bago nagsita, "shut up, Candy," ani Arisia. Noon pa lang ito lumingon sa pinsan saka siniringan ng tingin. Mayamaya pa ay sa kanya naman ito tumingin. Halos lumabas ang puso ni Arisia dahil sa tingin na iyon. Gusto kumawala dahil sa sobrang lakas. "B-bakit?" tanong nya sabay iwas ng tingin dito. Nagkunwari syang nagbabasa ng inaayos na manuscript sa harap ng laptop. "I'm sleepy. P'wede ba ako makiidlip?" tanong nito. Bumangon ang pag-aalala nya rito. Ewan nya. Automatic syang lumingon dito saka tumango. "Thank you." Arisia mouthed at her. Umayos ito ng sandal sa sofa saka pumikit. Ilang sandali syang hindi nakagalaw dahil nakatingin lang sya rito. Sa ganda at kinis nito, alam ni Gianna na hindi ito sanay matulog sa sofa. Kaagad syang tumayo at hinanap si Candy. Wala na ito sa sala. Nagtungo sya sa kusina at doon ito naabutan. "Bru, matutulog ka ba?" Umiling ito habang ngumunguya ng carrot cake. Tumango lang sya saka ito iniwan. Dumiretso sya sa kwarto nya at mabilis na inayos ang kama. Nagdampot din sya ng mga kalat na sya ang may gawa. Nang umaliwalas ang kwarto, dali-dali syang bumalik sa sofa. Dahan-dahan syang lumapit kay Arisia. Ang weird pero awtomatiko syang napangiti nang makitang nakapikit ito at yakap ang sarili. Kung titingnan si Arisia, alam nyang may lahi itong foreigner. Hindi nga lang nya alam dahil ayaw nya magtanong. "Ang ganda naman ng taong 'to. May boyfriend kaya sya?" mahinang tanong nya habang nakatitig sa mukha nito. Ganoon na lang ang pagkagulat nya nang dumilat ito saka sinalubong ang kanyang tingin. "Baka malusaw ako, Gianna," anito sabay ngisi. "H-hoy! Anong malusaw? B-bakit? Tinitigan ba kita?" Umatras at umayos sya ng tindig. Tumalikod sya saka pinagkaskas ang mga kamay. Lihim na minura ang sarili. "Okay. Hindi na kita kukulitin. Mauna na ako," anito. Mabilis syang humarap dito. "Aalis ka na?" Nakatayo na rin si Arisia at inaayos ang sarili. "Oo. Marami pang gagawin sa shop. Hindi kaya ni Serena lahat ng trabaho roon," sagot nito. "P-pero hindi ka pa nakakatulog. T-tingnan mo, oh! Hindi ka na maganda. Ang laki ng mga eyebags mo," aniya. Gusto nyang lamunin ng lupang kinatatayuan dahil sa labis na kadaldalan. Bakas kasi sa mukha ni Arisia ang pagtataka sa inaasal at sinasabi nya. "S-sorry," aniya. Huminga sya nang malalim at humakbang para makaraan si Arisia. 'Gianna, ano bang sinasabi mo? Obviously, kahit isang linggo syang hindi makatulog, hindi sya magkakaroon ng eyebags sa ganda nya.' Pumikit na lang sya at nanatiling nakatalikod kay Arisia. Alam nyang namumula sya sa kahihiyan at ayaw nyang mahalata nito iyon. "I have to go. Where's Candy?" tanong nito nang hindi pa rin sya lumilingon. "N-nasa kusina. Kumakain," sagot nya. Naramdaman nyang humakbang ito. Nang lingunin nya, nasa bukana na ito ng kusina at hinahanap ang pinsan. "Can, alis na ako." "Okay. Thank you ulit rito!" masayang wika ni Candy saka kumaway. Nakita ni Gianna na tumango si Arisia saka umikot na paharap sa gawi nya kaya mabilis syang nag-iwas ng