Naupo na kaming tatlo sa lamesa. Nasa gita namin si Daniel at magkatapat naman kami ni Nathan. Hindi ako nakakaramdam ng kaba at takot dahil confident akong hindi niya kami nahuli kanina. Tahimik kaming kumakain, nagkatinginan kami ni Nathan dahil nagtataka kami sa katahimikan ni Daniel. Maya't maya din ang kanyang buntong hininga para bang may mabigat na iniisip. Hinawakan ko ang kanyang braso upang makuha ang kanyang atensyon. Nagulat ako ng napaigtad siya sa haplos ko. Kinabahan ako sa inaasal niya. "Honey… are you okay?" "s**t! I'm sorry…" hinawakan niya ang kamay ko at marahan na ngumiti sa akin. "Yes, honey. I'm fine. Hmm, may problema lang sa… opisina and I need to go now. May… kailangan akong asikasuhin…" "Hindi ka pa tapos mag almusal. Are you that busy?" Tumayo siya at

