Pagkatapos kong mag linis ng aking katawan ay pumasok ako sa silid ni kuya. Naabutan ko sila tita Amara doon kaya't lumabas na lang ulit ako, dahil sa tingin ko'y ginagamot si kuya. "Tracy." "Tito Hiro." Masaya kong bati atsaka sila niyakap. "Who's your favorite tito?" "Ahhmm... tito Hiro." Pag ngiti ko. "Pero favorite ko rin po si tito Jasper." "Isa lang. Sino saamin?" "Kayo po." Sabi ko na nagpatawa sakanila. "Want to play our game again?" Makahulugan nilang ngiti kaya ako biglang napangiti. "Sige po. Sige po." Paglabas namin sa kastilyo ay nagpunta ulit kami sa may tagong parte. Sumakay ako sa likod nila katulad ng dati atsaka na nila ginamit ang kanilang kapangyarihan. Mabilis na nagdilim ang mga ulap at nagkaroon na bigla ng kulog at kidlat. "Excited ka na?" "Opo,