tingin. "Thank you sa pagpapatuloy mo sa'kin." Tumango sya. Sumunod sya rito nang nasa pinto na ito para i-lock iyon kapag nakaalis na si Arisia. "By the way, wala akong boyfriend. It's not my line," anito saka pinisil ang kanyang pisngi. "Bye." Sa gulat, nanlaki ang mga mata nya at hindi nakapag-react. Kumaway pa si Arisia sa kanya saka pumasok sa elevator. Wala na ito pero shock pa rin si Gianna. Para syang teenager na hinaplos pa ang pisngi na hinawakan at pinisil ni Arisia. Ang isang kamay nya ay pinatong nya sa dibdib dahil sobrang lakas ng t***k niyon. Tila may mga paru-parong nagliliparan din sa tiyan nya kaya napapangiti sya na ewan. Mabilis nyang sinara ang pinto saka dumiretso sa kwarto. Pagkapasok nya roon, impit syang tumili. Hindi nya maintindihan pero natutuwa sya nang sobra. 'Ano ba 'to? Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Arisia? Bakit natutuwa ako sa ginawa nya?' "GIANNA, NAGUGUTOM ako," ani Candy na tumabi sa kanya sa pagkakasalampak sa sahig. Mabuti at may carpet iyon kaya hindi masyado ramdam ang malamig na tiles. "Na naman? Hoy, Candy! Baka tumaba ka nyan!" aniya sa kaibigan. Patapos na sya sa manuscript na inaayos. Agad nyang ni-save iyon upang mapatay na ang laptop. Nakangusong yumakap sa kanya ito. "E, ano naman kung tumaba ako? Dali na. Ayaw mo no'n, makikita mo ulit 'yong pinsan ko!" Sa narinig, nakaramdam sya ng pagka-excite pero agad din namang nawala dahil nalilito na sya. "E, ano naman kung makita ko ulit si Arisia?" aniya sabay sara ng laptop. Ayaw nyang mabasa ng kaibigan nya iyong nararamdaman na mababasa nito sa kanyang mukha. Para kasing hindi normal. "Hoy, Gianna. Huwag kang magpakainosente. Alam kong may crush ka sa pinsan ko!" "What? Siraulo ka ba? Babae 'yon!" aniya. Doon sya napaisip. 'Oo nga. Babae si Arisia. Babae ako. Paanong nakakaramdam ako ng weird na pakiramdam sa kanya? Ano bang nangyayari sa'kin?' "E, ano naman kung babae kayo pareho? Hindi mo ba alam ang LGBT?" Kunot ang noo syang lumingon dito. "Ano?" "LGBT. Lesbian, gay, bisexual and transgender. Hindi mo ba alam 'yon?" "Ofcourse, alam ko iyon. Ang tinatanong ko sa'yo, ano bang pumasok sa isip mo at nagsasalita ka ng ganyan?" aniya sabay suklay ng buhok. "Malamang. Halata kayong dalawa, e!" Bigla syang kinabahan. "A-ano?" "Puro ka naman 'ano' dyan! Siraulo! Nagugutom na ako, Gianna! Bilisan mo!" anito sabay tayo at saka pumasok sa kwarto. Imbis na mainis sa kaibigan, napuno sya ng pagtataka. Hindi nya alam kung bakit nasabi iyon ni Candy. Mas lalong hindi nya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman nya. Ang weird. Oo, alam nyang babae si Arisia pero bakit grabe ang atraksyon na nararamdaman nya para dito? 