“I know it's hard, Zafrina, but you did a good job of telling the truth. But I didn't say na tama ang ginawa mo dahil nag lihim ka sa kanya. He felt betrayed pero for sure mapapatawad ka pa niya.” Tumango ako. “I’m so sorry…” nanghihina kong sambit. Malungkot siyang bumuntong hininga. Muli niya ako niyakap habang hinahagod ang aking likuran. Napahinto siya ng may kumatok sa pinto. “Come in!” sigaw ni Tita. Bumukas ang pinto at linuwa nito ang kanyang assistant. “Doktora, pasensya na po sa abala pero nandito na po si Mrs. Delavega at si Mayor. They’re waiting for you in the lobby…” “Oh, shoot,” she looked at me apologetically. “I’m so sorry, hija. Kailangan ko asikasuhin ang kliyente ko.” Tumango ako at muling nagpunas ng luha. Tumayo na ako at kinuha ang aking damit upang mapalit

