Tahimik ang buong gallery. Maaga pa kaya kakaunti pa lamang ang mga bisita. Nakaupo sina Lyric at Nyxie sa maliit na coffee corner sa ikalawang palapag ng gallery habang may tig-isang tasa ng kape sa harapan nila. Nakasandal si Lyric sa upuan, pagod ang mga mata, parang ilang gabi nang kulang sa tulog. Samantalang si Nyxie naman ay nakahalukipkip habang nakatitig sa kanya na para bang may iniimbestigahang kriminal. "Okay, that's it! Ano nanaman ginawa ng magaling kong pinsan?" tanong ni Nyxie pero napabuga naman ng hangin si Lyric. "Miss ko na si Isaac." malungkot na usal ni Lyric, halos 1-week na yata silang hindi nagkikibuan ni Isaac. And honestly na mimiss na talaga niya ang halik at yakap nito. Yung mga yakap nito sa kanya sa gabi pero wala naman siyang balak na siya pa ang unang lal