'T-tomboy ba ako?' NAKATITIG SI Gianna sa harapan ng desktop computer nya at nagtatrabaho. Kanina pa sya nasa page 40 of 250 pages ng manuscript na ini-edit ngunit hindi sya makausad. Ang dami kasing pumapasok sa isip nya. Puro mga tanong na bakit at anong dahilan? Paano? "Hey," ani Candy na tinapik si Gianna sa balikat. Nilingon nya ito at saka umayos ng sandal sa kanyang swivel chair. Hinilot nya ang ulo saka pumikit. "Problemadong-problemado ka naman, Gianna. Anong mayro'n?" tanong kaibigan habang kinukutkot ang kuko. Huminga sya nang malalim saka dumilat at tiningnan ang kaibigan. "Anong mayro'n sa pinsan mo," aniya saka sumimangot. Nagtataka naman itong tiningnan sya. "Kay Arisia? Anong mayro'n sa pinsan ko?" Hindi nya alam kung bakit ganito kasi ang nararamdaman nya. Noong una silang magkita, ramdam na nyang may kakaiba hindi lang dito. Maski sa kanya, mayroon. Ewan. Nalilito na sya. Ngayon, tila hinahanap-hanap na nya ang presensya nito. Dalawang linggo nang nag-stay si Candy sa condo nya at isang linggo na ring hindi nagpapakita itong si Arisia. Sa unang linggo ni Candy, palagi ito umaakyat sa unit nya para kumustahin ang pinsan at nasanay na sya. Nakakabwisit lang kasi hindi nya maintindihan ang sarili. Naiinis sya dahil oo, aaminin nyang namimiss nya ang dalaga. Everytime na bibili sya sa shop nito, si Serena lang ang nandoon at ayaw naman nyang magtanong kung nasaan si Arisia. 'Ayoko magmukhang girlfriend na iniwan na lang basta-basta dahil hindi naman nya ako girlfriend. At ang pinaka-hindi puwede, kami mismo! Hindi kami puwede.' "Gianna!" Candy snap. "Ano?!" aniya saka muling hinarap ang desktop computer. "Ano kakong mayro'n sa pinsan ko?" "Wala!" "Sus. Aminin mo, namimiss mo sya, 'no?" Hinampas nya ang mesa nya sa inis pero imbis na matakot si Candy, lalo pa itong ngumisi at tumawa. "Candy naman!" "Okay okay. Hindi na kita aasarin sa pinsan ko at mukhang nasa in denial stage ka pa," anito sabay tawa na naman dahil sinamaan nya ito ng tingin. Nagtaas ito ng mga kamay. "Alright, Gianna! Behave na ako." "Nakakainis ka naman, e!" aniya saka humalukipkip. "Nasaan ba kasi 'yang pinsan mo at isang linggo nang wala?" Imbis na sumagot, nilapit ni Candy ang mukha sa kanya saka tinitigan sya sa mga mata. "Bakit mo hinahanap?" "M-malamang! Sabi nya kapag may kailangan k-ka, sabihan lang sya—" Tumawa si Candy. "Gianna, sinabi nga ni Arisia iyon pero hindi nya ako obligasyon. Tatay nga nitong anak ko, walang pakialam, 'di ba? At hindi ko sya inuobliga. Pinsan ko pa kaya?" "E, nasaan nga ba kasi iyang pinsan mo?" Naiirita na sya. Sobra na iyong pagkamiss nya rito at kahit mali, bahala na! "Umamin ka nga sa'kin, may gusto ka ba sa pinsan ko?" Sinalubong nya ang mga mata nito. Puno ng tapang at handang labanan iyon. "Siraulo ka talaga," aniya rito at natawa na naman si Candy. This time, mas malakas. "Candy, huwag mo nga ako pag-trip-an!" "May gusto ka nga kay Arisia. Gosh, kaya pala ayaw mo sa mga lalaki, hindi sa galit ka sa lahi ni Adan, Gianna. Mas bet mo lang talaga ang mga babae na gaya ni Arisia." Hindi sya nakakibo. Iyon na rin ang tumatakbo sa isip nya. At ngayon, mas nahihirapan sya. