Magkahawak kamay kaming lumabas ni Nathan sa condo. Ihahatid niya ako pero hindi siya magpapakita kay Daniel. Bababa siya ng elevator bago kami makarating sa floor ng basement. Tahimik kami sa elevator. The CCTV didn't bother us. Sa asawa ko, sa sa pamilya ko at sa diyos lamang kami nagkakasala. Hindi sa mga taong nakapaligid sa amin. Ang kasalanan lang namin ay magmahal sa maling tao, maling sitwasyon at maling panahon. Humigpit ang hawak sa akin ni Nathan ng bumukas ang elevator. He kissed me on the lips before he stepped outside. Bago magsara ang elevator ay may sinabi siya sa akin. “I’ll see you in a bit…” seryoso niyang sabi. I felt something weird in Nathan's words. Umiling ako. Hindi naman na kami magkikita dahil gabi na at nagkasundo kami na hindi na ako pwede ng gabi sa co