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganito. At nakakaloka, dahil sa babae pa. NAKASIMANGOT ANG ina ni Gianna nang datnan nya ito sa bahay ng mga ito. Mukhang badtrip at hindi nya mawari kung ano ang dahilan. "Anong ganap, mom? Ba't simalmal ang mukha mo?" tanong nya saka dumiretso sa kusina. Naramdaman nya ang pagsunod nito at narinig ang yabag ng mga paa. "Mamamatay ako nang maaga riyan sa kapatid n'yo!" anito sabay upo sa isang silyang gawa sa bakal na nasa harap ng mesa. "Alam mo ba kung ano ang nakita ko?" mahinang tanong nito. Hindi sya kumibo at hinintay ang sasabihin ng ina. Pumikit pa ito nang mariin at saka hinimas ang dibdib. "Pahingi nga munang tubig, anak at nagsisikip na naman ang dibdib ko." Agad naman nya itong inabutan ng tubig saka naupo sa katabing silya. "Ano ba kasing problema kay ate?" "Hindi sa ate mo. Kaya Geoffrey!" Kumunot ang noo nya saka lumingon sa entrada ng kusina. Sakto kasing papasok ang bunso nyang kapatid. "Hoy, anong ginawa mo kay mama?" Napahinto ito sa paghakbang saka yumuko. Halatang ayaw magsalita. "Umalis ka na muna sa harap ko, Geoff at baka mahambalos kita ng silya." "Ma!" aniya sa ina. Mabilis na tumalikod ang kapatid nya. "Geoff!" tawag ni Gianna pero wala itong sinagot bagkus nagtuloy sa paglabas. Lumingon sya sa ina na masamang nakatingin sa nilabasan ng kapatid. "Ano ba kasing nangyayari?" "Alam mo bang..." Nilapit pa nito mismo ang mukha sa kanya. "...nahuli ko 'yang kapatid mo na may kasamang l-lalaki!" anito sabay kaskas ng mga kamay sa braso animo nandidiri. "Ano naman?" "Anong ano naman? Hindi mo ba nakukuha ang sinasabi ko?" "Ma, huwag kang marumi mag-isip. Malamang, lalaki ang mga tropa niyan!" "Talaga? Kailangan ba magka-holding hands kapag tropa at kapwa lalaki sila? Anak, sa mga babae, natural iyong ganoong gesture, pero sa lalaki—susmaryosep!" Nag-sign of the cross pa ito. Napanganga syang literal saka lumingon sa pinto ng kusina. Hindi sya makapaniwala. Sa gwapong taglay ni Geoffrey, hindi man lang nya lubos maisip na isa itong binabae. Malaki ang katawan ng kapatid nya dahil alaga iyon sa gym. Mahilig din ito sa healthy food. Nakaramdam si Gianna ng kasiyahan para sa kapatid. Hindi nya alam kung bakit pero agad naman iyong napapalitan ng lungkot at takot. Sa ekspresyon ng kanilang ina, halatang hindi ito pabor sa ganoong uri ng pagkatao ng isang tao. Naaawa rin sya para kay Geffrey dahil kahit na ngayon lang nya nalaman ang bagay na iyon, nasisiguro nyang hirap ito kung paano lalabas sa kublian. Bigla tuloy syang nalungkot para sa sarili nya. Ngayong nakita nya kung paano ang reaction ng ina sa katauhan ng kapatid nya, malamang sa malamang, ganoon din sa kanya. Natigilan sya. 'Hindi ko naman sure kung nagkakagusto na ba ako kay Arisia. Siguro, sobrang paghanga lang itong nararamdaman ko dahil sa sobrang ganda nya. Speaking of, nasa'n na kaya ang babaeng iyon? Aba, wala man lang paramdam!' Sumimangot sya nang maalala ang babae. Unti-unting binabalot ng lungkot ang puso nya dahil dito at aaminin nyang hindi sya natutuwa. 'Kailangan ko 'to pigilan dahil kung hindi, mahihirapan ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD